CHAPTER 25 - EPILOGUE

314 9 1
                                    

Louise Bautista


Sabi nila, 'Habang may bukas, may pag-asa' at 'bawat pag tatapos may bagong simula'.

Kelan mo masasabi kung worth it ba Ang Umasa? Kapag ba natupad na yung hiling mo, o Minsan worth it na para sayo Kasi nasulit mo Naman yung panahon?

Hanggang kelan mo kayang maghintay para sa taong mahal mo? Ito na ba yung siya lang? Yung kung di rin kayo sa huli, Hindi mo na hahayaan Ang puso mong magmahal muli kahit na, Hindi na Niya alam?

Ganoon ka ba ka-loyal na kahit buong buhay mo, hihintayin mo siya hanggang sa huling hininga mo?

Napaka powerful Ng love ano? Na kahit sino Mang matalinong tao Hindi kailanman kayang labanan.

"Para Po!" Sabi ko sa manong driver na nag mamaneho.

Huminto Ang jeep sa may pedestrian lane. Bumaba Ako at tumawid.

Huminto Ako at tumayo sa tapat, sa gitna mismo ng Lugar na iyon. Tumingala Ako at binasa ang pangalan

Teresa heights

Grabe Ang tagal ko na rin palang Hindi nakapunta Dito. Nakakamiss. Isang tingin ko pa lang sa subdivision na ito ang Dami ko nang naaalala. Parang film sa imahinasyon ko.
Kulay green pa rin Ang pintura Ng gate, pero kapansin-pansin na may nadagdag na mga lot and building.

Bumasok Ako sa Ng sub. Lumiko Ako sa kanan. Kulay berde pa rin Dito. Marami pa rin mga palantito't plantita. Andoon pa rin yung karatulang pang guide sa street. 'Makulimlim' at 'Madaling araw' parang dati lang Dito Ako nakatira.

Dinaan ko Ang dati Kong street, nadaanan ko rin Ang dating apartment na tinirhan ko noon. Ganoon pa rin Ang hitsura Ng apartment. Kulay cream. Nag lakad na ulit Ako Ng deretso. Tsaka ko narating Ang dulo Ng street. Ito na yung park.

Sa wakas, na kita ko ulit Ang park na ito. Long time no see sa tambayan Kong ito dati. Hahaha. Nakakamiss talaga, kapag ganitong may binabalikan Kang mga Lugar noong Bata ka Ang sarap bumalik sa nakaraan. Kung may time machine lang eh.

Pinasok ko Ang park. Nandoon pa rin yung court. Yung bench na gawa sa simente na walang sandalan, yung sea saw, yung slide at yung swing. Mukhang bagong pintura Ang mga ito dahil Ang tingkad pa Ng kulay. Dati Kasi ay kupas na Ang pintura Ng mga ito noon eh. Heto na Naman Tayo sa salitang "kung kelan ka umalis, tsaka gumanda" hahaha.

Makulimlim Ang weather Ngayon. Napansin Kong dumidilim na Naman Ang kalangitan. Kanina, noong nakasabay Ako sa jeep umulan eh, Ngayon Mukhang uulan na Naman. Teka, Wala pa Kong payong dala, maliit na bag lang Kasi itong dinala ko. Nalimutan ko na Naman mag dala.
Tumatanda na nga Ako.

Lumabas na Ako ng park. Tinignan ko sa malayo iyon. One last sight at aalis na rin Ako. Pero automatic na may lumabas na tubig sa mata ko at naramdaman Kong tumulo iyon sa pisngi ko. Haaayy. Sa dinami-rami Ng pinagdaanan ko, Dito lang yung naisip Kong balikan. Sa lahat lahat Ng pwedeng pasyalan ito yung naisip ko.

Ganon Pala Ang buhay Noh? It's a bunch of experiences. You will learned a lot from it. You will earn and will be remembered.

Sa dinami-rami Ng pinagdaanan Kong challenges at problema sa buhay look, nandito pa rin Ako. Going strong. Pinahid Ng kamay ko Ang luha ko. Bigla ko nalang naramdaman na may sunod-sunod na tubig Ang pumapatak sa katawan ko. Umuulan na.

Maliligo nalang ba Ako sa ulan? Tutal Wala Naman Ako dalang payong eh.
Tumingin Ako sa paanan ko at pinanood na lamang Ang mga patak ng ulan na nagwisisikan sa pagbagsak noon sa basang Daan.

Maya-maya, Hindi ko na naramdaman na nababasa Ako, pero Ang ulan ay patuloy pa rin sa pag bagsak. Dito ko napagtanto na Hindi Ako nag iisa.

"Umuulan na Louie."

Sabi Ng tao sa likuran ko. Doon ko napagtanto na pinayungan Niya Ako. Dahan-dahan akong Lumingon sa kanya. At Doon, Nakita ko Ang makapal niyang kilay, matangos niyang ilong, kulay nut brown niyang mata at Ang may kakapalan niyang labi. Lumabas Ang tubig sa kanang mata ko.

"Bakit ka nagpapaulan? Magkakasakit ka niyan eh." Dugtong niya.

Parehong lumuha Ang mga mata ko.

"Shh...huwag Kang umiyak. Tahan na Louie." Pagpapatahan Niya sa akin kasabay Ng pag Tuyo Niya Ng luha ko gamit Ang hinlalaki Niya. "Ayoko nang nakikita kang nasasaktan. Diba sinabi ko sa'yo Hindi ka na masasaktan?"

"Tyler." Hindi nakinig Ang sarili Kong mga luha at mas Lalo itong lumabas.

Oo. Buhay si Tyler. Nagising siya noong araw na iyon, at nakarecover siya.

"Hindi Naman dahil sa nasasaktan Ako kaya Ako umiiyak. Umiiyak Ako dahil sa sobrang saya, Kasi Hindi mo ko iniwan, bumalik ka at gumising ka."

Hawak Ng kaliwang kamay Niya Ang Mukha ko. "Ako rin louie. Masaya Ako, na finally after Ng lahat-lahat magagawa na kitang mahalin ng libre, ano Mang oras ano man sa gusto ko."

Hinawakan ko Ang kamay Niya. Na nakahawak sa Mukha ko.

"Hindi ka na uling mag iisa sa ulan Louie, this time kasama mo na ko."

Lumapit Ang Mukha Niya sa akin. Napapikit Ako. Hahalikan na Niya ba Ako?

Tsaka ko naramdaman na hinalikan Niya ko sa noo.

And finally, for the very first time in my life, nayakap ko si Tyler.

Kahit kailan never ko pang nayakap si Tyler. Kahit noong magkaibigan pa kami.

Imagine how many years I've waited and how many years I've been wishing na mahagkan siya. At sa mga segundong ito parang libu-libong boltage Ng kuryente Ang naramdaman ko. I can feel the sparks.

Finally, pagkatapos Ng lahat, pwede ko nang mahalin si Tyler Ng libre. Ng buong-buo at Ng pang habang buhay.

Siyang tunay noong sinabi Kong sa kanya lang bubugso itong puso ko at Hindi na sa kung kanino pa at siya ang una at huli Kong mamahalin.

Gaya Ng Araw sa maliwanag na kalangitan, Ikaw ang bukas sa masalimuot Kong nakaraan.

Binubulong ko sa langit at sa kalikasan, sabihin ko man o Hindi, marinig mo man o Hindi, nawa'y makarating sa iyo at dumeretso sa puso mo at tumagos hanggang kaluluwa, Mahal kita, Tyler Moreno.

~~~~~~The end~~~~~~

❣️Auhtor❣️

So it's a happy ending. They will live their life with love in each other. Thanks for reading the part 2! Thank you so much and see you all on my next stories.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now