Kevin De Castro
Nag simula Ang lahat noong 3rd year college Ako. Kasalukuyang pinag oojt na kami dahil hinahanda kaming mga future teachers kung dumating na Ang Araw na kami ay maging Isang ganap na guro na. Student teacher Ako Ng mga panahong ito.Doon ko nakilala si Louise Bautista. Student teacher din siya. Nasa pareho kaming school Ng pinag wo-work immersion. Unang Araw palang na Makita ko siya sa school na iyon, nang Makita Kong naglalakad siya habang suot Ang teacher's uniform at habang bitbit Niya Ang mga kagamitan Niya sa pagtuturo, ay tinamaan na agad Ako Ng Pana ni kupido.
Agad akong lumapit sa kanya.
"Ang bigat niyang dala-dala mo ah, tulungan na kita." Alok ko. Dahil Mukhang Ang gamit Niya sa pagtuturo ay PowerPoint presentation. Tv Ang dala-dala Niya. Napaka strong Naman Ng babaeng 'to.
Iniwas Niya yung dala-dala Niya. "Ay, Hindi na, okay lang. Ayos lang Ako." Tanggi Niya.
Ang Ganda Ng boses at Ang hinahon.
"Sigurado ka kaya mo? Tv yang dala-dala mo?" Pangunguwestyun ko.
"Oo kaya ko." Nakangiti niyang Sabi.
Ang Ganda rin Niya pag nakangiti. Mas maganda siya pag nakangiti. Ang charming.
"Hindi na, Ako na bubuhat niyan. Sige na, huwag ka na tumanggi alam ko nabibigatan ka rin." Sabi ko at inagaw Ang dala niya Ng Wala pang pagsang-ayon Niya.
Hindi Naman na siya nag reklamo.
Bigla siya napatingin sa suot ko.
"Student teacher ka din?" Tanong Niya.
Ngumiti Ako.
"Oo."
"Pareho Pala Tayo."
"Pareho tayo."Nagkasabay pa kami.
Tumawa Naman siya. At anak Ng kalabaw Lalo akong na in love sa kanya. Napaka Ganda niyang tumawa.
Inilahad ko Ang kamay ko sa kanya.
"Kevin nga Pala. Kev, Kevs nalang for short" Nakangiti Kong pagpapakilala.
Inilahad Niya rin Ang kamay Niya.
"Louise." Pagpapakilala Niya.
Bagay na bagay sa kanya Ang pangalan Niya.
"Louise, Ang gandang pangalan, bagay na bagay sa'yo." Puri ko. Syempre Banat na rin agad para nakapoints agad Ako sa kanya.
Tumawa siya.
"Ikaw Naman, Ang bolero." Sabi Niya.
At simula nang Araw na yon, palagi na kaming magkasama. Sa lunch, sa uwian sa pag pasok sa school at sa university.
Niligawan ko siya Hanggang sa gumraduate kami, Nung Araw na yon, tsaka niya ko sinagot. Best day ever Ng buhay ko. Graduate na nga ko, sinagot pa ko.
Naging mag live-in-partner kami ni Louise. 2 years na kaming nagsasama.
Pero may bigla akong nakilala. Si Tyler. Coach ko siya. pinakilala ko siya Kay Louise at nalaman ko na Magkaklase Sila ni Louise noong grade 6 Sila. Iyon Ang Sabi nila sa akin. Pero umpisa pa lang, napansin ko nang may Hindi magandang relasyon sa kanilang dalawa. Mailap si Louise Kay Tyler. Pero Hindi ko pinaglaanan Ng pansin Ang bagay na yon. Una sa lahat Wala akong kasiguraduhan sa kung ano man Ang napansin ko. Pero ginusto kong kaibiganin si Tyler. Nag kukuwento Ako Ng tungkol sa Amin ni Louise at nakikita ko sa mga tanong at kilos Niya na interesado siya Kay Louise. Sa girlfriend ko.Hanggang Isang Araw bumalik Ako sa condo ito yung Araw na mag iisang buwan akong nawala dahil kinailangan Ako ni mama sa tabi Niya. Pagkatok ko sa unit. Si Tyler Ang binanggit na pangalan ni Louise. Sobrang laki Ng ngiti Niya at para bang excited na excited Makita si Tyler higit pa sa excitement na Makita Ako. Napansin ko Ang agad na pagkalusaw Ng ngiti ni Louie Ng mapagtantong Hindi si Tyler Ang kumatok kundi Ako. Pero Hindi ko pinahalatang iyon Ang Nakita ko Kay Louise. Hindi Niya nakikita Ang sarili niyang ikinikilos.
YOU ARE READING
Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]
RomanceA continued story of "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Sa bawat saglit, handang masaktan kahit 'di mo alam Year 2028 Started writing: October 1, 2022 Finished: February 4, 2023