Warning: This story contains violence and mature content. Readers' discretion is advised.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the writer's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
--------The moon had taken the place of the sun; the once bright sky had been overshadowed by absolute darkness and I was walking in the hallway of our school. My ears picked up a cracking sound, I started to hear some footsteps at my back. It feels like someone is following me.
Binilisan ko ang aking paglakad hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa likod ng aming paaralan. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang biglang lumakas at lumamig ang ihip ng hangin.
"Leah," isang tinig mula sa aking likuran ang siyang nagpabilis sa tibok ng aking puso.
Dahan dahang akong lumingon sa kung saan nanggaling ang boses upang makita kung sino ang nando'n. "Who are you?" nanginginig ang aking katawan at boses habang sinasagot ko ito.
Isang anino ang siyang nakita ko na lumabas mula sa madilim na parte sa likod ng paaralan.
"Stop, don't come near me. Who are you?" pasigaw na tanong ko rito, ngunit isang halakhak lamang ang naging tugon nito sa'kin.
Dahan dahan siyang lumapit papunta sa kinaroroon ko, at aking nasilayan ang labi nitong nakangisi sa akin.
Nagsimulang magsitaasan ang aking balahibo, hindi ko na maipaliwanag ang kabang aking nararamdaman, hindi ko maigalaw ang aking katawan, at tanging paghikbi lamang ang siyang lumalabas sa aking labi.
Biglang nandilim ang aking paligid, "Noooooooo," isang sigaw ang aking pinakawalan nang biglang...
"Emily, wake up, what happened? Binabangungot ka na naman ba?" isang g'wapong mukha ang siyang aking nakita nang minulat ko ang aking mga mata.
It was Jeff, my boyfriend. "I'm having a nightmare again, the same nightmare as before," pagsusumbong ko rito sa malungkot na boses na animo'y isang batang iniwan ng kaniyang ina.
"Shhh, it's fine, it's fine, I'm here babe," aniya at niyakap ako ng mahigpit. "Btw babe, did you fix your things already? Ngayon ang lakad natin 'diba?" napabuntong hininga ako bago ko s'ya sinagot, "Opo, nasa maleta ko na ang mga gamit ko. Nagpaalam ka ba ng maayos kina tito?" tanong ko rito.
"Yes, of course, I'm excited to meet your mom, babe. Magugustuhan niya kaya ako? Sa cellphone ko pa nga lang nakausap mukhang masungit na, paano pa kaya sa personal?" tumawa ito sa sinabi, "are you fine na, babe? Maligo ka na, malayo pa ang Probinsiya niyo," dagdag pa nito sa sinabi.
"I'm good na po, I love you," sagot ko sa kaniya at bumangon. "You fix your things na rin, I'll just go to shower," ngumiti ako sa kaniya at pumasok sa banyo.
We are here now on my apartment in Manila, hindi ako taga rito, I'm from the province of Cagayan in Santa Ana. Dito ko napiling mag-aral dahil dito rin nag-aral dati si Mommy.
Dali-dali kong tinapos ang aking pagliligo. Bago kami umalis ni Jeff papuntang Cagayan, dumaan muna kami kina Tito Ardie, ang daddy ni Jeff.
"Bye Mom, Dad, I'll update you if nasa Cagayan na kami. Don't worry, we'll take care," pasigaw na sabi ni Jeff habang inaayos ang aming gamit sa compartment ng kaniyang sasakyan.
"Bye po, tita, tito, ako na po ang bahala sa anak niyo, don't worry po hindi ko po siya pababayaan," ngumiti ako sa kanilang mag-asawa habang kumakaway bago pumasok sa front seat ng kotse ni Jeff.