Spoken Poetry- Bakit kayo'y ganiyan?

47 1 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo...
Atin tignan ang mundo,
Ang mundong puno ng kasamaan;
Mga taong nabubulag dahil sa kayamanan.

Bakit kayo'y gan'yan?
Mukha ang ginagawang basehan sa kagandahan,
Kasikatan ang nagiging dahilan upang magkaroon ng maraming kaibigan.

Mayayaman ang s'yang hinahangaan,
Mga mahihirap ay s'yang tinatapak-tapakan!
Bakit kayo'y ganiyan?

Gob'yernong sakim sa kapangyarihan,
Na naging dahilan, sa hindi pag-unlad ng bayan!
Hustiyang hinihingi ng karamihan,
Hindi maibigay dahil sa bulok na sistema ng pamahalaan.
Bakit kayo'y ganiyan?

Kabataan, bakit kayo'y ganiyan?
Mismong magulang ay sinisigaw-sigawan,
'pag sa jowa ay naging banal-banalan.

Mga kababaehan, bakit kayo'y ganiyan?
Nasa'n na ang hiya, sa pagdamit na halos labas ang kaluluwa?
Nasa'n na ang nakagawian? Mga babaeng dapat mala Maria Clara, hindi 'yung  babaeng palamura.

At kayo namang mga kalalakihan, bakit kayo'y ganiyan?
Nasa'n ang respeto sa kababaehan?
Bakit ang mga mata'y napuno ng kalaswaan, at ang utak ay napuno ng kahalayan?

Kayo namang mga nakakatanda, bakit kayo'y ganiyan?
Mali ng kabataan ang laging nakikita,
ngunit ang sariling kamalian ay siya'ng binabalewala.

Tingnan natin ang kaguluhan ng mundo,
at maling ginagawa ng mga tao.
Bakit kayo'y ganiyan? Bakit tayo'y ganito?
Ano'ng dapat gawin para sa pagbabago?

One Shots and PoemsWhere stories live. Discover now