"Talaga, hindi ka sumasama sa kung kani-kaninong lalake?"
"Grabe ka, ha! Prangka mo talaga 'yan sasabihin sa akin?"
"Oo!"
"Hindi ako ganun! Baka ikaw, kung kani kaninong babae ka sumasama!"
"Lasinggero ako pero hindi ako babaero. Alam mo ba, wala pa akong officially naging girlfriend dahil yung mga babaeng bumubuntot sa akin at nagpapansin sa akin ay mga two timer," natamaan si Yorry sa sinabi ni Jaldy kaya tinapik niya ang binata sa balikat nito.
"Grabe ka talaga!"
"Bakit, natamaan ka ba?"
"Bakit naman ako matatamaan, eh hindi naman ako yun! Madaldal ka talaga kapag lasing ka, tara na nga. Kanina ka pa hinhintay ng mga kaibigan mo!"
"Ikaw naman ay umuwi ka na!"
"Diba naman I told you na makiki-hang out ako sa inyo!"
"Nandito na pala si Jaldy!" sigaw ng kaibigan niya na si Charlie.
"May kasama pa siyang hot chick!" sabat ni Miggy.
"Ang lakas niya talaga sa mga babae!" Dagdag pa ni Jerome.
Tinabihan niya sa upuan ang binata at nakayakap pa rin siya.
"Ano ba, hindi ko siyagirlfriend," sagot niya sa mga kaibigan niya.
Sumabat si Yorry, "lasing na siya kaya hindi niya na ako mamukhaan pa. Girlfriend niya ako!" Nakangiting pagsisinungaling ng dalaga.
"Anong girlfriend?"
"Tingnan niyo na, hindi ako kilala. Ganito siya kapag nalalasing!"
Inalok si Yorry ng isang kasamahan ni Jaldy na uminom ng alak.
"Sige, pagbibigyan ko kayo, pero isa lang dahil walang maghahatid sa boyfriend ko kapag pareho kaming lasing." dahil sanay na sanay na siya sa alak kaya pinili niya ang pinakamatapang na alak.
Pinipigilan siya ni Jaldy sa pag-inom ng alak, dahil sa kalasingan ay natapon sa damit niya ulit ang alak.
"Ikaw talaga, sinasadya mo talagang itapon ang alak sa damit ko. Ano ka ba, huwag natin gawin dito," pagbibiro niya kaya napasigaw ang mga kaibigan ni Jaldy.
"Tara, guys. Uwi na tayo! Hindi na ako nag-e-enjoy dahil may kasama tayong babae!" Tumayo pa siya para magsalita.
"Mamaya na tayo uuwi, sobrang maaga pa," sagot ng idang kasamahan niya.
"Mauna nalang ako uuwi, isasama ko 'to sa labas ang babae kong classmate baka kung ano pa ang gawin niyo sa kaniya!"
"Ano ka ba, wala kaming gagawin sa kaniya!"
"Bahala na kayo diyan. Sige alis na ako," lasing niyang paalam. Hinawakan niya pa ang kamay ni Yorry para sumama sa kaniya.
"Ang KJ mo talaga!"
"Diba, ako lang ang pinuntahan mo rito? Wala na ako sa loob kaya umuwi ka na!"
"Taas ng confident mo, ah! Nandito ako para uminom!" Bulyaw niya sa lalake.
"Basta umuwi ka na!" Naglakad siya papunta sa kotse niya.
"Kaya mo bang umuwi mag-isa? Samahan nalang kita?" sigaw ni Yorry.
"Ayaw ko nga, baka kung ano pang gawin mo sa akin!"
"Grabe ka talagang lalake ka!" Sinundan niya pa rin ang lalake papunta sa kotse. Binuksan niya ang pinto ng kotse para sumakay.
"Bakit nandito ka pa?"
"Baka kung ano ang mangyari sayo kaya sasama nalang ako. Uuwi rin naman ako pagma-ihatid kita sa condominium mo," sabi niya sa lalake.

BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
Genel KurguPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...