11

175 1 0
                                    

Tumawa lang ako sa kuwento ng bruha. Nakita ko pa, nilande niya ang guard sa mall. 

"Hoy, pokpok ka. Kumikiringking ka na naman!" sigaw ko.

Naglakad na siya palabas ng pintuan. Kilig na kilig ang bruha.

"Ano bang kalandean na naman yan?"

"Ampogi niya. Bagong guard siya ng mall kaya pala unfamiliar siya. Wala rin siyang jowa. Ang swerte ko naman ngayong araw na ito. Kinuha ko ang number niya. Tatawagan ko siya mamaya!" tuwang tuwa siya habang nagsasalita.

"Ang lande mo talaga! Ang lande mo!! Diyaan ka pa talaga magkalat!"

"Juicy pa ba ako! Parang gusto niya naman ako, eh,l I feel it!"

"Parang? Not sure din pala," asar ko 

sa kaniya.

"Shut up! Ano nga pala ang ginagawa mo diyan? Anong ganap sa condo mo?"

"Wala naman," ngiti kong sagot sa kaniya.

"Ah, kaya pala parang nanalo ka sa lotto!"

"Oo, parang ganun na nga dahil sa friday magiging official ng wife ako ng bilyonaryo na si Vincent Navar. Guess what? maghihiwalay na silang dalawa ng kaniyang wife. Ang ibig kong sabihin, naghiwalay na sila. Nagprimahan na ng divorce paper." Kuwento ko sa kaniya.

"Oh my God, kang pokpok ka, I'm really happy for you! I'm really happy. Ikaw na ang sagot ng ticket nating tatlo sa pagbakasyon natin papuntang Paris?"

"Oo naman. Maliit na bagay!"tuwa kong sagot sa kaniya.

"Hang-out din tayo sa yate at iba pang mamahalin at magagandang place. I can't wait!" Excited na mga sambit ni Jade.

"Oo naman."

"Kinakabahan ka ba sa darating na-friday. Ka-harap mo sa iisang table ang ex-wife at tatlong anak ng iyong magiging husband?"

"Ngayon, hindi pa ako kinakabahan. Ewan ko lang sa friday kapag kaharap ko na sila!"

"Kaya mo yan friend. Sisiw lang yan sayo. Andami ka ng na-encounter na malalaki at maliliit na mga tao. Mga iba't ibang tao kaya alam kong kaya mo yan!" Cheer up niya sa kaniyang kaibigan.

"You're right. Kayang kaya ko ito!"

Excited kong hinintay ang pagdating ng friday.

Naghanap din ako ng maganda at medyo mamahaling damit para naman hindi ako magmukhang pulubi kapag kaharap ko na ang kaniyang ex-wife pati ang kaniyang tatlong mga anak.

Nag-aaral ako ngayon sa library. Kunyari lang naman! Ang totoo ay hinintay ko si Jaldy. Sinabi niya kasi magkikita kami rito.

Nakita ko ng pumasok na siya. Kumaway pa siya sa akin ng ako ay nakita.

"Kanina ka pa ba maghihintay diyaan?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko yung hawak niya.

"Hindi naman masyado. Ano ba ang hawak mo na yan?" Nakangiti siyang iabot sa akin ang hawak niya.

Natuwa ako. Inaasahan ko sa maliiit na maganda at mamahaling box ay mamahaling accessory ang laman.

Nang akin ng binuksan ay nagtaka ako dahil walang laman ito. Tumingin ako sa kaniya para itanong kung bakit walang laman ang magandang box na ito.

"Nais lang iparating, you don't need a fancy, expensive and beautiful things in life to makes you happy. Makikita ang happiness diyaan sa puso mo, gaya nang nangyari nung nakaraang araw na tayo ay kumain ng street foods. Ngumiti ka at masaya ka nang nagbalik tanaw ka sa iyong pagiging high school student." Hindi ko maintindihan sa mga pinagsasabi ng lalake na ito. Ano bang iniisip niya? Ano bang nakain ng taong ito?

Earthly Desire  (Rated 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon