Chapter 02

111 9 0
                                    


SABRINA KYE CORBIN


“Wala 'bang facebook si Ophelia?” tanong ng katabi kong babae na 'di ko naman kilala.

Napahinto ako sa aking pagguguhit at tinignan s'ya, napakunot ang noo ko. Ako ba ang kausap n'ya?

“I don't know her, sino ba s'ya?” tanong ko.

Nanlaki nang bahagya ang maliit n'yang nga mata sa akin at naiwan sa ere ang kamay nang akmang magtitipa s'ya sa kan'yang cellphone.

“My gosh, Sab.” Nasapok n'ya ang kan'yang noo. “She's a junior high school student na sikat ngayon sa ating school. She got a lot of admirers, pati mga senior and college guys nagkakagusto sa kan'ya. ”

Tinukod ko ang aking siko sa arm chair ko at nagpalumbaba. Wala man lang akong nababalitaan tungkol sa babaeng sinasabing sikat. Masyado akong tutok sa sports ko kaya hindi na ako nakasagap ng balita tungkol sa mga baguhang nagagandahang mga babae rito.

“Wala akong paki,” sabi ko na lang at pinagpatuloy ang naudlot kong pagguguhit.

“Hay naku, Sab. Bantayan mo ang boyfriend mo baka magustuhan n'yan si Ophelia,” bigla n'yang sambit na ikinailing ko.

Hindi ko maiwasang matawa. One year na kaming magkarelasyon ni Krister at kahit kailan wala akong nabalitaan na may sineryoso o nagugustuhang babae na tipong gusto n'yang maging girlfriend. First girlfriend n'ya ako at first boyfriend ko rin s'ya.

“Oh, dear, hindi iyon magugustuhan ni Krister. Wala na s'yang mahahanap pa na mas maganda kaysa sa akin,” proud kong ani na ikinangisi n'ya.

Simula no'ng naging kami, nasa akin ang atensyon n'ya bukod sa friends n'yang mga lalaki. Kung 'di ko lang s'ya kilala ay baka napagkamalan ko ng mahal n'ya ako. That's impossible, pareho kaming ayaw mahulog nang malalim sa isa't isa.

Gusto namin ang isa't isa at hindi mahal ang nararamdaman namin. Mas maganda na ito kaysa sa lumalim pa. Like my Kuya Razmien say, h'wag kang mahulog sa pagmamahal. It's dangerous, unless kung s'ya na talaga ang sa tingin mo ang makakasama habang buhay.

Pangako naming magkakapatid na dapat iisa lang ang mamahalin namin. Marami man ang dadating sa aming buhay pero dapat h'wag naming hahayaan na kunin ng iba ang puso namin. Nasa iisang tao lang dapat ito ilalaan.

“Iniisip mo bang sumali sa pageant next month, Sab?” tanong ni Curtny habang nagpupunas s'ya ng pawis.

Uninom ko muna ang tubig bago s'ya sinagot, “Maybe? Ikaw?” balik kong tanong at saka nilapag ang dalang water bottle ko sa tabi ng bag.

Umiling ito. “Hindi ako sasali kung sasali ka. I'll just support you just like before.”



Nagkibat-balikat ako at 'di na inungkat pa ang tungkol sa pageant na sinasabi n'ya. Ayaw n'ya kasi akong kalabanin dahil nga raw magkaibigan at magpinsan kami.

Wala naman sa akin kung sumali s'ya kasama ako. Hindi ko naman seseryusuhin ang contest unless kung magkaaway kami.

“Laro na tayo, Sab,” sabi ng kasama ko sa pagp-practice ng badminton.

Tumayo ako na ako at nakipaglaro na sa kan'ya sa badminton court. Pumunta na rin si Curtny sa kan'yang ka-partner.

Isang oras kaming naglalaro nang sabihan kami ng aming coach na bukas ulit kami magp-practice at p'wede na kaming makakaalis.

Kakukuha ko pa lang ng aking bag at tubig sa bench nang makita si Krister na papalapit sa aking gawi. Napataas ang isa kong kilay sa kan'ya nang nasa harapan ko na s'ya.

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon