CHAPTER 08

88 4 0
                                    


DELMARA LAI RIVERA


Pakiramdam ko ito ang unang beses na may babalikan ako. Ang lambot n'yang labi ay dinadala ako sa mga ulap. Namanhid ang katawan ko at marahan na kumapit sa kan'yang leeg bilang suporta. Bakit ganito na lang ang epekto n'ya sa akin?

Umabot ng isang minutong nakalapat pa rin ang mga labi namin. Malakas na puwersang humila kay Lyxe kaya napahiwalay kami.

Bago pa ko pa man tignan kung sino ito at pakalmahin ang nanghihina kong katawan, nagulat lamang ako na nakahiga na sa lupa si Lyxe at pinaulanan ng suntok ni Krister.

“F*ck you, bastard! You have a guts to kissed what's mine!” sigaw ni Krister, malakas ang sumunod na suntok n'ya sa mukha ni Lyxe.

Napatakip ako sa bibig at tarantang hinihila ang damit ni Krister para ilayo ito sa pag-ibabaw kay Lyxe.

“Tama na, Krister! Ano ba!” malakas kong sigaw, nagmamakaawa.

Palinga-linga ako sa paligid nagbabakasakaling makakita ng taong pipigil sa kanila. Napatingin ako sa bahay namin at nahagip si Kuya Razmien na madilim ang ekspresyon na papalapit sa amin.  Kinabahan ako sa maaaring n'yang gawin.

Hindi ko narinig ang pagsigaw o paglaban ni Lyxe na ikinabalisa ko. Tinatanggap n'ya lahat ang suntok at sapak ni Krister na ikinaiyak ko. Wasak na ang salamin n'ya na tumalbog sa tabi.

“Titigil ka o ako mismo ang babaril sa 'yo?” 'Di ko inaasahan na may dalang baril pala si Kuya Razmien, tinutok n'ya ito sa batok ni Krister na ikinatigil nito.

Nilapitan ko s'ya at pilit na pinapatago sa kan'yang likuran. Baka anong sabihin ng mga tao kapag nakita n'yang may hawak s'yang baril.

“Kuya, please, itago mo na 'yan, ” pagmamakaawa ko, halos tumulo na ang luha ko sa takot na baka magkagulo kami rito.

'Di pa rin sumunod sa akin si Kuya, mas lalo n'yang tinutok ang baril kay Krister.

“Tumayo ka r'yan at umalis na bago ko pa kalabitin ang baril na 'to,” mapanganib na ani Kuya Razmien.

Kita ko ang seryosong mukha ni Krister nang tignan n'ya si Kuya. Dahan-dahan n'yang pinakawalan ang kwelyo ni Lyxe at tumayo. Napahiga si Lyxe sa lupa dahil do'n kaya agad ko s'yang dinaluhan.

Lumuhod ako sa kan'yang harapan. “T-Tumayo ka muna, Lyxe.”

Agad n'ya akong sinunod. Hinawakan n'ya ang aking kamay nang kunin n'ya ang basag n'yang salamin sa lupa. Nahihirapang huminga ito ng malalim at tinignan ako.

“I'm sorry,” paumanhin n'ya, hindi ko alam kung nags-sorry ba s'ya dahil sa hinalikan n'ya ako o dahil sa ginawa n'yang gulo.

Tumango lang ako at mahigpit s'yang hinawakan sa kamay. Kita kong papaalis na si Krister, mukhang nasindak sa ginawa ni Kuya Razmien.

“Papasukin mo muna boyfriend mo, Sab,” sabi ni Kuya Razmien, mapanuring tinignan n'ya si Lyxe na ramdam kong naiilang din sa Kuya ko.

Magsasalita na sana ako para itama ang kan'yang sinabi subalit mabilis s'yang umalis sa aming harapan at pumasok sa loob. Pinisil ko na lamang ang kamay ni Lyxe at niyaya s'ya pumasok.

“P-Pero...” Balisa ang mga mata n'ya animo'y natatakot na pumasok sa bahay.

Hindi ko hinayaan na makatakas s'ya at pinilit s'yang pumasok na agad n'ya namang ikinasunod. Wala s'yang choice kundi sundin ako dahil talagang magagalit ako.

“Bakit kasi 'di ka lumaban?” naiinis kong tanong kahit malakas ang pagkakabog ng dibdib ko sa kaba kanina na baka napuruhan s'ya ni Krister.

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon