SABRINA KYE CORBIN
Napabuka ang bibig ko na kulang na lang ay pasukin ng langaw. Agad ko itong naitikom nang makitang naghihintay sa akin si Lyxe sa tambayan ng Business Administration Building.
“Bag mo raw, Sab, kunin mo,” ani Curtny at bahagyang tinulak ako. Sinamaan ko s'ya ng tingin at agad ding umalis para sundin si Lyxe.
Wala sana akong balak na kausapin si Lyxe at mag-focus muna sa dami ng assessment namin. Kaya pala hindi ko makita bag ko dahil nasa kan'ya. Worst, nando'n 'yong nga importante kong gamit
Magbibigat na hakbang akong lumapit sa kan'ya. Hahablutin ko na sana ang ko nang itinaas n'ya ito upang 'di ko maabot.
“Kausapin mo ako, Sab.” Nakikiusap ang kan'yang mga matang nakatingin sa akin habang pilit na itinataas ang bag ko.
“Akin na kasi!”
Inis kong hinampas s'yang sa dibdib na ikinatalon lamang n'ya sa tuwing tinatamaan ko s'ya. 'Di ba ayaw n'yang makita ako? Bakit ngayon s'ya na mismo ang humahabol para makausap ako? Binibigay ko lang ang gusto n'ya.
“Kausapin mo muna ako bago ko ibigay 'to.” Tukoy n'ya sa bag ko.
Tumalon-talon ako sa kan'yang harapan ngunit masyado s'yang mataas kaya 'di ko maabot. Hinihingal na napakapit ako sa kan'yang uniform na kulay puti dahil sa pagod ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandig sandali ang noo sa kan'yang dibdib.
Napadilat lamang ang mga mata ko nang maramdamang dumulas ang kan'yang kamay at braso sa aking beywang na nagsisilbing protekta sa pagkawalan ko ng balanse sa ginawa kong patihin-tihin at pagtalon-talon.
“Hindi ka ba makaintindi?” inis kong tanong at tinulak ang kan'yang dibdib, ako lamang ang napaatras dahil sa matigas n'yang katawan.
Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong may bago na naman s'yang salamin. Pangatlong beses na siguro s'ya sa pagpalit-palit dahil binasag lahat ito ni Krister.
Naaawa ako sa kan'ya pero hindi muna iyon ang pinoproblema ko, kailangan ko ang aking bag.
“W-Wifey,” paos n'yang tawag sa akin, nanghihinang binaba n'ya ang kan'yang kamay kaya agad kong hinablot ang bag ko sa kan'ya.
“'Di ba iniiwasan mo ako no'ng nakaraang araw na sinabihan mo akong 'di mo ako maihahatid? Binibigay ko sa 'yo ang kalayaan,” ani ko, sinukbit ko ang bag at umatras ng hakbang.
Umiling-iling s'ya, parang gusto n'yang hawakan ako pero natatakot lamang ito dahil sa seryosong titig ko sa kan'ya.
“H-Hindi iyon sa gano'n, Sab. Please, nagkakamali ka.”
“Pakiusap, Lyxe, h'wag ngayon,” agap kong sambit. “May kinakailangan pa akong tapusin kaya maghintay ka. Gano'n din naman ang ginawa ko no'ng iniwasan mo ako, 'di ba?”
Napayuko s'ya at hindi makapagsalita. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon na talikuran s'ya at walang lingon-lingon na tumungo sa department namin.
~•~•~•
“Aalis muna ako, Kuya,”mabilis kong paalam kay Kuya Razmien habang mabilis ding sinusuot ang jacket ko, malamig sa labas kaya ganito.
Napatigil s'ya sa kan'yang ginagawa kahit hindi masyado kita ang kan'yang pigura mula sa loob ng kan'yang opisina ay nababatid kong nakatitig ang malalim n'yang nga mata sa akin.
“Saan ka pupunta?” tanong n'ya, maotoridad.
“Sa bar, nando'n sila Curtny at birthday din kasi ng kaklase ko kaya kailangan kong um-attend,” dahilan at sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)
Romance(ONGOING) Sabrina Kye Corbin is impressed by the idea that all men must put in the effort to discover the feeling of love. Despite the fact that she already has a partner, she is certain that he is not the one she is looking for. As a Corbin in the...