CHAPTER 09

97 6 2
                                    

SABRINA KYE CORBIN


Naihatid ko na si Lyxe sa labas. Pinagmasdan ko lamang ang motor n'yang papalayo. Hinarap ko ang mga kasama ni Krister pero mukhang  natakot talaga kay Kuya Razmien kanina at pinili lamang umalis.


“Pinaalis mo na s'ya? ” biglang tanong ni Kuya Ravien habang nakatitig sa kawalan, palagi lang naman. Parang wala s'yang plano sa buhay. Hindi ko alam kung hanggang kailan s'ya magiging ganito.

“May aasikasuhin raw kasi s'ya, palagi s'yang busy pero hindi naman nawawalan ng time sa akin,” pahayag ko na hindi n'ya inaasahan.

Napangisi ito at napasingkit ang kan'yang mga mata. “Are you inlove, Kye?” bigla n'yang tanong na hindi ko napaghandaan.

Nahugot ko ang aking sariling hininga. Napagtanto ko na masyado akong halata, wala lang dapat ito sa akin. Obviously na may pagtingin ako kay Lyxe sa reaksiyon ko pa lang.

“You don't have to deny. Base lamang sa pag-aaral mo ay may nararamdaman akong kakaiba,” agad n'yang dugtong nang akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko.

Naitikom ko ang aking bibig. Sandali namayani ang katahimikan. Pareho kaming may malalim na iniisip. Napatingin ako sa mga mata ni Kuya Ravien. Sa tuwing tumitingin ako rito ay naalala ko lamang ang ginawang kasasalan ni Dad.

Napapikit ako at pilit inaalis ang pagkasabik sa pagmamahal ng isang Ama. S'ya ang dahilan kung bakit naging ganito ang Kuya ko. S'ya ang dahilan kung bakit mas pinili kong paglaruan ang mga lalaki at maghanap ng karapat-dapat sa akin.

Weird, right? Gusto kong magkaroon ng loyal na lalaki tapos ako ito pinaglalaruan lamang ang mga lalaki. Galit ako sa mga lalaki pero hindi ko mapagkakaila na hinahangad ko rin na magkaroon ng pang habam-buhay na kasintahan.

Sasabihin man ng iba na malandi ako, wala akong pakialam. Mali man na paglaruan sila pero hindi ko muna kayang intindihin ngayon.

Akala ko kapag may lalaki akong nasaktan magiging panatag ako, ngunit hindi... Kinakain na rin ako ngayon ng konsensya nang makilala si Lyxe. Hindi naman siguro lahat ng lalaki ay katulad ni Dad na manloloko.

“Mag-iingat ka sa lalaking iyon, Kye,” ani Kuya Ravien nang sandaling namayani ang katahimikan.

“Palagi n'yong sinasabi iyan ni Kuya Razmien.” Napaikot ang mata ko. “'Di n'yo naman ako binalaan na mag-ingat kay Krister, pero kay Lyxe kulang na lang ay paghihiwalayin n'yo kami.”

“Kayo na?” gulat na tanong ni Kuya Ravien nang ikinatiklop ng bibig ko.

“H-Hindi ko alam,” bawi kong tugon. “Hinrj ko maintindihan ang status namin, pero anb alam ko ay gusto lang namin ang isa't isa.”

Matagal s'yang napatulala. Tinukod n'ya ang baston n'ya na para sa kan'yang kondisyon ngayon.

“Maa higit na mahirap basahin ang mga inosenteng tao kaysa sa kagaya ni Krister na walang paking nilalabas ang kulay. I can sense that the guy named Lyxe is dangerous yet acting like innocent. It's for you to find out.”

Tumatak iyon sa utak ko. I know na may gano'ng personality pero malabong gano'n si Lyxe. I know him... Maybe.

Nanood ako ng paligsahan ni Lyxe kasama ang tatlong bruha na si Curtny at Polace na kanina pa naglalaway sa mga kasama ni Lyxe.

Hanggang sa natapos ang laro ay kaagad akong pinuntahan ni Lyxe. Nakangiting sinalubong n'ya ako, pero parang may kakaiba sa kan'yang mata. Parang kumikinang at isa ko pang nakita ay ang takot sa kan'yang mga mata.

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon