Chapter 04

88 4 0
                                    


SABRINA KYE CORBIN

“Sundan mo si Ophelia,” utos ni Polace sa akin na ikinasalubong ng kilay ko, marahas akong napatingin sa kan'ya.

“Are you ordering me now, Polace?” mapanganib na ngisian ko s'ya, hindi ko nagustuhan ang klaseng pag-utos n'ya.

“H-Hindi sa gano'n, Sab.” Winaksi-waksi n'ya ang kamay sa ere, kinakabahan sa akin. “I'm just suggesting. Tinutulungan lang kita para makahanap ng tyempo para pagsabihan si Ophelia. ”

Napaismid ako at kinuha ang aking bag. “Sinong nagsabing kakausapin ko lang? Corbin ako kaya alam n'yo ang mangyayari sa kan'ya kapag di pa s'ya umalis dito.”

Nabahala si Polace at gano'n din si Curtny ngunit wala silang magagawa. Ginusto nila ito no'ng una tapos matatakot sila sa gagawin ko?

Lumabas ako ng cafeteria para sana kausapin si Ophelia at turuan ng leksyon. Hindi pa man ako nakababa ng hagdan ay agad na sumulpot ang lalaking hanggang dibdib lang ako sa kan'ya.

Kumun-noong tinaas ko ang tingin at mas lalo lamang sumama ang loob ko. S'ya na naman.

“Kung ano man ang pinaplano mo, tigilan mo na,” mahinahon n'yang sambit inayos n'ya ang kan'yang dalang libro na kasing kapal ng salamin at pagmumukha n'ya.

“Sino ka ba, huh? Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako. Naka nakakalimutan mong isa akong Corbin,”pananakot ko sa kan'ya.

Gano'n ang mga estudyante rito, takot sila sa akin. Sinasabi ko pa lang apelyido ko kakabahan na sila. Kilala ba namang mabagsik si Kuya Razmien ay alam nilang mas malala ang gawin nito sa kanila kapag may ginawa silang masama. Hindi ko lang sinasabi kay Kuya Razmien dahil sayang sila sa oras.

“Ang pangalan ko ay Lyxe,” bigla n'yang sabi, tumikhim ito. “Lyxe Austria.”

Napangiwi ako sa kan'yang sinabi. Pakialam ko sa kan'yang pangalan?

“Wala akong tinatanong sa 'yo kong anong pangalan mo.” Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. “At saka, hindi wala akong interest na malaman ang pangalan mo.”

Napataas ang sulok ng kan'yang labi na tila natutuwa pa sya sa pang-iinis sa akin. “Tinanong mo kung sino ako, nilang advance sa pag-iisip na estudyante, alam kong tinatanong mo pangalan ko.”

Hindi makapaniwalang napailing ako. Naiinis na ako at dinagdagan pa ng lalaking ito. Nagpapatawa yata s'ya.

“Bahala ka d'yan, binabalaan nankuta pero sadyang matigas ang ulo mo. Never show your face again at baka may gawin akong masama sa 'yo,” nanggigigil kong sabi at nilampasan s'ya.

Pero 'di pa man ako nakalayo ay ramdam ko ang pagkalutang ko sa ere ng mga paa ko. Do'n ko lang napagtanto na buhat-buhay ako ngayon ni Lyxe na parang sakong bigas.

“Sh*t!” malutong kong mura at pinaghahampas s'ya sa likuran ngunit sadyang matigas ito. Kamay ko lang yata ang nasaktan. “Saan mo ako dadalhin, huh?! Kilala ba kita para hilahin ako ng ganito?!†

Humigpit ang hawak n'ya sa aking binti na ikinawala ko. Ngunit kahit anong gawin ko ayaw pa rin n'ya akong ibaba. Nahuhuli na ako sa paglalakad n'ya habang ang katawan ko'y nakabaliktad.

Sa huli hinayaan ko na lang na dalhin n'ya ako kung saan man. Napahawak ako sa kan'yang leeg nang dahan-dahan n'ya akong inilapag sa mataas na lamesa. Nasa abandonadong classroom kami malapit sa department ko.


Tinapunan ko s'ya ng masamang tingin. “Amo sa tingin mo ang ginagawa mo, huh?” Mahina kong tinulak ang kan'yang dibdib ngunit parang hangin lang sa kan'ya ito.

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon