SABRINA KYE CORBIN“Nasa archery room ba si Lyxe?” tanong ko sa kilala ni Lyxe na minsan kong nakitang kasama nito sa archery competition.
Napatigil sa harapan ko ang lalaki at nanlaki ang mga mata sa gulat. Napataas ako ng kilay sa kan'yang inakto. Masyado namang halata na hindi n'ya inaasahan ang paglapit ko sa kan'ya.
Natauhan s'ya nang makita ang pagkawalan ko ng pasensya. Napaayos s'ya ng tayo bitbit ang pana n'ya.
“Nando'n s'ya sa loob pero hindi ko alam kung makakausap no s'ya ng maayos,” nag-aalinlangan n'yang sambit ba mabagal kong ikinatango. Bakit naman?
“Thanks,” pasasalamat ko at mabilsi na tumungo sa archery room. Sinabihan na n'ya ako kanina na hindi n'ya ako maihahatid sa bahay pero gusto ko lang talaga s'ya makita kahit sandali at makausap.
Aaminin kong na-miss ko s'ya. Gusto kong linawin ang namamagitan sa amin dahil nakikita ko naman na hindi n'ya ako magagawang lokohin gaya ng ginawa ni Krister. He's a responsible man, wala s'yang nakaraang babae kaya panatag ako na seryoso s'ya sa relasyon. Magiging seryoso na rin ako, for him.
Napangiti kaagad ako nang makitang tuloy-tuloy ang pagtira n'ya ng arrow sa malaking arrow board. Tila matindi ang pag-eensayo n'ya lalo pa't mga magagaling ang mga taga ibang university. May tiwala ako kay Lyxe na maaari n'yang mapanalunan ito. Kung hindi n'ya maipanalo, ayos lang dahil wala namang kaso. At least he did his best.
Dahan-dahan kong nilapag ang bag ko sa bench at kulang na lang tumingin ako sa dahan-dahan kong paghakbang hanggang nasa likuran ko na s'ya. Nang maramdamang tapos na s'ya ay mabilis ko s'yang niyakap mula sa likuran na ikinatalon n'ya sa gulat.
Pinakita ko ang malambing kong ngiti.
“Na-miss kita, hub—” Agad nawala ang ngiti sa labi ko nang mabilis n'yang binaklas ang kamay kong nakapulupot sa kan'yang beywang.
Parang nabasag ang puso ko nang makita ang kan'yang mukha. Hindi ko iyon inaasahan. Galit na galit ang mga mata n'ya na tumatagos sa loob ko. Nanghina ako nang hinawi n'ya ang kamay ko at lumayo sa akin.
“Anong ginagawa mo rito?” medyo napalakas ang boses n'ya nang tanungin n'ya ako. “'Di ba sinabi kong h'wag kang pumunta rito? Lahat na lang ba ng desisyon mo ay palaging nasusunod?”
Napakunot ang noo. Naninikip ag dibdib. Ko sa lumalabas na asik sa kan'yang tono. Hindi ko s'ya maintindihan. Galit s'ya dahil pumunta ako rito? Bakit? The f*ck! Ano bang masama kung binisita ko s'ya kahit saglit?
Napatitig ako sa kan'ya na halos isang minuto. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa bigla at pagtataka. Hindi ko gusto ang pananahimik ko ngayon. Ayaw kong ganito ako ka tahimik. Mismong sariling katawan ko na ang sumusunod sa dating gawi ko.
Imbes na makipagsagutan sa kan'ya ay mas pinili kong tumalikod at huwag harapin ang mukha n'ya na may bahid na galit. Kinagagalit ba n'yang hindi ako sumunod o may iba pa? Kung no man iyon ay sarado na muna ang utal ko sa ngayon sa maaaring dahilan n'ya. Maybe he's tired? I don't know.
Tulala ako pero mabibilis ang hakbang ko na umalis papalayo sa kan'ya. Hindi ko s'ya maintindihan kaya mas mabuting iwasan ko muna at hayaan muna s'ya. Wala pa kaming relasyon pero ganito na s'ya.
Natauhan ako sa malalim kong pag-iisip nang may kamay na humablot sa aking palapulsuhan. Wala sa sariling napatingin ako sa nagtangkang pigilan ako. Ang nararamdaman ko ngayon ay inis at pagkalito lamang. Sa sobrang inis ko sa kan'ya ay baka pagsalitaan ko s'ya ng masasakit na salita.
“Wifey, please, kausapin mo naman ako, oh,” hindi ko namalayang kanina pa s'ya nagsasalita sa harapan ko hanggang sa nakarating kami sa labas ng university. Wala na masyadong tao bagay na ikinahinga ko nang maluwag.
Inalis ko ang kamay n'ya sa palapulsuhan ko tulad ng ginawa n'ya kanina sa akin. Manghang napaawang ang labi ko at inis na ngumisi. Sa loob-loob ko ay nagsusumigaw na ang dibdib ko at handa nang kumawala.
“H'wag mo akong susundan o kausapin muna ngayon at baka iba pa ang masabi ko,” putol-putol ang pagkabigkas ko ng mga salita ag tinalikuran s'ya.
Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na hindi n'ya ako sinundan. May mali sa kan'ya kaya sigurong napabuntungan n'ya ako ng galit. Sa naman hindi tungkol sa akin dahil lalayo talaga ako ng tuluyan. Ayaw kong may galit s'ya sa akin. Ayaw kong ganito s'ya na wala na lang akong ideya sa binubuntungan n'yang galit.
Sumakay lamang ako ng taxi hanggang sa nakarating ng bahay. Hindi ko na napansin si Kuya Ravien ba nag-aabang sa akin. Tinatawag n'ya ang pangalan ko.
“Kye! Bakit hindi ka na lang tumawag para sunduin ka ng sekretaryo ko?”
Akmang aakyat sana ako sa kuwarto ko pero dahil tinawag ako ni Kuya Ravien ay lumapit ako sa kan'ya. Ayaw ko namang pagbuntungan ng galit si Kuya. Wala naman s'yang kasalanan. Naalala ko na lang tuloy si Lyxe.
“Nagmamadalj ako, Kuya, kaya nakalimutan kong magpasundo,” mahinahon kong sagot kahit kaunti na lang ay sasabog na ako sa matinding sakit at knis na nararamdaman ko. Ngayon lang talaga ako nakakimkim ng ganitong galit at sakit. Puwera na lang sa magaling kong Ama.
“May nangyari bang masama?” gano'n pa rin ang pag-alala ni Kuya Ravien.
Pinigilan ko ang aking luhang akmang tutulo sa aking mga mata. Bago iyon mangyari ay pinahid ko na ito. Napabuga ako nang malalim na paghinga at marahang pinaypay ang sarili.
“Wala naman masyado, Kuya. Sanay ka naman na may gulo akong ginagawa,” dahilan ko.
“Alam mong bulag ako pero hindi ako manhid sa nararamdaman kong presensya sa 'yo ngayon,” aniya, pilit n'yang inaabot ang kamay ko kaya hinawakan ko na s'ya sa kamay bago pa n'ya ako hanapin. “Sa lalaki na naman ba?”
“Hindi,” mabilis kong tangi at umiling-iling pa. “Hibdi p'wede, hindi ko kahinaan ang lalaking iyon. B-Baka hindi pa talaga s'ya.”
Hindi man makapagsalita si Kuya Ravien ay batid kong higit pa n'yang alam ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Hindi ko magawang makipagsinungaling sa kan'ya gayong s'ya unang kilalang-kilala ako.
“Bakiy hindi ka na pumupunta sa boylet mo, Sab?” nangangasar na tanong ni Curtny, napabungisngis si Polace sa tabi ni Curtny.
Napaiwas ang tingin ko sa kanila at hindi na magawang ngumiti sa pagkakataong ito dahil si Lyxe na naman ang pinag-uusapan nila. Alam nilang mayro'ng bagay sa amin. Pilit nilang hinahalungkat ang mayro'n sa amin ni Lyxe ngunit kahit ni isa wala silang mahanap na salita sa akin.
“Hoy!” tinapik ni Polace ang mukha ko kaya napatingin ako sa kan'ya. “Ayon 'yong boylet mo, oh.”
Kusang napasunod ang tingin ko sa tinuturo ngayon ni Polace. Napatigil ang mga mata ko sa tambayan ng building namin. Maaliwalas ang paligid do'n kung saan nakatayo Sj Lyxe, hawak n'ya ang bag ko. Wait— ang bag ko nasa kan'ya!
BINABASA MO ANG
The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)
Romance(ONGOING) Sabrina Kye Corbin is impressed by the idea that all men must put in the effort to discover the feeling of love. Despite the fact that she already has a partner, she is certain that he is not the one she is looking for. As a Corbin in the...