Chapter Two

40 5 0
                                        

Tiffany's POV:

"La la la la la~"

Hindi ko mapigilan ang mapangiti at mapakanta habang nagbibihis nang uniform ko. Ang ganda lang ng gising ko dahil sa nangyari kahapon. Ang saya kasi first day pa lang nakita ko na agad si Xander my loves ko.

Grabe mas lalo syang naging gwapo. Ang tangkad at ang puti. Medyo nagbuilt na din yung katawan nya hindi tulad dati na payatot talaga. Sayang nga lang at hindi ako nakalapit sa kanya. Si Cath naman kasi e. Sabi nya lapitan ko nalang daw sya pag walang nakakakita, mahirap na daw at baka ako ang mapagtripan ng fans club nila.

Haaay.. sa sobrang gwapo nya ang dami tuloy nagkakagusto sa kanya. Kainis. Kung pwede ko lang syang bigyan ng tag na ako lang ang pwedeng magkagusto sa kanya e. ts

Pero infairness ang gagwapo din nung mga kasama nya. Lima sila at take note. Wala kang itatapon dahil mukhang anghel lahat pero may dalawa sa kanil ang hindi masyadong palangiti. At kung hindi ako nagkakamali nandun din yung lalaking ubod ng sungit na sa kamalas-malasan ko e  classmate ko pala at seatmate ko pa!

"Good morning Tipay!" Ang energetic talaga lagi nitong si Cath. Di nauubusan. Haha masaya din kasi sya dahil sa nangyari kahapon, naikwento nya sa akin na may gusto pala sya kay ahm..

ahh..

Ace? Oo Ace nga ata yun. Simula pre-school ata patay na patay na sya don. Kaya ang lola nyo parang baliw pag nakikita si Ace. Hindi din naman makakaila na gwapo nga ito. Moreno. Palangiti at may dalawang malalalim na dimples.

"Good morning din.." nginitian at kinawayan ko sya at dumiretso na sa upuan ko. Mabuti naman at wala pa yung seatmate ko. Sya naman mamaya ang susungitan ko. Harhar

"Tiff! Punta tayo mamaya sa bahay ah. May ipapakita ako sayo!" Sigaw ni Cath galing sa upuan nya sa unahan at kumindat pa. Haha ang ingay talaga nya.

Naging normal lang ulit ang takbo ng klase. Hindi nga lang pumasok yung masungit na seatmate ko.

Sabay kami ulit naglunch ni Cath pero nagbaon na ko na packlunch. Aba'y malulunod kami sa utang kapag dito ako sa cafeteria lagi kakain no. Dumating na din ang grupo nila Xander, at katulad kahapon ang mga babae parang bigla nalang maiihi sa mga upuan nila.

Syempre unang hinanap ng mata ko ay si Xander my loves na ang cool talaga tignan dahil sa uniform nyang color pink! Haha.

Nabigla naman ako ng mapansin ko kung sino ang nasa likudan. Si Keyster, ang masungit kong seatmate. At may kasamang babae na kung makalambitin sa braso ni sunget. wagas. Eh? Pakialam ko ba sa kanila. Hmp

Hindi sya pumasok kanina ibig sabihin wala syang inatupag kung hindi ang makipagharutan dun sa babae. Eww. Sana naman si Xander wala pang girlfriend.

"Hey. San ka pupunta?" si cath na titig pa din kay Ace kahit ako ang kausap. Nako para-paraan.

"Aabangan ko si Xander sa labas.." gusto ko na talaga syang makausap. Ano kayang magiging reaksyon nya? Haha.

"Sama ako! Gusto ko na din magconfess kay Ace e. Masyado nang matagal tong feelings ko sa kanya. Baka mabulok." Bahagya pa syang natawa at agad namang tumayo. Nauna pa syang naglakad sa akin. Sigurado ba sya?

"Ahh Cath. Sigurado ka na ba talaga? I mean paano kung ano.. ready kana ba?" Alala kong tanong sa kanya. Aba naman paano kung mabasted sya.

Ayokong magmukhang kawawa itong mabait nababaeng to no. Sya lang ang studyanteng lumapit sa akin para makipagkaibigan dito kaya imporatante na sya sa akin.

Hinarap nya ako at tumango. Ngumiti pa sya at sabing "Kung hindi ko sasabihin ngayon. Kailan pa? Ayokong magsisi sa huli dahil hindi ko ipinaalam sa kanya ang feelings ko Tiff. Atleast di ba tinry ko. Tsaka last year na natin to ngayon sa high school no. Ayos lang talaga ako."

I give her my approval smile. Bakit nga ba ginagaya ko sya sa akin na duwag na hindi man lang masabi na inlove sya sa bestfriend nya. haay..
Go Cath! Fighting..!

Hindi nga ako nagkamali na dito sila sa likod ng cafe lalabas. Binantayan ko sila kahapon at dito ko sila nakita. Tumatambay din sila dun sa room  na white sa may lagoon.

"Xander!!" Tinawag ko sya at the top of my lungs at tumakbo palapit sa kanila.

Napaharap naman silang lima sa akin.

Si Xander na bahagya pang nagulat pero matamis na ngiti ang sinalubong sa akin. At yung apat naman ay nakataas lang ang kilay. Pati na din pala yung babaeng parang ahas kung makalingkis ay masamang tinitigan lang ako. Pero wala akong care sa kanila at si Xander lang ang tinignan ko.

"Tiffany?"

Niyakap ako ni Xander. At Ohmayjollywow. Ang bango! Sarap singhut-singhutin. Nakaka-adik. Mwehe

Agad din naman syang kumawala sa pagkakayakap namin at napanguso nalang ako. Kaasar. Inaamoy pa kita e. Hmp

Bigla nalang syang tumawa at ginulo-gulo ang buhok ko.
"I miss you."

Bahagya ko naman tinampal yung kamay nya. Bat ba nasanay sya na laging ginugulo ang buhok ko? Ano ako tuta? Hmp. Pero namiss nya daw ako? ayiee. Choosy pa ba?

"I miss you too.."

"So.. Dito kana din pala nag-aaral? Nice." he said habang tumatangu-tangu pa.

"Y-yes. Scholarship."

alanganin akong napangiti sa kanya at napayuko ng kaunti.

"I see." Nagnod lang ako at ngumiti. Bat ba pati pagsasalita nya ang cool ng dating? O masyado ko lang syang namiss at amaze na amaze ako sa bawat galaw nya.?Enebe tuleley na nemen ang beauty ko.

"Yuhoo. Were still here." Kaway kaway pang sabi nung lalaking medyo brown ang buhok. At loko pa itong ngumiti sa amin.

"By the way Tiff, my brothers. Bro's, Tiff my childhood bestfriend." Introduced naman sa akin ni Xander.

"Hi tiff. Harris" pakilala nung kanina na brown ang buhok, inabot pa nito ang kamay nya at akmang tatanggapin ko ito nang bigla namang kinuha ni Xander ang kamay ko. Agad naman napanguso si Harris at umatras nalang. Patago tuloy akong napangiti.

"Rome here. Nice meeting you Tiffany."

Tinanguan nya lang ako at ngumiti.

"Ace" kumindat naman at nagwave yung crush ni Cath. Ang gagwapo talaga nila. Ang kikinis at ang tatangos ng ilong. Halata mo talagang mga anak mayaman.

"Zia. Key's girlfriend." Ngumiti naman at nakipagbeso sa akin yung babae. Hmp. Plastik.

Tinignan ko naman si Keyster na hindi pa nagpapakilala. Aba kahit kaklase ko sya hindi pa din sya nagpapakilala sa akin ng maayos ah. Sa mga tsismosa sa tabi tabi ko pang nalaman ang pangalan nya.

Ang kaso, anak ng tatlumpung kambing! Inismiran lang ako. Ano ba talagang problema nya sa akin?! Friendly naman ako. Hampasin ko to e.

Di ba pwedeng maging friendly nalang din sya kahit konti? Wala hong masama. Tutal magkaklase naman kami.

"Hayaan muna. Si Key yan. Ganyan talaga yan." Alo ni Xander. At bumulong pang "Menopausal Baby." Hindi ko sinadyang matawa nang malakas at napatingin naman silang apat sa akin. Nahiya naman ako at nagpeace sign nalang. Tumawa din naman si Xander at ang loko ginulo ulit ang buhok ko.

Pumunta kami dun sa tambayan nila. At hindi ko namalayan na wala na pala si Cath. Nasaan na kaya yun?

Agad ko syang tinext pero hindi ito nagreply. Nag-alala naman ako kung ano ng nangyari sa kanya. Napansin ko ding wala dito si Ace. Kaya naisip kong baka magtatapat na nga sya. Pero hindi ko talaga maiwasan ang mag-alala kaya nag-paalam muna akong aalis.

Inikot ko ang buong Campus pero hindi ko sila nakita. Kaya pumunta na ako sa rooftop ng building. Sumilip muna ako bago pumasok. Mahirap na baka makasira ng moment ng may moment.

But to my suprise I saw Cath sitting on the floor sobbing.

This Menopausal BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon