Cath's POV:
I never thought na tatagal akong magiging inlove sa isip bata at playboy na to, na wala naman ibang ginawa kung hindi ang mangbabae.
Tsk. Kinder pa lang kami malandi na ang gago! Bigyan ba naman ng bulaklak ang teacher namin araw araw. Nung una akala ko sumisipsip lang pero hindi. Niligawan nya talaga. Imagine five years old pa lang ata kami noon.
Kaya nga hindi na ako nagtaka nung grade one kami hangang matapos ang elementary years. Lahat as in lahat ng naging classmates naming babae niligawan nya! Ay. let me changed the word niligawan. Nilandi nya!
Except me.
Ts. Pero pangit man sa pandinig. Hinintay kong landiin nya din ako!
Ya that's how pathetic I am.
Pero hindi dahil sa gusto ko sya no!
Gusto kong landiin nya ako tapos babastedin ko sya agad para masaktan sya para naman mapamukha ko sa kanya na hindi lahat makukuha nya.
Pero sa kasawiang palad. Nakagraduate na kami at lahat lahat pero wala pa ding landiang nagaganap sa amin! Ugh
At dahil don masyado akong nafrustrate. Hindi ko namalayan araw-araw ko na pala syang iniisip. Doon na din nagsimula itong kabaliwan ko sa kanya hangang sa lumalim nalang ng lumalim. And its really killing me. Sinubukan kong baliwalain pero wala makulit talaga itong bwisit na puso ko.
Sinundan ko pa nga sya hangang ngayong high school. At dahil gwapo nga ang loko hindi maiiwasang hangang dito e may magkagusto sa kanya. Kaso wala naman akong magagawa. Ano ba nya ako? Kaklase nya lang naman ako mula kinder hangang elementary na hindi nya man lang tinapunan kahit isang tingin. Di ko nga alam kung alam ba nyang nageexist ako at alam ba nyang naging magkaklase kami e.
Syet lang.
Pero wala. Asa asa pa din ako pag may time. Patingin tingin sa malayo kahit magmukhang tanga. Oh my Samuel Ace Tuazon what you've done to me is a total distraction.
Kaya now. Sasabihin ko na sa kanya! I don't care kahit ako ang babae at ako pa ang unang gagawa ng first move. Tutal pupuntahan na din pala ni Tiff itong si Xander nya e sasabay na ko. Chance ko na to.
'It's now or never' sabi nga dun sa tshirt ni lola. Nabasa ko lang nung humihingi ako ng sign kay Lord. Hihi, thank you po!
Agad kong hinila si Ace nung pagkatapos nyang magpakilala kay Tiff. Nagulat sya nung una pero sumunod din at napangisi.
Pagdating namin sa rooftop ng building ay agad ko syang hinarap. Nagtaas naman ito ng kilay habang nakapaloob ang mga kamay nya sa bulsa ng kanyang pants.
"A-ahh ano k-kasi.." oh my gawd! Diretsuhin mo ang dila mo Catherine!
"What?" Kunot noo nyang tanong.
Napaglaro ko naman ang kanan at kaliwang hintuturong daliri ko at pinagdidikit-dikit ko ito dahil sa kaba.
"A-ano kase..""Spill it."
Ganito ba talaga kahirap magconfess? Kawawang mga lalaki. Damn this feeling! Bahala na nga.
Tinignan ko sya ng diretso sa mata at bumuga muna ng hangin bago nagsalita.
"I-like you Samuel Ace Tuazon. I really like you. Since kinder. Until now. I-i think I'm inlove."
Napayuko ako pagkatapos. Yes! Finally. Nasabi ko din.
Few minutes of silence between us. Hindi ako nakatiis kaya tinignan ko na sya. And to my surprise. I don't know pero parang may kumurot sa puso ko. Nagpipigil na pala syang matawa.
At sa hindi nya na nga napigilan ang pagtawa nya humagalpak na sya. E sira pala to e! May nakakatawa ba sa sinabi ko?!
Pagkatapos kong lunukin ang pride ko bilang babae tatawanan nya lang ako? How dare you Samuel Ace!
Pinipigilan ko ang mga luha ko ayokong umiyak sa harap nya. Tinignan nya lang ako ng siryoso tsaka nagsalita.
"Your funny little nerd girl ah? But no thanks." Ngumisi ito bago ako talikuran. Pero bago pa sya makalayo paalis niyakap ko sya patalikod. Don't do this to me Ace.
"But I don't ask you to love me back or anything. I-i just n-need you here. B-by my side. Just.. just stay. P-please.." hindi ko na napigilang humikbi sa likuran nya.
Ok. I losed. Pumatak na ang mga luhang kanina ko pa pilit pigilan. Who cares? Kung makita nya kung umiiyak? Kung magmukha akong kawawa. I love him.
And watching him leaving me is like hell!
Pero hindi nagtagal inalis nya ang kamay kong nakayakap sa kanya at inalayo ako.
"I'm sorry hon. Thick glasses and braces are not my type. So please.. S.t.a.y a.w.a.y from me" he said giving emphasized to 'stay away'.
Ouch. I thought I'm ready to this. Hindi ko din inakala na ganito pala kasakit. Mas masakit pa sa mga napapanood kong movie. Parang may pinipiga sa loob mo e. Ang bigat sa feeling. Feeling ko nga nasusuffocate na ako dahil sa pag-iyak ko. Napaupo nalang ako dahil sobrang nanlalanbot na din ang mga binti ko.
Shit! Bat kailangan ganito kasakit?!
I watch him walk slowly away from me. Gusto ko syang pigilan ulit. Magmaka-awa.
I fucking love him. So why the hell can he just love me back?!
I tried to beg again. Pumunta ako sa pintuan at hinarang ko iyon para hindi sya makalabas. Ugh. I don't care if I'm going to look like a stupid here.
"Please.. give me a chance Ace. I'm begging. Please." I hardly managed to say between my sobs.
"Tanga ka ba o desperada ka lang talaga?"
