Chapter Six

26 5 0
                                    

Tiffany's POV:

Nasa isang salon kami ngayon ni Cath at kasalukuyan kaming inaayusan. Ito naman kasing babae na to gusto nya sabay daw kaming mag-ayos. Nakakahiya nga e baka sabihin ng iba gold digger ako. Paano kasi sya lahat ang nagbayad mula sa mga damit sapatos at bags na pinamili namin. Pati foot and body spa. At ngayon naman eto hair and make-up. Grass! Over-all package! At sobrang nakakahiya. I wonder kung magkano nagastos nya. Mga mayayaman talaga.

"Ah Cath salamat ah. Babayaran nalang kita. Nakakahiya kasi e."

"Ano ka ba ako nga dapat mahiya sayo kasi nagpasama pa ko e."

"Ha? Ayos lang naman. Magkaibigan naman tayo diba?"

"Thanks tiff." Ngumiti sya at niyakap ako.

Pagkatapos namin sa salon ay pumunta kami sa dentist ipapatanggal nya na daw ang braces nya. Kaya naghintay lang muna ako sa labas. Pero napansin ko yung magbabarkada. Aba lumalabas din pala ng magkakasama itong mga to. At kumpleto pa sila!

"Guys!!" Lumingon sila at lumapit ng makita ako.

"Wow Tiff. You looks like a doll." Puri ni Rome at tinitigan ako mula ulo hangang paa. Nailang tuloy ako. Natural sa kanya ang pagiging tahimik kaya nakakapanibago na ganyan ang kilos nya ngayon. Feeling ko tuloy namumula na ko sa hiya.

Naka dress kasi akong white na above the knee at hindi ako sanay! Yung bakla kasi kanina e. Kinulutan pa ko. Asar talaga.

Kunwaring sinuntok sya ni Xander at tinakpan ang mata nito. "Pagpasensyahan mo na tong gago na to tiff."

"What are you doing here lil princess?" tanong ni Ace. Ts. Naiinis ako sa kanya mabait naman sya so bakit kailangan nyang maging rude kay Cath?

"Sinamahan ko lang yung kaibigan ko." Pilit akong ngumiti sa kanya. Ayaw ko naman maging bastos kaibigan pa rin sya ni Xander.

"Ang cute cute mo--" sabi ni Harris sabay kurot sa magkabilang pisngi ko. Ugh. Sana bumalik na sya sa pagiging tahimik nya! Nakakasar na e. Ako lagi pinagtritripan! kahawig ko daw kasi yung namatay nyang kapatid. Naiintindihan ko naman pero kasi diba? Minsan nakakapikon talaga.

Sinamaan ko sya ng tingin at tumawa lang sya. Baliw. Ts

"Wala naman nagbago ah? Ts" sabay ismid ni Key. Ahhh! Ang kapal porket gwapo!

"Hindi ko hinihingi opinyon mo!" Pagkasabi ko non tinignan nya na naman ako ng masama. Siguro kung nakakalusaw lang ung tingin nya kanina pa ko lusaw. Ugh! Nakapikon talaga tong lalaki na to!

wala naman akong ginagawa bat ang init ng dugo nya sa akin?

"Chill." Sabat ni Xander at nginitian ako kaya lumabas ung isa nyang dimple "You look so pretty Tiff. By the way sino yung kasama mo?"

"Tiff. I'm done. Let's go--- oh" Napalingon kami sa nagsalita at lumabas si Cath sa loob ng clinic ng sobrang ganda. Grabe. Anyare sa loob? Pwede pati ako patransform? Naalis na yung braces nya at hindi nya na din sinuot yung makapal nyang salamin at kung di ako nagkakamali nakacontacts syang brown. Ngayon ko naappreciate yung fitted red dress nya. Ang galing pala nung bakla. The nerd turns to goddess ang peg!

Pero napahinto sya nung makita ang grupo na kinababaliwan nya dati dahil nandoon yung first love nya. At malamang ganon din kami sa kanya literally na nakanganga. Wow talaga.

"So Tiff. Let's go?" Nabigla ako ng taas noo syang nagsalita malayong malayo sa dating Cath na halos maihi sa upuan kapag nakikita ang grupo. Yung totoo ano talagang meron sa loob ng clinic na yon? Curious talaga ko e. Napatango lang ako sa kanya at sumunod na naglakad. Nagwave lang ako sa lima. At obvious na shock pa din sila dahil wala pa ding mga reaction.

This Menopausal BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon