Chapter Seven

28 4 0
                                    

Tiffany's POV:

Monday. I still can't get over to the new Cath.

She's so damn beautiful!

I mean alam ko naman dati pa na maganda nga sya pero hindi ko akalaing may igaganda pa sya. Alam ko namang nobody's perfect pero she's perfect!

And I'm sure na natulala sa kanya si Ace that time but sorry sa kanya dahil hindi man lang sya tinapunan ng tingin ni Cath. Kahit naman siguro ako ganoon ang gagawin ko kung ganoon ang ginawa sa akin ng kaisa-isang taong binuhusan ko ng atensyon.

Kinwento lahat sa akin ni Cath and I feel her. Masakit yon.

---

Maaga akong pumasok at dumiretso ako dito sa swimming pool ng school. Mabuti nalang at wala pang tao. Ayoko pang makarinig ng tsismis.

Lumangoy lang ako ng lumangoy hangang sa malapit na ang oras para sa first subject ko ay nagbihis na ako at umalis.

Pagdating ko sa room as usual wala silang pakialam sa akin. Parang hangin lang ako na dumaan. Minsan nakakapikon na pero ano bang magagawa ko? Wala naman akong ginagawang masama.

Napatingin ako sa upuan ni Cath expecting na magkaroon na ng karamay. I thought papasok na sya ngayon?

Dumiretso ako hangang sa makarating ako sa upuan ko sa dulo. Nadatnan ko namang natutulog si Key sa upuan nya. Ano bang ginagawa nito kapag gabi? Lagi nalang puyat.

"Hoy." Inuga-uga ko yung upuan nya. Pero hindi nya ko pinapansin.

"Hoy Key." Inuga ko ulit sya pero this time sa balikat nya na.

"Hooooy." Medyo nilakasan ko na pero nabigla ako ng hilahin nya ko. Napalapit tuloy ako sa mukha nyang nakakunot.

"What?" Iritable nyang tanong.

"W-wala." Grass. Nauutal na naman ako bat kasi ang sungit nya?! Gusto ko sanang sabihing 'kausapin mo ko dahil walang kumakausap sa akin dito. Bwiset!' Kaso wag nalang. Bwisit na menopausal to!

"What?! You disturb me then you will just say nothing?" Inis nyang sagot tsaka ako binitiwan. Ahh!! Bat ang sungit mo?! May mens ka ba ha?! Shet ka!

"Bat ang sungit mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Bipolar ako. Kaya pwede layuan mo ko." He said in a serious and calm tone.

And that made me stop.

Wala akong nasabi.

Tinalikuran nya ko at lumabas sya ng room. Ganoon nya ba talaga ako kaayaw? May mali ba sa akin? May nakakainis ba kong ginawa? May problema ba? Sana sinabi nya na lang. Kasi nakakatanga. Nakakasakit. And I'm not used to it. May naiinis sa akin pero hindi ko alam kung anong ginawa ko.

I watched him walked away and hangang sa hindi ko na napigil pa. A tear fall.

Normal naman ang naging takbo ng klase wala nga lang ako sa sarili.

Dahil nagsimula na ang klase hindi pa rin bumabalik si Key. At hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Ang epal ko kasi alam ko naman na natutulog yung tao ginising ko pa. Ugh!

Pumasok na din si Cath at kanina pa sya pinagchichismisan ng mga kaklase namin. Wala talagang mga patawad. Kahit may teacher chismis pa din. Sarap hambalusin!

Bawat pumasok kasi na teacher ay napapansin si Cath. Ang ganda naman nya talaga kasi. And masaya ako para sa kanya. Atleast ngayon hindi na weird ang tingin sa kanya.

This Menopausal BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon