Tiffany's POV:
Matagal-tagal din kaming nag-usap ni Cath. Kaya nung pagdating ko sa sasakyan ni Xander ay nadatnan ko syang nakatayong nakapikit at mukhang naiinip na. Naramdaman nya yatang may paparating kaya lumingon sya.
"How is she?"
"Medyo di pa gaanong okay. Pero for sure aayos din naman." Tumango lang sya at ngumiti bilang sagot.
"Kain tayo?" Medyo oras na din kasi at di pa kami nagdidinner. Naguguilty din ako dahil mahigit limang oras nya din akong hinintay. Kawawa naman tong may loves ko baka pumayat.
"Dapat lang no. Ginutom mo kaya ako." Nagpout pa ito at nagkunwaring gutom na gutom nga dahil hinawakan nya pa ang tiyan nya. Ang kyuuuuuut!
"Ikaw naman kasi sabi ng umuwi na e." Pabiro ko syang hinampas sa braso at nagulat ako ng mahuli nya ang kamay ko.
"Nakakadami kana ngayong araw ah--- halika nga dito." Sabi nya ng siryoso at nagulat ako ng iakbay nya yung kanang kamay nya sa balikat ko. May gas. Ang bango! Tinatablan ba ng pawis itong lalaki na to. Nailang tuloy ako. Huhu ano na kayang amoy ko?
"Alam mo bes namiss ko to." Nakangiti nyang sabi habang nakatingala sa mga bituin sa langit.
Bes..
Oo nga pala. Baka makalimutan ko na naman. Bestfriends lang nga pala kami.
"Bitiwan mo nga ko. Tara na kumain na tayo. Drama ka pa dyan." pag-iiba ko sa usapan at alis sa kamay nya na naka-akbay sa akin. Gad! Bat ba kasi ang duwag ko? Ugh.
"Dito muna tayo. Ngayon nga lang tayo nagkamoment e. Kj talaga nito." Sabay hila nya ulit sa akin pero mas humigpit ang hawak. At hindi na naman maiwasan ng puso ko ang magpalpitate ng sobra. Kaya ano pa bang magagawa ko? Edi makipagmoment!
"Xand?"
"Mm?"
"Sino ng nililigawan mo ngayon?" Out of curiosity kong tanong. Shet sabi na e. Bunganga ko talaga may sariling buhay. Kung ano ano biglang tinatanong!
Bahagya syang tumawa ng mapait at hinarap ako "There's a girl na matagal ko na ding kilala and she makes me feel like crazy. But I'm a coward and I don't know how and when i'm going to tell her this."
Ok. Matagal nya ng kilala. Check. Tawa naman sya ng tawa pag magkasama kami so siguro naman I make him feel like crazy. So check. Osya na ako ng assuming. Pero bat feeling ko ako yung tinutukoy nya? Di kaya?
"So who is the lucky girl then?" Excited kong tanong. Gusto kong malaman kung tama ba tong nasa isip ko.
"Actually you know her." Kilala ko? Ofcourse I know myself. So? Tama ba ako? Gas Xander! Gusto din kita di pa ba obvious? So bakit naduduwag ka pa?!
"Then who?"
He smiled then leads me to the door of his car and open it for me. "Sino nga."
"Not now Tiff. But soon. promise," he wink at me before finally closed the door. Ugh. Pabitin to.
Sa isang 24/7 fast food chain lang na pinakamalapit kami kumain at nagulat ako dahil nasa loob si Key. Tinawag sya ni Xander at tinanguan nya lang kami. Yung mga tao naman sa loob e parang ngayon lang nakakita ng tao nung makita si Xander. Tumili pa nung mapansin nila si Key na tahimik na kumakain sa sulok. Di ata nila napansin kanina. Ts. Bat ba kasi sobrang gwapo nila.
Di ba pwedeng gwapo lang?
Tutal mag-isa naman sya at wala ng bakanteng lamesa kaya tumabi na kami sa kanya.
