Tiffany's POV:
"Ma-ma para ho.."
Huminto ang jeep na sinasakyan ko sa tapat ng isang napakalaking Blue na gate. Ito na ang bagong school na papasukan ko. Ang Gracefield Academy. Para lang sa mga mayayaman ang school na to kaya napakaswerte ko talaga dahil ako ang nakakuha ng scholarship sa ginawang swimming division contest sa probinsya.
Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng gate, tinitigan ko muna ito at hindi ko maiwasang mapangiti sa naisip ko. Magkikita na kami ulit ngayon ni Xander ang bestfriend a.k.a my loves ko. Haha
"Ineng di ka makakapasok kung titigan mo lang yang gate."
Napatingin ako sa nagsasalita at si lola pala na nagtitinda. Hmp. Alam ko po no! Sabi ko sa utak ko. Umagang-umaga panira ng moment si lola. Ts.
"Good morning ho.." binati ko nalang sya at nginitian. Masyado pang maaga para mahawa ako sa pagkabadvives ni lola no.
Automatic namang nagbukas ang gate nang malapit na ako. Bahagya pa akong nagulat at natawa nalang ako sa sarili ko. Masyado ata akong tense. Kalma lang Tiff..
Sinadya kong maagang pumasok ngayon para makapaglibot muna. Alam ko namang malaki talaga ang school na ito pero hindi ko talaga maiwasang mamangha. Napapanganga nalang ako sa mga high-tech na gamit nila.
Ang swimming pool area ang una kong pinuntahan. Agad ko din naman itong nahanap sa tulong ng guide map na ibinigay sa akin.
Nagpalit muna ako ng damit at tumalon agad sa pool. Gusto ko munang lumangoy kahit sandali bago pumasok sa klase ko. Kinakabahan kasi ako kung anong mangyayari sa akin dito. Siguradong puro mayayaman ang mga tao dito at hindi ko alam kung paano ako makikihalubilo sa kanila. Sana agad kaming magkita ni Xander..
Ilang minuto din akong naglanguy-langoy. At pag-ahon ko napanganga ako dahil may biglang sumulpot na gwapong nilalang sa gilid ng pool na nakamasid sa akin. O-owkay what to do..?
"Aherm."
Nabalik ako sa sarili ko ng kunwa'y nilinis nya ang bara sa lalamunan nya. Nahiya naman ako sa naging reaksyon ko at hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya nginitian ko nalang. Nagulat nalang ako ng ismiran nya ako at biglang umalis sa loob ng pool area. Anong problema non?
Ts. Naasar nalang tuloy ako sa sarili ko. Kung ganon lang pala ang gagawin nya sana di ko na sya nginitian! Ganoon ba talaga mga tao dito? Hmp. Gwapo nga masungit naman!
Naghintay muna ako sa labas ng room, sasabay nalang akong pumasok sa teacher namin. Hindi ko din naman kasi alam kung saan ako uupo dun sa loob. Haler? Two weeks na kayang nagumpisa ang klase. Siguradong may mga permanenteng lugar na sila. Kainis naman kasi. Hindi agad sinabi na kasama pala itong scholar sa prize. Di tuloy ako prepared.
Di nagtagal ay may papuntang isang magandang babae na nakapang-uniform na teacher at ngumiti ito sa akin. Kaya ngumiti din ako pabalik. Si Ms. Villanueva na ata ito.
"Good morning. So are you Ms. Cerna? I'm Ms. Sofia Villanueva. Your adviser." Matamis itong nakangiti sa akin. Ang ganda. Hindi mukhang teacher mukhang bata pa at parang artista. Bagay sa kanya ang name nya. Sofia. Napakasoft kasi ng facial features nya. Nakakaintimidate tuloy.
Nagnod lang ako sa kanya at napayuko. Nahiya tuloy ako sa itsura ko. Sana pala nagpulbos muna ko bago pumasok.
"Come in." pumasok kami sa loob. At ang kaninang maingay na atmosphere ay tumahimik. Hindi ko alam kung kanino sila nakatitig. Sa akin o kay Ms. Villanueva. Feeling ko tuloy ang init na ng pisngi ko. awkward..
"Good morning class. Please settle down. This is your new classmate. Please introduce yourself."
Inintroduced ko ang sarili ko at ngumiti naman silang lahat sa akin. Mukhang mabait naman pala ang mga magiging kaklase ko. Hoo. Medyo nakahinga ako dahil dun. Sana magpatuloy to.
Pumunta ako sa likod kung saan yung tinuro ni Ms. Villanueva. Nagulat ako sa kung sino ang nakita ko. Yung gwapong masungit! Tinignan nya lang ako saglit at diretsong tumingin ulit sa blackboard na naka-poker face. Ts. Ang sungeeet! Shet! Sapakin ko to e! Hmp.
Natapos ang klase ko nang maayos. Ang gagaling ng mga teachers dito. Gwapo't maganda pa. Wala atang lugar para sa mga pangit dito.
"Hi tiff.." Speaking of the word maganda. May babaeng lumapit sa akin. Mukhang barbie! Half-half ata. Ang ganda ng mga mata e. Kaso natatakpan nang makapal na eye glasses. At panirang mga braces. Pero sigurado akong magiging dyosa to pag naayusan! Di pa lang siguro nagmamature kaya ganito.
Awkward naman akong naghello sa kanya at ngumiti.
"Catherine. Cath nalang.." nakangiti nyang iniabot ang kamay nya sa akin. Infairness ang puti at flawless! Alanganin akong nakipagkamay sa kanya. At bigla nalang syang tumawa. Ang cute.
"Wag ka ngang mahiya dyan. Pwede bang makipagfriends?"
Napanganga nalang ako. Hindi ko inexpect to. Akala ko kasi mangyayari sa akin dito yung mga napapanood ko sa tv na inaapi yung mga promdi na bagong dating sa school ng mga mayayaman. Buti nalang at wala pang nangyaring ganon sa ngayon.
Agad din naman akong nakabawi sa nangyari at napangiti dahil sa sinabi nya.
"Syempre naman."
"Cool. Tara. sabay tayong maglunch!" Hinigit nya ako sa braso at wala na kong nagawa kung hindi ang sumunod.
Ang daming tao sa cafeteria. Pero hindi tulad sa normal na school na pilahan ang order. Dito may mga waiter. Susyal!
"Anong sayo?" Tanong ni Cath habang siryosong nakatingin sa menu.
Tumingin na din ako at nalaglag ang panga ko sa presyo ng mga pagkain dito. Jusko! May ginto ba mga pagkain dito?!
"A-ahh busog pa ko. T-tubig nalang""What? No! Treat ko to. Kaya mag-order kana ng kahit anong gusto mo. Please.." nagpacute pa sya at nagpout para lang makumbinsi ako.
"Nakakahiya naman. Wag nalang.."
"I insist." Lumungkot ang mukha nya kaya wala na din akong nagawa kung hindi ang pumayag.
"Sige na nga. Thanks ha." I give her my my sweetest smile. At para namang nagliwanag ang mukha nya dahil sa sinabi ko. Ang cute talaga parang bata.
Si Cath na ang nagorder para sa akin. Nagkwento sya ng tungkol sa kanya. As expected anak mayaman sya. Wala syang kaibigan sa school na to dahil weird daw sya at iniiwasan sya ng mga ibang students. Medyo naawa ako sa kanya dahil dun kaya I assured her na ako na ang magiging bagong kaibigan nya. Masaya naman ako sa nangyari dahil alam kong mabait na tao si Cath.
After minutes, bigla nalang nagtilian ang mga students sa loob ng cafe. Oh my gas! May artista bang dumating? Naexcite naman ako kaya tinanong ko agad si Cath na tulala.
"Anong meron?" Pero wala akong nakuhang sagot sakanya kaya sinundan ko nalang kung saan sya nakatitig.
Woah! Just woah!
Five greek gods are walking on the isle of the cafe confidently. All students specially girls are like crazy eyeing them. They are very attractive and addictive to watch. I can't blame this students. But one person caught my attention.
Xander..
