Chapter 1 - Manila

2.1K 38 4
                                    

Nag-iisa lang akong anak at maagang binawi ng panginoon ang aking mga magulang dahil sa isang aksident. Nabunggo ang kanilang minamanehong sasakyan at tumilapon ito sa tulay. Hindi rin ito katagalan dahil noong nakarang buwan lang ito nangyari.

Masakit mawalan ng mahal sa buhay, kahit sino naman masasaktan kapag ang taong nagpalaki at nag aruga sa iyo ay bigla ka na lang iniwan.

Nakakalungkot lang dahil hindi ko manlang nakasama ng matagal ang mga ito, Alam ko kasing busy ang mga ito sa kanilang kompanya.

Kaya eto ako ngayon, tinatanggap ang kapalaran na mag isa na lang, na wala ng magulang na mayayakap, mahahalikan, makakakwentuhan, at malalambing sa tuwing umuuwi sila.

Pero kailangan kong maging matatag at matapang upang mabuhay at ipakita na kaya kong mag isa, na kaya ko na wala sila dahil hindi pa dito natatapos ang aking storya.

Hi! ako nga pala si Alexis Guevara o mas kilala bilang Alex. Labing pitong gulang. 5'6 ang taas. Maputi at makinis ang balat, hugis babae ang pangangatawan.

At dito mag sisimula ang bago Kong Buhay. Luluwas ako ng Maynila dahil kukupkupin ako ng aking tiya. Tamang tama dahil bago ako nakapag tapos ng Senior High ay nakakuha ako ng Scholarship sa magandang unibersidad sa Maynila. Hindi sa lingid ninyo ay isa akong mapagkumpitensya, matalino at masipag sa pag aaral.

Kinabukasan ay lumuwas na din ako ng Maynila upang hanapin ang ibinigay na address ng aking Tiyahin, hindi ako masusundo ng aking Tiyahin dahil busy ito sa kanyang trabaho kaya ako na lang ang lumuwas patungo sa Maynila.

------×××------

"Wow! ito na ba ang Maynila? Napakalaki pala talaga ng Maynila. Tama nga ang sinasabi nila sa probinsya maraming mga building dito. Ibang iba sa inaakala ko." tanong ko sa aking sarili at bigla na lang kumalam ang aking tiyan kaya nag hanap na muna ako ng murang makakain.

"Uyy! may empanada..." sabi ko sa aking sarili. Paborito ko kasi ang empanada simula pagkabata. Madalas din akong bumili nito tuwing hapon nakasanayan ko na kasing gawing meryenda ito. "Manong, magkano po sa empanada niyo?" tanong ko sa tindero.

"Ahh 30 lang yan iha." sabi ni manong. Nabigla naman ako sa pagtawag niyang iyon sa akin napagkamalan niya ata akong babae.

"Manong, lalake po ako." nahihiyang sambit ko habang iniipit ko ang aking buhok sa aking tenga.

"Ayyy pasensya na iho, hindi ko napansin mukha ka kasing babae dahil sa buhok mo, matanda na talaga ako." natawang sabi nito sabay kamot sa kanyang ulo.

"Okay lang po manong." ngiti ko.

"Ilan bibilhin mo iho?" tanong nito habang inaayos ang kanyang paninda.

"Isa lang po." sagot ko atsaka iniabot na ni manong ang binili kong empanada sa kaniya. At ngayon ay titikman ko na ito at tingnan kung anong especial dito dahil mahal ang kanyang empanada.

"Wala namang especial sa empanadang ito, pero sobrang mahal ng kanyang paninda sa katunayan nga mas masarap pa ang empanadang gawa sa Ilocos eh" sambit ko sa aking sarili.

Pagkatapos kong kainin ang aking empanada ay nag simula na akong hanapin ang address ng aking Tiyahin.

Sa sobrang laki ng Maynila ay tsak na mahihirapan akong hanapin ito kaya nag tanong tanong na ako sa mga tao upang mas mapabilis ang aking paghahanap.

Tatawid na sana ako para magtanong sa kabilang kanto ng muntik na akong mabangga ng isang magarang sasakyan.

Ang sasakyan nito ay hindi pang ordinaryong sasakyan lang dahil nakakasilaw ito sa kintab, makinis at halos kakabili palang. Maganda rin ang kulay nito, kulay itim parang sasakyan ni batman.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now