Chapter 24 - Idea

484 23 4
                                    

Author's POV

Paglabas na paglabas nila Charles at Alex sa bahay ay agad ng nagkatinginan ng masama ang dalawa. Bakas sa mukha ni Erick ang pagtataka kung bakit niya pinapahirapan si Alex. Dahil sa inis ay nagsalita na ito upang alamin ang dahilan kung bakit ganun na lang niya ituring si Alex.

"Anong bang problema mo Elijah! Hindi mo ba nakita kung gaano katakot si Alex sayo? Muntik mo na siyang mapatay ah. Alam kong hindi maganda yung una niyong pagkikita pero sana naman kung ayaw mo yung tao huwag mong ipagtabuyan." paglabas ng sama ng loob ni Erick kay Elijah upang depensahan nito si Alex pero ngumisi lang si Elijah sa kanya kaya mas lalong nainis si Erick.

"Who do you think you're para sigaw sigawan ako? Bakit mo ba siya pinagtatanggol? May relasyon ba kayo." natatawang pagbabalik tanong nito kay Erick atsaka ito naging seryoso. "Huwag mo akong pangaralan kung ano ang problema ko. Atsaka dapat nga magpasalamat siya sa akin eh kasi nilalayo ko siya sa katulad niyo." dugtong nito na siya namang pagkabigla ni Erick at napansin ni Erick na nakangisi si Elijah.

"What do you mean?" takang tanong ni Erick dahil naguguluhan ito sa sinabi ni Elijah pero bakas pa rin kay Elijah ang pagbibigay ng clue pero hindi parin makuha ni Erick iyon.

"Don't fool yourself Erick. I know that you know what I mean." nakangising sagot nito kay Erick. Dahil sa pag-iisip ay madaming pumasok sa utak ni Erick hindi niya maintindihan kung may nalalaman ba ito sa kanyang plano. 

"Oh baka naman kaya ayaw mo sa kanya dahil natatakot kang mahulog ang loob mo kay Alex." nakangising sagot ni Erick atsaka naman naging seryoso ang mukha ni Elijah at nanlaki ang mata nito. 

"Anong sinabi mo?!" nababanas na sumbat ni Elijah at saka niya hinablot ang damit nito habang ang mga mata niya ay nanlilisik. "Ulitin mo ang sinabi mo Erick." pagpipigil ni Elijah dahil ang isa nitong kamao ay nakahanda ng manuntok.

Tahimik ang dalawa habang hinihintay ni Elijah na ulitin ni Erick ang kanyang sinabi sa kanya. Ilang segundo rin ang katahimikan ay pinipilit alisin ni Erick ang kamay ni Elijah sa kanyang damit. 

"Bitawan mo ako Elijah." seryosong sagot ni Erick kay Elijah at nagsisimula na ring uminit ang ulo ni Erick dahil hindi siya nito pinapakinggan kaya tinulak ng bahagya ni Erick si Elijah palayo sa kanya at kitang napalakas iyon kaya tumama si Elijah sa lamesa atsaka natumba ang upuan.

Dahil sa nangyari ay agad na sinugod ni Elijah si Erick upang ambahan ito ng suntok. Nakailag naman si Erick sa pagbitaw ng suntok ni Elijah pero sa pangalawang suntok ay nadaplisan ito. 

Hindi pa nagtatagal ang pangyayari ay nadatnan nila Dave at Tristan sila Elijah at Erick na nagsusuntukan kaya agad na tumakbo ang dalawa upang awatin. 

"What the fuck!" binitawang sigaw ni Dave atsaka niya hinila si Erick habang si Tristan naman ay hawak hawak si Elijah. 

"Fuck you Erick!" bulyaw ni Elijah kay Erick habang nagpupumiglas kay Tristan dahil hinigpitan ni Tristan ang paghawak nito kay Elijah dahil malakas itong si Elijah. "Tang ina ka Tristan. Bitawan mo nga ako." dugtong nito dahil sa lakas ni Elijah ay nabitawan siya Tristan. Hindi naman na sinugod ni Elijah si Erick kaya binitawan na rin ni Dave si Erick dahil alam nitong hindi susugod si Erick.

"What happened?" takang tanong ng kakapasok palang na si Charles dahil napansin nito ang tensyon nila Elijah at Erick. Kaya napalingon si Tristan dito mula sa kanyang likuran habang ang dalawang nagsuntukan ay nagtatagisan ng mapapait na titig.

"Tell us Elijah? Bakit mo nilalayo si Alex sa amin?" nababanas na sagot nito kay Elijah kaya napalingon ang tatlo sa gawi ni Elijah.

"Wait! What do you mean?" takang usisa ni Dave atsaka ito lumingon kay Erick dahil sa kanyang sinabi.

"Bakit hindi mo sabihin sa harap namin ngayon Elijah kung bakit mo gustong ilayo sa amin si Alex?" pagpupumilit na sabi ni Erick kay Elijah atsaka nilingon ni Elijah si Erick ng nakangisi.

"I have a reason kung bakit ayaw ko sa kanya and i know the reason kung bakit gusto niyo siya." nakangising sagot ni Elijah kay Erick. "Kaya huwag kayong umasta na ako ang masama dito kasi yung totoo mas masahol pa kayo sa akin." dugtong ni Elijah sa kanyang sinabi atsaka niya nilingon ang mga kaibigan nito atsaka ito'y umakyat sa pangalawang palapag.

Naiwan naman ang apat habang nagnilay nilay sa mga binitawang salita ni Elijah sa kanila. Alam kasi nilang hindi ganon si Elijah. Hindi nila alam kung bakit nagbago ang pakikitungo ng kanilang kaibigan. Mga ilang minuto rin ay nagtitigan ang apat atsaka ito tumingin kay Erick.

"Ano bang nangyari?" takang tanong ni Tristan kay Erick dahil bakas kila Dave at Tristan ang pagtataka sa pakikitungo ni Elijah.

"Kanina nakita ko si Alex sa sahig halos hindi na makahinga kaya agad akong tumakbo patungo sa kanya habang si Elijah nakatayong pinagmamasdan lang si Alex." pagpapaliwanag ni Erick sa dalawa. 

"Is Alex okay?" usisang tanong ni Dave kay Erick atsaka naman lumingon si Erick kay Charles at napansin naman iyon nila Dave at Tristan.

"Yes, Alex is fine. He's resting. Another thing is that he doesn't want to let you know what happened earlier because he doesn't want you to worry." sagot ni Charles sa mga katanungan ni Dave.

"How about Elijah?" sambit ni Dave kaya napalingon silang tatlo sa gawi ni Dave.

"I think Elijah knows something." sabi ni Erick sa kanila dahil napansin ni Erick ang pagbabago ng mood ni Elijah kapag nakikita niya si Alex.

"Paano naman niya nalaman?" takang tanong Tristan atsaka ito lumingon kay Dave habang magkasalubong ang dalawang kilay nito.

"Ey! I didn't say anything about the plan." pagdepensa ni Dave sa kanyang sarili atsaka sila nag-isip.

"Si Carlo?" sabi ni Erick kaya tumingin sa kanya si Charles. "Kasama si Carlo sa plan so baka siya nagsabi dahil wala naman ng ibang makakaalam bukod sa atin." dugtong nito kaya napatingin sila kay Charles dahil siya ang kuya nito at mas kilala niya si Carlo.

"I know Carlo, When he wants something he doesn't let it go." pagdepensa ni Charles sa kanyang kapatid. "He's also like Dave, mischievous." dugtong nito kaya napakunot ng noo si Dave.

"I'm not like your brat brother." depensa naman ni Dave sa kanyang sarili.

"Okay, Maybe Elijah knows something at kailangan natin maging maingat." sabi ni Tristan at saka naman nag si tango ang kanyang mga kasama upang sumang ayon sa sinabi nito. "We know Elijah, tuso siyang tao." dugtong pa nito.

"So we have to act?" usisang tanong ni Dave atsaka siya nilingon nila Tristan.

"Ayun ang sabi ng ama niya." sagot ni Erick kaya tumango tango na lang ang iba upang sumang ayon. 

Nakabuo ng panibagong idea ang magkakaibigan at mas lalo silang mag-iingat upang makuha nila ang gusto nilang paubaya. Habang sa kabila naman ay narinig lahat ni Elijah ang kanilang pinag-uusapan kaya may pumasok sa utak nito na pwedeng sumira sa mga plano ng kanyang mga kaibigan.

Natapos ang kanilang pag-uusap ay agad ng tumakbo si Elijah tungo sa kanyang silid. Isa isang umakyat naman sila Dave, Charles, at Erick. Tanging si Tristan lang ang naiwan sa unang palapag.

Nang wala ng taong natira sa loob unang palapag ay lumabas muna si Tristan. Tumungo ito sa maids room upang usisain si Alex. Pinihit ni Tristan ang silid ni Alex at nakita niya itong nakapikit na. 

Dahil tingin ni Tristan na tulog na ito ay lumapit ito upang tignan ang lagay ni Alex. Pinagmasdan niya si Alex mula sa pagkakatayo. 

Napansin pa ni Tristan na may patak ng luha ang mata ni Alex kaya yumuko ito upang punasan. Marahil sa nangyari sa kanila ni Elijah ang pagpatak ng luha nito. 

"I'm Sorry Alex." pag hingi ng tawad ni Tristan kay Alex habang tinititigan ito atsaka niya hinaplos haplos ang buhok ni Alex. 

Biglang gumalaw si Alex sa pagkakahiga kaya inalis agad ni Tristan ang kanyang kamay sa uluhan ni Alex. Ilang segundo pa niya ito tinitigan atsaka ito tumayo. 

Pagkatapos malaman na okay na si Alex ay agad na itong lumisan sa silid ni Alex atsaka tumungo na ito main house.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now