Chapter 11 - Bar

577 26 11
                                    

POV BACK TO ALEX

Lumipas na ang mga araw at hindi pa rin ako pinapansin nila Dave at Charles. Tuwing ako ay lalapit sa kanila upang makausap ay siya namang paglayo ng mga ito. Para akong may sakit na nakakahawa na kailangan nilang iwasan.

Alam ko naman ang rason kung bakit ako iniiwasan ni Dave dahil hindi ko tinupad ang pinangako ko sa kanya. May rason din naman ako pero ayaw niya akong paniwalaan. Kaya kahit anong pilit kong humingi ng tawad sa kanya ay hindi pa rin ako nito kinakausap. Patuloy pa rin ito sa pagtaboy niya sa akin kaya hindi ko na rin pinipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman akong makasama.

Hindi gaya ni Charles pag lumalapit ako sa kanya ay hindi ito lumalayo pero hindi naman ito kumikibo pero kapag kinausap mo sumasagot naman pero matipid lang. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba tinanggihan ko siya. Nung isang araw nga kinausap ko uli siya kung kailan siya mag sstream. Nagtaka naman ito kung bakit ko tinatanong kaya sinagot ko siya kung pwede makisali ako sa stream niya pero ngumiti lang ito at sinabing hindi na kailangan kaya na niya mag solo.

Pero nung chineck ko yung stream niya ay wala ng ibang lumabas kundi ang huling stream na kasama niya ako. Simula nung tinanggihan ko siya na samahan siya sa stream niya ay hindi na ito muli nag stream pa.

Nakakalungkot lang isipin dahil nagkakaroon kami ng mga ilangan tuwing kakain kami sa umagahan at sa gabihan lalo na kapag kami ay nagsasalo salo. Napapansin naman iyon nila Erick at Tristan.

Kaya nagtataka sila kung may mga problema ba kami or nagkaroon ng away. Dahil tuwing lalapit daw ako kila Charles at Dave ay umiiwas daw sila sa akin. Hindi ko rin naman masabi ang katotohanan dahil ayoko rin na baka sila Tristan at Erick ay iwasan din ako.

Dumating na ang alas onse ng umaga upang maghapunan kaya naman tinawag ko na sila Tristan upang makapag simula na kaming mag hapunan. Nakaayos na ang mga plato sa kanilang mga upuan nakahain na rin ako ng kanin at ulam. Inilabas ko na rin ang mga inumin kung sakaling mauhaw ang mga ito ay agad namang may pangtulak.

Nagsidatingan na nga sila Tristan kasama sila Dave, Erick, at Charles pero hindi na rin ako tumingin kila Dave at Charles dahil wala naman itong pakealam sa sasabihin ko at nasanay na rin naman akong hindi nila pinapansin.

Umupo na nga sila Tristan sa kani-kanilang upuan, pa rectangle ang lamesa namin na gawa sa nara. Ang ayos namin ngayon ay kung paano ang ayos ng aming mga kwarto. Kung si Tristan ay nasa unang kwarto siya ang uupo sa unahang upuan.

Samantalang ako naman ay nasa pangalawang upuan. Hindi kami magkatabi ni Tristan dahil nakaupo siya sa may ulo ng lamesa habang ako ay nakaupo sa unang katawan ng lamesa ang kabi ko sa upuan ay si Dave dahil sa pangatlong kwarto ay ang kanyang silid. Kaya siya ang uupo sa pangatlong upuan.

Sa pang apat na upuan ay doon nakaupo si Tita Rachelle kung sakaling umuwi ito dito sa apartment niya. Sa pang limang upuan ay si Erick at sa pang anim na upuan ay si Charles. Katapat ko ngayon si Charles dahil siya ang pinakadulo habang katabi ko naman si Dave. Mula kay Tristan paikot papunta kay Charles ganyan ang aming pwesto.

Habang kumakain kami ay halos walang kumikibo, para kaming may tape ang bunganga upang hindi makapagsalita. Ng biglang basagin ni Erick ang katahimikan.

"Alex!" tawag sa akin ni Erick habang ito ay ngumunguya pa sa kanyang kinakain kaya napalingon naman ako sa kanya.

"Erick?" tawag ko sa kanyang pangalawan habang nakataas ang dalawa kong kilay upang alamin kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

"Dahil magsisimula na ang pasukan bukas pwede ka bang sumama sa amin mag party mamayang gabi?" pag-anyaya ni Erick habang nakatingin ito sa akin.

"Bakit kailangan kasama pa ako?" takang tanong ko kay Erick habang patuloy pa rin ako sa pag nguya.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now