Chapter 12 - Pizza Sauce

629 22 3
                                    

"Sino ka ba? Tsaka bakit mo ako niyayaya, hindi nga kita kilala eh." pagtatakang tanong ko sa kaniya.

"By the way, I'm Leo, Leonardo Salazar." agad nitong pagpapakilala sabay inabot niya ang kanyang kamay sa akin.

Tinignan ko naman ito mula ulo hanggang paa dahil gusto kong kilatisin ito at mukhang hindi naman siya masungit or suplado gaya nung isa na muntikan na akong masuntok.

"I'm Alex, Alexis Guevara." sabay abot sa kanyang kamay upang makapag shakehands.

"Since we know each other pwede na ba tayo maging mag kaibigan?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Okay, mag kaibigan na tayo." sagot ko at sabay tingin sa kanya habang nakangiti.

Dahil gusto ko rin makasalamuha ng ibang tao kaya nakipag kaibigan na ako kay Leo. Dahil wala pa akong nagiging kaibigan simula nung lumuwas ako dito sa Maynila.

Sumama nga ako kay Leo patungo sa condo niya, nung una nakakatakot kasi hindi ko naman siya kilala. Pero mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan palagi din siyang nakangiti. Kaya alam kong walang masamang mangyayari sa akin.

Hindi mo rin kasi makikita sa kanyang mukha na may masama siyang binabalak sa akin. Tsaka medyo komportable naman ako sa kanya kaya sumama na lang din ako. Wala din naman akong gagawin sa bar puro sayaw lang tas ma oout of place pa ako dahil hinaharot nila mga jowa nila.

Habang nasa kotse kami ay nagsisiyasat na rin ako tungkol sa kanya upang mas makilala ko pa siya ng lubos.

"Leo, ilang taon kana pala?" mausisa kong tanong sa kanya habang nakatingin sa maganda niyang mukha.

"20, eh ikaw ilang taon kana?" nakangiting tanong nito sa akin habang nakapokus siya sa pagmamaneho

"Guess?" pinapahula ko sa kanya.

"18?" hula nito sa aking edad.

"No, I'm just 17." ngiting sagot ko habang siya ay nagtaka kung paano ako nakapasok sa bar pero hinayaan niya na lang iyon.

"Nag ka GF kana Leo?" mausisa kong tanong habang nakatitig sa kanyang mukha at lumingo naman ito sa akin.

"Ex 2 yrs ago." sagot niya sa aking katanungan.

"Eh ikaw nagka BF kana?" pabalik niyang tanong sa akin.

"Wala pa akong naging BF pero may nagustuhan ako dati kaso bawal kami eh." malungkot kong pagsagot sa kanyang katanungan.

Dahil malapit na kami sa kanyang condo ay natigil na rin ang pagsisiyasat ko sa kanya. Bumaba na kami pareho sa kanyang kotse upang magtungo sa kanyang tinutulugan. Sabay kaming pumasok sa elevator. Sa pagpasok namin ay napa tingin ako sa kanyang likuran dahil mag kahulma ang kanyang katawan sa katawan ni Charles.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang likuran ay bigla na lang din ako napangiti ng wala sa oras. Napatingin naman si Leo sa akin dahil nakita niya ang repleksyon ko sa pintuan ng elevator.

"Why are you smilling? May dumi ba sa aking likuran?" pagtatakang tanong ni Leo dahil nakangiti ako sa kanya.

"Ahm, wala may naalala lang ako." nakangiting sagot ko at ngumiti naman siya sa akin at humarap na siya sa pintuan ng elevator.

Kaya ako napangiti dahil naalala ko sa kanya si Charles dahil mag kasing hulma ang kanilang katawan ay bigla ko naman naisip kung malaki rin ba ang kanyang dinadala.

Huminto na nga ang elevator sa floor 7 dahil andito ang kanyang condo. Lumabas na kami ng sabay sa elevator at naglakad lakad papunta sa kanyang unit. Huminto uli kami sa tapat ng pintuan atsaka niya ito binuksan. Pag bukas niya ay nakita ko ang loob ng kanyang condo sobrang laki at malawak para sa isang tao lang.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now