Chapter 18 - Naughty boy

645 23 3
                                    

"Alex?" salitang lumabas sa kanyang bibig na siyang pagtataka niya. Nagkatinginan lang kami ni Dave sa isa't isa. Walang salita o boses ang kanyang narinig kundi ang katahimikan lang dahil hindi namin alam kung paano namin ipapaliwanag ang kanyang nasaksihan.

Nadatnan kami nitong hubo't hubad na pilit naming isinusuot ang aming pinaghubaran. Gaya niya ay nabigla rin kami dahil hindi namin inaasahan na maabutan niya kaming walang saplot kaya lumabas ito ng bahay.

Pagkalabas nito ay tarantang isinuot ko ang aking damit ngunit pinangungunahan ako ng kaba hindi ko maigalaw ng tama ang aking kamay kaya't hindi ko maisuot ng tama ang aking damit dahil nangangantal ang buo kong katawan.

Napansin kong nakapag damit na si Dave samantalang ako ay nanatili paring walang saplot kaya lumapit ito sa akin upang tumulong.

"Let me help you get dressed." pag-alok nito sabay kuha sa damit ko at siya na ang nagbihis sa akin. Mas lalo akong nawindang sa kanyang kinikilos dahil parang normal sa kanya ang nangyari. Hindi ko man lang makita sa kanya ang pagka nerbiyoso.

Pagkatapos kong makapag bihis ay ngumiti ito sa akin at sabay non ang pagpasok nila Tristan, Erick, Elijah, at Charles mula sa pintuan.

"Bakit hindi ka sumabay sa aming umuwi?" tanong nito kay Dave at samantalang si Dave naman ay nakangiti lang. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak ni Dave kaya mas lalo akong kinakabahan.

Lalo pa't nahuli kami sa aktong walang saplot kaya hindi ko alam kung anong mukha ang aking ipapakita dahil sa kahihiyan pero bakit parang dinededma lang ni Dave ang nangyari bakit wala man lang bahid ng kahihiyan sa kanyang mukha. Alam ko naman na babaero ito pero bakit ako lang ang naapektuhan sa nangyayari.

"I lost some of my things before going to school, so I thought that I just left it in my room, so I went home early to check it." taimtim nitong sagot kay Elijah. Samantalang ako ay bumabakas pa rin ang pagka-kaba ngunit normal lang ang itsurang ipinapakita ko dahil ayokong magtaka sila sa akin.

"So you found what you were looking for?" mausisang tanong ni Charles kay Dave.

"Yeah" tanging naging sagot ni Dave sa tanong ni Charles at sabay non ang paglingon nito sa akin ng nakangisi. "Since you're all here, let's all eat together." dugtong nito.

"Sige, I'll just cook something to eat." sagot ni Elijah at aakma na sana itong pupunta sa kusina ng pigilan ito ni Dave.

"No need Elijah" pagpapatigil nito kay Elijah at kumunot naman ang noo ni Elijah sa sinabi nito.

"Why?" pagtatakang tanong nito kay Dave at tumingin naman si Dave sa aking gawi.

"Hmmm! kaya naman pala nakaluto na pala si Alex ng sinigang." pagsingit ni Tristan na kanina pa pala nagtungo sa kusina upang usisahin ang naamoy niyang maasim.

"Because the one who cooked it was delicious." nakangising sagot ni Dave kay Tristan at sabay sabay na nag lingunan sila Erick, Charles, Elijah, Tristan, at ako sa gawi ni Dave.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Para akong nawalan ng buto sa tuhod ng siya'y pagkakapit ko sa lamesa upang hindi ako matumba. Narinig pa nila Tristan ang tunog ng upuan dahil sa matinding paghawak ko rito.

Lumapit si Dave sa aking tabi at bumulong ito sa akin. "Just act normal Alex."

"Puta ka Dave! Anong ginagawa mo? Alam mo namang nahuli na tayo tas ganiyan kapa umasta." bulong ko kay Dave habang nakayuko sa kanila.

"Only one person saw us, so if you act like that, others may notice us." bulong nito sa akin at kumunot naman ang noo kong tumingin sa kanya.

"Paano mo naman nasabi na hindi niya ipagsasabi iyon?" pag-uusisa kong bulong kay Dave.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now