Chapter 25 - Late

476 23 1
                                    

Nagising ako sa ingay ng pagkatok sa pintuan kaya agad akong umupo bago tumayo para hindi agad tumaas ang dugo ko sa ulo.

Pagkatapos ay tumungo na ako sa may pintuan upang usisain kung sino man itong taong gumising sa akin. Agad ko ng pinihit ang doorknob ng pintuan at bumulaga sa aking harapan si Erick. Nakangiti ito sa aking harapan.

"Good morning." pagbati nito kaya agad ko rin itong binati ng magandang umaga.

"Kumusta ka?" tanong nito sa akin ng biglang sumigaw si Dave malapit sa pintuan ng main house.

"Erick, Alex!" pagsenyas nito sa amin ng lumingon kami sa kanya ni Erick kaya agad akong tumingin kay Erick.

"Ano meron? Bakit nag-aaya yon?" takang tanong ko kay Erick dahil mukhang nagmamadali si Dave na imbitahan kami.

"Nakalimutan mo na?" sagot ni Erick kaya inalala ko naman kung anong ganap ngayon wala naman sigurong may birthday kaya tinignan ko lang siya ng mariin. "Roleplay niyo ngayon diba?" dugtong nito ng siya naman pagkabigla ko.

"What the fuck! I forgot i need to take a shower kailangan nila ako sa room." tarantang sagot ko kay Erick at agad akong naghubad ng suot papunta sa cr.

Nanlaki ang mata ko ng maalala kong nakatayo pala si Erick sa may pintuan kaya inilabas ko ang ulo ko at sinilip ito pero nakangiti ito sa akin. Hinayaan ko na lang at agad na akong naligo dahil mas naiisip ko ngayon ang roleplay namin.

Hindi ako pwedeng malate dahil kami ang mag seset up ng mga props na gagamitin nila Miguel at Sharon. Kaya binilisan ko ang pagsabon atsaka ko binanlawan ang buo kong katawan. Hindi na ako naghilod dahil sa kakamadali ko.

Pagkatapos kong naligo ay ibinalot kona ang twalya sa buo kong katawan. Nakatapis akong lumabas sa cr at napansin kong nakaupo si Erick malapit sa lamesa. Mukhang hinihintay ako nitong matapos dahil nanatili parin ito sa aking silid.

Mga ilang saglit rin ay napansin na niya ako kaya napalingon ito sa aking gawi atsaka siya ngumisi ng pagkalapad.

"May sabon ka pa sa ulo oh." sabi nito kaya napahawak naman ako sa uluhan ko para usisain pero wala namang sabon na natira. Kaya lumingon ako sa kanya atsaka ko siya kinunotan ng noo pero nakangiti lang ito.

"Ang lakas ng trip mo lumabas ka na nga. Magbibihis na ako." pagtaboy ko rito pero para itong walang narinig kaya pinanliitan ko ito ng mata. "Lumabas kana Erick magbibihis na ako." paulit kong sabi pero di ako nito pinapansin atsaka niya ako tinatawanan.

"Why is it taking you..... so long?" biglang pagpasok nito atsaka ngumisi ng pagkalapad ng makita niya akong nakatapis lang ng twalya kaya tinakpan ko ang buo kong katawan dahil alam kong nalibugan nanaman ito.

"Lumabas nga kayong dalawa." pagpapalayas ko sa kanilang dalawa.

"Didn't you hear what he said Erick? get out." nakangising sabi ni Dave kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Hoi! Kasama kang lalabas, labas bilis..." sigaw ko sa mga ito atsaka naman hinila ni Erick si Dave pero bago pa nakalabas si Dave ay binigyan ako nito ng kindat atsaka naman ako napangiti.

Loko ka talaga Dave. Malibog ka talaga. sabi ko sa aking sarili ng nakalabas na silang dalawa.

Ilang minuto rin ay natapos na akong nakapag bihis atsaka na ako lumabas ng silid upang magtungo sa main house nakita ko pang nakatayo ang mga ito sa sala kaya agad na akong lumapit.

"Tara na?" pag-anyaya ko sa kanila atsaka ito sabay sabay na lumingon sa akin.

"Come with me Alex." agad na alok ni Dave kaya nilingon ko ito gayon rin ang iba. "Bye guys." nakangising pang-aasar nito kila Erick at napansin kong seryosong nakatingin ang mga ito bukod kay Elijah na may pagkadismaya pero hindi ko na lang rin pinansin iyon atsaka ako hinila ni Dave sa pulsuhan para tumungo sa kotse niya at nagpaubaya naman ako.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now