Chapter 5 - Secret

941 26 5
                                    

Alas otso na ng umaga ay agad na akong gumising upang makapag luto ng almusal para pag gising ng aking mga kasama ay kakain na lang ang mga ito. Nagluto ako ng itlog, bacon, at hotdog at sinamahan ko na rin ito ng tinapay.

Pagkatapos ay tinakpan ko lang ito sa lamesa para kung sino lang sa kanila ang gustong kumain ay kukuha na lang ang mga ito. Dahil hindi pa sila bumababa ay nag linis muna ako ng bahay.

Isinaayos ko ang mga naka tabinging larawan na nakasabit sa mga ding ding mga litrato ito ni Tita Rachelle kasama ang kanyang asawa at anak. Sinabayan ko na rin itong punasan para maging makintab ang itsura nito.

"Woke up early?" Isang boses ang aking narinig na nagmula sa aking likuran na tila'y kakagising lang mula sa pagkatulog. Kaya naman napatingin ako dito upang batiin siya sa umagang ito.

"Good morning Charles." ngiting pagbati ko habang nakatingin ako sa kanya mula sa aking likuran. "Morning Alex." pabalik ni Charles.

"Mas maganda kasi mag linis kapag bagong gising tsaka para makapag ehersisyo na din." sagot ko sa katanungan ni Charles habang patuloy ako sa pagpupunas sa mga maalikabok na bagay.

"Good morning Alex." mala anghel nitong boses na nagmula sa may hagdan kaya ako'y napalingon sa hagdanan upang mabati ko siya. "Good morning Erick." nakangiting pagbati ko kay Erick.

"May niluto pala akong almusal diyan kumain na lang kayo kapag nagugutom kayo." sambit ko sabay turo sa may lamesa kung saan nandon ang mga almusal na niluto ko.

"Grabe ka naman Alex hindi mo naman kailangan pag silbihan kami di mo naman kami mga boss dito." sagot ni Erick habang nagpapalaman na ng kanyang aalmusalin.

"Erick is right, we are not your boss so you don't need to serve us." pagsang-ayon ni Charles kay Erick.

"Okay lang naman sa akin atsaka nakakahiya kasi kung magluluto ako tas ako lang ang kakain" sabi ko sa kanilang dalawa kaya hindi na rin sila nagsalita.

"Oh Dave maliligo ka?" takang tanong ni Erick na kakababa lang mula sa pangalawang palapag ng bahay. Naka brief lang si Dave habang ang kanyang twalya ay nakapatong sa kanyang balikat. Kitang kita ko ang buo niyang katawan anim ang pandesal nito at mabukol din ang kanyang braso. Napansin naman ako ni Dave na nakatingin sa kanyang brief. Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla ko namang ibinalin ang aking tingin sa paglilinis.

"Yeah, come join me." panghihikayat ni Dave kay Charles at Erick na samahan siyang maligo sa pool.

"I'll just eat the bacon first then I'll follow." sagot ni Charles habang kinakain ang kanyang pinalamanang tinapay.

"I'll wait here." sambit ni Dave habang hinihintay matapos sila Charles at Erick kumain sa kanilang tinapay.

Nung niyaya ni Dave si Charles at Erick ay ngumisi si Dave ng nakakaloko sa akin na parang may sinasabi sa kanyang mukha. Napansin kasi ni Dave na panay titig ako sa kanya. Hindi ko rin kasi mapigilan ang hindi sumilay sa maganda niyang katawan lalo't may nangyari na sa aming dalawa kaya hindi ko na rin maiwasan.

"Tara na, ubos ko na yung pagkain ko." nasasabik na sambit ni Erick habang niyaya si Charles.

"Let's go." pagsang-ayon naman ni Charles kay Erick at sabay itong tumungo kay Dave.

"Magpapalit lang ako sa taas." pagpapaalam ni Erick kay Dave. Habang nakangising demonyo naman itong si Dave na lumingon sa akin.

"No, just take off your clothes here." sambit ni Dave. Nagulat ako sa pinagawa ni Dave kila Charles at Erick or sadyang natural lang iyon sa kanila dahil pareho lang naman silang straight.

"Ha, paano yung twalya namin?" pagtatakang tanong ni Erick kay Dave at lumingon naman itong si Dave sa akin.

"Just ask Alex to get it." sagot ni Dave habang nakatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang plinaplanong gawin ni Dave dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda. Sa titig palang niya ay alam mo ng may binabalak itong gawin.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now