Chapter 20 - Dark

514 25 6
                                    

"Bakit ka nakangisi?" pagtatakang tanong ko kay Carlo at agad naman itong sumagot sa akin.

"Kasi ang akala ko hindi na matutuloy ang dinner nating dalawa." sagot naman nito sa aking katanungan.

"Hindi raw kasi uuwi sila Tristan." medyo iritado kong sagot sa kanya.

"Bakit parang may ngingit ka?" natatawang tanong nito habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho kaya tumingin ako sa gawi niya para usisain ito. Hindi ko alam na pansin niya pala ang pagkainis ko.

"Hindi ah. Tsaka akala ko ba gusto mong makipag dinner sa akin." malumanay kong sabi dito atsaka lumingon ako sa may front door glass para silayan ang kapaligiran.

Pero ang totoo may tampo ako sa kanila kahit isa sa kanila walang nagstay para makisabay sa akin. Nakakainis silang lahat.

"Sus ako pa niloko mo. Alex ilang araw palang tayo magkaklase pero kilala na kita." sagot nito sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin kaya sumandal na lang ako sa front door ng kotse niya. "Siguro may gusto ka sa mga kuya ko no?" dugtong nito kaya agad akong napalingon sa kanya.

"H-ha. Siraulo ka ba? Kanino naman ako magkakagusto kay Tristan? Edi ba may jowa na siya." mabilisang sagot ko rito atsaka namang pagtawa nito sa akin kaya kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa?" dugtong ko.

"Napaka defensive mo naman Alex atsaka wala naman akong binanggit na pangalan ah bakit sinabi mo agad si Tristan." natatawang sambit nito sa akin at lumingon ito sa aking gawi at ibinalik na niya uli ang kanyang tingin sa dinaraanan namin.

"H-ha." tanging salita ang lumabas sa aking bibig dahil sa pagkasabi ko kaya namula naman agad ang aking pisngi dahil ako na mismo ang nagsabi kung sino yung gusto ko.

"Bukod kay kuya Tristan sino pa gusto mo?" pag-usisa nitong tanong sa akin pero hindi ko na sinagot dahil bukod kay Tristan ay wala naman na akong gusto. "Siguro si kuya Charles?" hindi ako umimik. "Si kuya Dave?" hindi ko uli ako umimik. "Si kuya Erick?" tumingin ako kay Carlo habang nakakunot ang noo dahil kung sino sino ang sinasabi nito. "How about kuya Elijah." huling dugtong nito.

"What the fuck. Mamatay na lang akong matanda kesa sa magustuhan ko siya." nandidiri kong sagot rito dahil ang pangit ng ugali ni Elijah unang una palang ay hindi na kami kompatible sa isa't isa.

"Grabe ka naman kay kuya Elijah. Mabait iyon maniwala ka sa akin." pagdedepensa nito kay Elijah.

"Baka sayo mabait dahil kapatid ka ni Charles. Eh sa akin halos tapakan niya na ang pagkatao ko." iritado kong sagot rito.

"Baka naglalambing lang iyon o kaya humihingi siya ng atensyon sayo." pagpapaunawa nito sa akin atsaka ako humarap sa kanya habang nanlilisik ang mata.

"Nanlalambing? Sigurado ka ba Carlo? Panlalabing na pala yung pagkalat ng mga gamit sa bahay tuwing umaga. Pag-utos sa akin na kahit andyan na sa harapan niya ay ako pa ang kukuha. Pangpipikon niya sa akin tuwing magkakasalubong kami sa hallway ng school." sarkastik kong pagtawa kay Carlo dahil naiinis na ako.

"Chill ka lang Alex. Bakit ka nagagalit agad." natatawang sagot nito atsaka lumingon sa aking gawi. "Binibiro lang kita eh." dugtong nito sa akin.

"Grabe siya humingi ng atensyon kung atensyon man iyon." naiinis kong sumbat kay Carlo.

"Okay fine, Alex. Just chill." natawang pagpapakalma nito sa akin kaya tumahan na nga ako.

Maya maya ay nakarating na rin kami sa aming paroroonan kaya agad na binuksan ni Carlo ang kanyang kotse at agad itong tumakbo papunta sa pintuan ko atsaka niya ito inopen para makalabas ako.

"Gentlemen yarn?" pabiro ko rito atsaka siya tumawa.

"Sige pasok ka uli sa kotse ko tas ikaw na magbukas." pagtutulak niya sa akin papunta sa kotse niya.

Seize EverythingWhere stories live. Discover now