[POV: Marceline]Wala na naman kaming teacher sa next subject. Nagsasayang lang kami ng pera dito sa eskwelahan na ito. Ang daya nga eh. Kapag ang estudyante umabsent, kesyo may excuse letter, may ipapa-assignment, may ipapa-project. Pero kapag teacher, hmp. Etz so unpeyr but stel, I'm qt.
"WALA DAW SI MA'AM!" Announce ni Madison na kakarating lang galing sa labas ng room.
"Kung nandiyan si Ma'am, edi sana nandito ka sa upuan mo at nakikinig ka sa lesson niya," sabi ko dito.
"Sorna fo bebe Marceline." Sagot nito.
"Hindi ako si Marceline."
"HA?! NASAAN SI MARCELINE?! SINO KA?! SAAN MO DINALA SI MARCELINE KOUH?!" Sunod-sunod nitong tanong at inalog-alog pa ako.
Tinampal ko ng malakas si Madison, "I'm Marceline qt." Kalmado kong sagot.
"Sabi mo, papalagay mo yung qt sa birth certificate mo kapag tumigil si Amethyst sa kakajakol. Eh hindi pa naman tumitigil yan sa kakajakol." Singit ni Alexandria na nakasandal sa malapit sa bintana.
"Oo nga. Tamo, patangkad ng patangkad." Dagdag pa ni Aleighn.
"Tangina niyo. Matangkad naman na talaga ako at di ko na kailangan mag-jakol," pagtanggi ni Amethyst.
"Deny pa," gatong ni Maxine.
"Ang pagjajakol ay parang oxygen..." Sabi naman ni Adrienne.
"Kailangan para mabuhay." Dugtong ni Madison.
"Oh ano, pati pagjajakol pinatos mo na?" Tanong ko kay Madison. "Puyat ka na nga lagi, nagma-marijuana ka pa kasama yung mga breezy boys sa kanto, jumajakol ka pa. Lusog mo na."
"Amethyst, isabay mo na si Madison sa session mo. AHAHAHAHAHAHAHA." Sabi ni Maxine.
"Gago, ikaw din naman. Pakyu." Sagot ni Amethyst.
"UMAMIN NA NAGJAJAKOL!" Sabay-sabay naming sabi kay Amethyst.
"Inosente ka pa huh," pahabol ko.
"AHAHAHAHAHAHAHAHA. Di naman kasi talaga." Sabi ni Aleighn.
"Ang kainosentahan ni Ate Amethyst ay parang kili-kili ni Madison," sabi ni Adrienne.
"Anong meron sa kili-kili ni Madison?" Tanong ni Alexandria.
"Wala."
"Akala ko maitim." Bira ko.
"Oy hindi maitim kili-kili ko!" Protesta ni Madison.
"Maasim naman," hirit ni Amethyst.
"Natikman mo na? Nako Amethyst, pati si Madison tinitikman mo ah. Hindi ba delikado yan?" Natawa naman kami sa sinabi ni Maxine. Binato ni Amethyst si Maxine ng sapatos niya na tumama naman sa noo neto. Tawa lang ng tawa ito saka pinulot ang sapatos ni Amethyst at binato sa labas ng bintana.
"Oy tangina ka. Sapatos ko!"
"May dala ka naman na tsinelas jan diba? Mag-tsinelas ka na lang," sabi ni Alexandria.
"Boring dito sa room," sabi ko. "Tara sa library?" Yaya ko.
"Tara nga." Sang-ayon ni Aleighn.
⚫⚫⚫
"Mas boring naman dito eh," reklamo ni Madison.
Nandito nga kami sa library. Nakaupo. Nagkekwentuhan. Si Madison lang naman kasi naboboringan dito. Paano naman kasi, maingay ang bibig nito at hindi kakayanin na hindi dumaldal.
"Oy Madison, akin na ulo mo." Sabi ni Maxine.
"Ulo ko? Bakit?" Kunot noo nitong tanong.
"A-Attack na ako sa village ng kuto jan sa ulo mo."
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA COC AMPOTA." Impit na tawa ni Adrienne. "COC pa."
"Imamasapano kita jebs." Nakangusong sabi nito.
"Madidisapano, gago." Singit ni Amethyst.
"Naks, madede na siya." Sabi naman ni Aleighn ma nagtitingin sa isang cookbook.
"Pantal lang yan na kinamot. AHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Gatong nitong si Alexandria.
"Aanhin ang dede kung kasing laki lang naman ng kalamanse," sabi ko naman saka hinawi ang qt kong buhok.
Nagulat naman kami ng lapitan kami ng estudyanteng nagbabantay ngayon sa library, "Mga ate, nasa library po kayo." Paninita nito.
"Alam ho namin. Alangan puro libro ang canteen?" Pambabara ni Amethyst.
"Wag po kayo masyadong maingay."
"Pwede ba ang sobrang ingay?" Gagong tanong ni Madison na kanina pa mukhang may stiff neck dahil kau Maxine.
Halatang iritado na yung staff sa amin pero nanatili itong kalmado. "Observe silence." With that, umalis na ito.
"Ano ibig sabihin ng observe silence, Madi?" Tanong ni Alexandria.
"Yun ung sinabi nung babae." Proud nitong sagot.
"Tarantado," sabi ni Adrienne at umiling-iling pa.
"Guys, I have a knock knock." Sabi ko naman.
"Tignan nga natin kung sino mas magaling, si Marceline o si Madison. AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Kanino kayo pusta? Referee ako." Pagitna ni Maxine na bigla na lang isinalya yung ulo ni Madison.
"Konting gentleness naman jebs," sabi ni Madison at inikot ikot pa ang ulo.
"Kay Marceline ako," sabay na sabi ni Amethyst ay Alexandria. Paguntugin ko itong dalawang to eh. Hihi, jok. Love ko sila.
"Kami kay Pyutur Y. Go Pyutur Y." Cheer ni Aleighn kay Madison.
Tumabi kay Madison sina Aleighn at Adrienne. Tumabi naman sa akin sina Amethyst at Alexandria. Nasa bandang gitna naman si veve Maxine kasi nga referee daw siya.
"Kung ang mga cool at pa-cool pero kulkul naman, ay merong Fliptop Battle. Tayo naman ay may Rooftop Battle." Sabi ni Maxine. Rooftop Battle, ano naman kaya yun. Lul.
"Ba't rooftop?" Tanong ni Alex.
"Wag mo na tanungin." Sabi ni Maxine.
"Eh gago, natanong niya naman na kung bakit." Bira ni Amethyst. Pinakyu siya ni Maxine.
"Game na." Sabi ko. Dami pa kasing arte ng mga ito eh.
"Ikaw muna mauna. Huh! Akala mo huh!" Hamon sa akin ni Madison. Tangina ito. Akala mo qt. Hindi naman.
Pinakyu ko siya saka nagsalita, "Knock knock."
"Korni, uwi." Sabi agad ni Madison. Binatukan naman siya ni Adrienne.
"Wala pa eh. Animal 'to." Sabi ni Adrienne.
"Tangina ka Madison. Ma-disqualify ka." Sita ni Maxine. "Game na Marceline qt."
"How Come I."
"How Come I, who?" Tanong nilang lahat.
"Ladies and gentlemen, please put your hands together for Yeng Constantino." Panimula ko. "How Come I, di kita iiwan sa paglakbay. Dito sa mundong walang katiyakan. How Come I..."
"Pwede, pwede." Sabi naman nina Alex saka Amethyst.
"Madison, ikaw na." Sabi ni Maxine. Tinapik tapik pa nina Adrienne at Aleighn si Madison.
"Yun na ba yun huh?" Mayabang na sabi nito. Inirapan ko lang ito. "Knock knock."
"Who's there?"
"Kabayo."
"Kabayo, who?"
"Mga kababayan, please welcome, Justin Bieber." Sabi nito saka umubo-ubo kuno. Ubo-ubo pa to, eh mukha namang may TB to si Madison. Jok, labyu. "
"And I wanna play it cool. Girl I'm losing you. Kabayo anything, kabayo any ring..."
Katahimikan...
Katahimikan...
Namayani ang katahimikan sa paligid. Dahan-dahan kaming nagtinginan ng minboys at...
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. LUL KORNI."
[Vote. Comment. Share. TANGINAKO SORRY NA. AHAHAHAHAHAHA SABAW DEPOTA.]