Kabanata I

112 10 4
                                    


[POV: Maxine]

"Maxiiine!!!"

Napabalikwas ako sa higaan ng marinig kong naka-broadcast na naman ang pangalan ko sa bahay.

Agad ko namang itinapon kung saan ang unan ko at dali-daling hinanap ang tsinelas ko sa ilalim ng kama.

"Maxiiine!!!" Sigaw ni mama.

"Puta namaaaan," bulong ko. "Wait lang po, pababa naaa! Yung tsinelas ko kasi nawawalaaa!" Sinuyod ko ang ilalim ng kama ko pero wala pa din yung tanginang tsinelas ko.

"GAAAAAAH! Si Sadako! Mamaaa! Si ate nawawala!" Nagulat naman ako sa kapatid kong tarantado, nauntog pa ako sa ilalim ng kama. Gumapang na ako palabas at saka binatukan si Maximo.

"Tangina ka Imo."

"BAKIT MO KO KILALA?!" Takot na tanong nito. Babayagan ko na to kaso wala pa ngang bumabakat mawawala na agad. K, wag udlutin ang kinabukasan ng aming angkan.

"Pakyu."

"MAMAAA! SADAKO WANTS TU PAK MEH!" Sigaw nito. Hinanap ko kung saan ko naitapon yung unan ko saka ko inihampas iyon kay Maximo.

Iniwan kong hilo-hilo si Maximo sa lungga ko saka bumaba. Sumalubong naman sa may baba ng hagdan si mama na nakapamewang pa, "Hoy Maxine. Anong oras na sa tingin mo?" Sinipat ko ang wall clock namin saka nakitang 8am na pala. Putangina late na ako.

Dali-dali akong pumunta sa banyo at nagligong pato. Pagkalabas ko ng banyo ay dumaan ako sa kusina para dumekwat ng isang pirasong pandesal. Mehehe.

Umakyat ako saka nagbihis ng school uniform. Buti nga wala na si Imo sa kwarto ko dahil matatadyakan ko yun kung tumambay pa yun sa kwarto ko.

Pagkababa ko, nandun si Imo sa dining table at kumakain. Pinapanuod siya ni mama na kumakain. Tuwang tuwa naman tong si mama na nakikitang maganang kumain ang kapatid ko. Akala mo aso. Ahahaha okay bad ko.

"Ma, alis na ako." Paalam ko.

"Ge." Tanging sagot naman nito.

"Bye ate!" Sabi naman ni Imo. Binadfinger ko lang siya ng hindi nakatingin si mama. Ngumuso lang ito saka bumalik sa paglamon.

Ng makalabas ako ng bahay namin, sunod naman akong lumabas sa gate namin. Naglakad ako papuntang waiting shed saka naghintay ng masasakyang bus.

After five minutes, nagsidatingan na din sa waiting shed ang mga taong nagmamadaling pumasok sa trabaho, sa eskwelahan at kung saan pa pwedeng pumasok. Wag nga kayong bastos -_-

Kasabay ng pagdami namin na naghihintay sa waiting shed ay ang pagdating ng bus.

"Dose pa, dose!" Sabi nung konduktor sabay hampas sa bus.

Nagunahan naman kaming makasakay dun sa bus. Dahil likas akong pagong, naunahan ako ng mga bakulaw na makasakay sa bus -_- Bulsyet.

Ako lang mag-isang naiwan sa waiting shed. Ako ang nauna, ako pa naiwan. Ayos naman. Hindi pa man nakakalayo ang bus, bigla itong tumigil. Nabugahan pa nga ko ng usok. Bastusan depota. Mukha na akong tambutso.

Nagbabaan yung ilang sumakay dun sa bus. Yung isa nga eh, nagwawala.

"KASYA DOSE PUTANGINA ANG LAYO NG DOSE SA LIMA?! BOBO LANG?!" Bulyaw nung lalaking ang lakas ng loob magtuck-in eh bawat exhale ata niya, natatanggal sa pagkakatuck-in yung long sleeves niya. Mas papasa ata tong buddha sa kanto kesa sa maging empleyado huahuahua.

Nagsibalikan sila sa waiting shed. Sinigurado ko naman na nasa unahan na ako para mabigwasan ko sila kapag inunahan nila ako. Late na late na ako putangina.

May nasipat akong bus na padating kaya naman hinigpitan ko yung sintas ng Vuns ko at kumapit ng mabuti sa strap ng bbag ko.

Ng tumigil ang bus sa harapan ko, hahakbang na sana ako paakyat sa bus pero yung buddhang nakatuck-in, nakipagsiksikan sa akin. Asim ng amoy. Nahilo tuloy ako at sa kasamaang palad, di na naman ako nakasakay. Tangina talaga.

⚫⚫⚫

"Nakarating din." Sabi ko ng marating ko ang harap ng school namin. Tamad na tamad pa akong naglakad papuntang gate ng makapasok na ako kahit late naman na ako.

Dumiretso ako sa room at naabutan kong nagwawala mga yung mga kaklase ko. Akala mo mga hayop na nakawala sa kanya kanyang hawla. Well, isa't kalahating mga hayop naman talaga ito sila.

"Nandyan na pala si Maxine eh," sabi ni Alexandria ng makitang papalapit ako sa kung saan sila nakaupo.

"Oh ba't late ka? Nagjakol ka no? Ahahahaha." Pambungad ni Amethyst.

"Ulul, ginaya mo pa ako sayo." Umupo ako sa kadalasang inuupuan ko.

"Hi veve Max, ang qt ko." Bati naman ni Marceline.

"Hi veve Mars," kaway ko pa dito. "Qt." Dugtong ko.

"Hi Maxbidyos," bati naman ni Aleighn na busy sa paghahanap ng pwedeng mai-bake sa internet.

"Hi Jebs, ganda ko." Napatingin naman kami kay Madison.

"Benta ng joke mo huh," sabi ni Marceline. Ngumuso lang naman si Madison at nanahimik.

"Hi Ate Max, may dala kang chocolate? Ehehe." Tanong ni Adrienne.

"Wala eh. Nga pala, pumasok ba si Ma'am kanina?" Tanong ko naman sa kanila.

"Pasalamat ka, wala si Ma'am." Sagot ni Alex.

"Pota, nagmadali pa ako tas nakipagsiksikan pa ako kay buddha ng kant---"

"MAXINE!" Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko ng bulyawan ako ng matandang dalaga na to.

"Bakit ho ma'am?" Kalmado kong tanong.

"DALDAL KA NA NAMAN NG DALDAL ABA?!" OH ANO?! PANGALAN KO NA NAMAN ANG NAKA-BROADCAST?!

"Ma'am, kung nagdadaldal ako. Ano pa tawag sa inyo?" Narinig ko naman ang impit na tawa ng mga animales sa likuran ko.

"ABA'T SUMASAGOT KA PA?! YOU'RE ON DETENTION! MEET ME AT THE GYM AFTER DISMISSAL!" Masungit na sabi nito saka nagmartsa papunta sa harapan. Lakas magmaganda huh, mumpanot naman bulsyet talaga.

"Mukhang ipapalinis sayo buong gym jebs ah?" Bulong ni Madison saka mahinang tumawa.

Nagtaas naman ako ng kamay, "Ma'am oh! Si Madison dinadaldal ako!" Sumbong ko.

"Tangina ka jebs." Bulong nito ulit.

"MANAHIMIK KA!" Sagot naman sa akin ni ma'am. Nasindak man ba daw ako.

Natawa naman ulit si Madison at nambelat pa.

"Pakyu ulul." Sabi ko saka nagbaling ng tingin sa bintana.

"Gutom na ako," biglang sabi ni Amethyst.

"Ako din." Sang-ayon ni Alexandria.

"Qt ko pa din kahit gutom." Sabi ni Marceline at nag-peace sign pa.

"Gusto ko chocolate," nakangusong sabi ni Adrienne.

"I hab kapkeykz hir gaise. Bat etz onleh tu. Du yu wan sam?" Sabi naman ni Aleighn at saka kinalkal ang bag.

"Tri sam beybeh jok, ehehe." Sabi ni Madison at ngumiting pang-manyak.

"Baboy mo Jebs!" Singhal ko.

"MAXINE! GET OUT! GET OUT OF THE ROOM! NOW!" Pu-tang-ina -_-

Bago ako lumabas ng room, tinignan ko muna sila at nahuling halos maubusan na na hininga kakatawa. Pinakyu ko sila saka tuluyang lumabas ng room.

[Vote. Comment. Share. Thank you, haha depota.]

The Minboys ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon