[POV: Maxine]Naghiwa-hiwalay na kami ng Minboys ng makarating kami sa may sakayan sa may tabi ng nagtitinda ng buko. Magkakalayo kami ng bahay maliban kina Madison at Adrienne. Sina Madison at Adrienne at parang vitlug, hindi napaghihiwalay lul. Jok lang, mehe.
Naglakakad ako pauwi. Wala eh, mahirap lang. Isa lamang akong dukhang naglalakad ng pagkalayo-layo, tumatawid sa ilog na maraming buwaya. Buwis buhay ang bawat pagalis at pagbalik ko sa bahay. Kay raming pagsubok ang dapat kong malagpasan bago ko marating ang trangkahan ng aming munting barong-barong.
Pagkabukas ko ng gate namin, pumasok ako. Naglakad ako papuntang pintuan at saka binuksan ulit ito.
"AAAAAHHHHHHHHHHHH?!?!?" Halos ihampas ko sa nanay ko yung doorknob ng pintuan dahil nakatayo siya dun at may hawak na puting kandila.
"Anong oras na?" Monotonous nitong tanong.
"BROWNOUT?!" Tanong ko naman. Eh patay kasi ang ilaw tapos may hawak na kandila tong nanay ko.
"Hindi ba obvious ha? Ano sa tingin mo trip ko lang magpatay ng ilaw?" Pilosopong sabi nito.
"Kumain na ba kayo ni Imo?" Tanong ko naman. Nandoon pa rin kami sa may tapat ng pintuan at di ko pa din binibitawan yung doorknob.
"Paano kami makakakain eh walang ilaw."
"Bakit yung ilaw ba magsusubo ng pagkain sainyo? Huahua jok lang Ma. Akyat na ho ako." Sabi ko pa saka nagkaripas ng akyat sa hagdan.
Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko. Bumungad agad si Maximo na nakasiksik sa may gilid ng kama ko habang nakatutok ang flashlight sa mukha niya, "MAXIMO TANGINAMO."
Ng makita naman ako nito ay agad siyang tumayo at niyakap ako, "ATE! NATATAKOT AKO!" Ngawa nito at hinigpitan pa ang yakap.
Tinulak ko yung mukha niya palayo, "Mas matakot ka nga sa sarili mo ulul."
Sumimangot ito saka lumabas ng kwarto ko. Hinagis ko lang kung saan yung bag ko saka pabagsak na dumapa sa kama. Papikit na sana ako kaso biglang sumindi ang ilaw ko sa kwarto at kasabay nito ang pagpasok ni Maximo, "ATE MAY ILAW NA!"
"Malamang. Ano yon? Sa kwarto mo lang may ilaw at sa kwarto ko wala?"
"Malay mo nakapatay?"
"Mamaya ikaw ang mamamatay." Di na umimik si Maximo. Lumabas na din ito dahil tinawag siya ni mama para kumain.
"Ay Ate, kain na daw." Pahabol nito.
"Busog ako. Tutulog na kamo ako." Sabi ko na lang at saka tumayo para magpunta sa CR at saka maligo.
⚫⚫⚫
Wala naman kaming assignment o kaya dapat na gawin kaya pwede akong makatulog ng maaga. Pero infairness, nakakaboring. Nakatanga lang ako sa kisame na parang tuod. Inaantok ako pero hindi ako makatulog potangina. Ano kaya yun?
Magjakol na lang kaya ako? Jok, di ko gawain yun. Ah! Alam ko na kung bakit hindi ako makatulog. Gutom na kasi ako. Di pa pala ako nakain ng dinner. Mehe.
Nagala-ninja moves ako palabas ng kwarto baka kasi lumangitngit yung pintuan tapos mapagkamalan akong magnanakaw ni Maximo at ipaghahampas sa akin kung anuman ang kakaibang materyales na nakatambak sa kwarto nun. Kung matatawag pa ngang kwarto yun eh mumbudega naman talaga yun.
Patingkayad akong naglakad pababa ng hagdan. Potangna. Pag nagkamali ako ng hakbang dito, basag bungo ko neto. Wala na nga kong utak, pati ba naman bungo ko mawawarak. Kung ba't naman kasi walang ilaw dito sa may hagdan. Hindi ba alam ni mama na delikadong maglakad sa hagdan lalo na't walang bumbilya?