Kabanata II

104 9 0
                                    


[POV: Alexandria]

Inabutan namin si Maxine na tulog sa labas ng  room. Takaw talaga nito sa tulog.

"Tulog na naman," sabi ko saka nilapitan si Maxine.

"Napuyat yan kakajakol." Sabi ni Amethyst.

"Gabi-gabi, jakol? Buti hindi namatay yan." Sabat ni Marceline.

"Maxbidyos yan eh," gatong ni Aleighn.

"Malakas naman sa chocolate si Ate Max bakit ang antukin niyan?" Tanong ni Adrienne. Oo nga, lakas din nito lumamon pero ang antukin talaga kaya nananaba eh.

"Selfie tayo kasama si Jebs. Hihi." Nilabas naman ni Madison yung cellphone niya saka pumose malapit kay Maxine. Nagulat naman si Madison ng makitang naka-pakyu si Maxine. "Osyet gising na si Jebs!"

"Ako pa gagaguhin mo huh," sabi ni Maxine saka tumayo.

"Ehehe. Sorna fo Jebs." Sabi naman ni Madison saka nag-selfie mag-isa.

"Tara na sa canteen, gutom na talaga ako." Yaya ko sa kanila. Ewan ko kanina ko pa gusto ngumata ng kung ano. Sarap kaya kumain.

Dumiretso naman kami sa canteen. Medyo madaming tao. Hirap pumila -_-

"Pota naman, daming tao. Pag pumila ako jan, butas na bituka ko sa sobrang gutom." Sambit ni Amethyst.

"Oo nga?! Tapos ang init pa?!" Iritableng pagsang-ayon ni Marceline.

"Ubos naman na cupcakes ko kaya wala na tayo pantawid gutom." Sabi ni Aleighn.

"Oy Madison, daldalin mo yung mga nasa pila para makasingit kami," suhestyon ni Adrienne.

"Ay sige fo, gosto ko yan." Ngumiti na naman ng pang-manyak si Madison. Hindi ko nga alam kung matatakot ako o madidiri kapag ginagawa ni Madison yun eh.

"Maniakul ampota," singit ni Maxine.

"Gago ka Jebs." Sabi nito saka namakyu.

"Oy dali na. Tara na." Sabi ko. "Madi, lam mo na gagawin mo." Paalala ko kay Madison.

Tumango ito, "Ofo ma'am."

"Mag-bulk order na lang kayo para isang bagsakan lang." Sabi ni Maxine.

"Ikaw magbuhat? Laki ng katawan mo eh." Banat ni Amethyst.

"Kakajakol kasi," dugtong ni Aleighn.

"Body builder. Ahahaha." Gatong ni Adrienne.

"Bilis na kasi?! Gutom na q?!" Iritableng sabi ni Marceline saka naglakad papunta sa pila.

Sumunod naman kami. Naiwan si Maxine at Adrienne sa table para magbantay. Nauna si Madison sa pila para dumaldal at kami naman ay pasimpleng sumingit sa pila.

"Ano ba bibilhin natin?" Tanong ni Aleighn habang nasilip sa mga foodstalls.

"Pagkain?" Sagot ko.

"Ay hindi, sapatos bibilhin natin." Pambabara ni Amethyst.

"Gusto ko ng donuts," sabi naman ni Marceline.

"Edi bilhin na lang natin kung ano matripan," suhestyon ko. "Basta kailangan may kwek-kwek."

"Mukha ka ng itlog, Alex." Sabi ni Amethyst.

"Lul, masarap naman kasi yung kwek kwek." Pagpupumilit ko. Masarap naman talaga diba? Sapakin ko kayo kapag sinabi niyong hindi masarap ang kwek kwek.

"Bili din tayo isaw!" Dagdag ni Aleighn.

"Oh, puro exotic foods trip niyo. Kaya kayo nagmumukhang exotic eh." Sabi naman ni Marceline saka nag-cross arms.

"Di ka kasali?" Tanong ni Aleighn.

"Hindi, qt ako. Hihi." Sagot nito saka pumunta sa food stall ng donuts. "Oh, nandyan na pala yung pinaka-exotic." Dagdag pa nito.

"AHAHAHAHAHAHAHAHA gago." Sabi ko naman. Natawa din naman sina Amethyst at Aleighn sa sinabi ni Marceline.

"May nabili na kayo?" Singit naman ni Madison na kakatapos lang atang daldalin lahat ng tao sa pila. Mukhang hindi niya narinig yung sinabi ni Marceline dahil hindi siya nag-react.

"Hindi pa. Ikaw Madi, ano ba gusto mong kainin?" Tanong ko dito at pinauna siya para makita yung mga naka-display sa food stall.

"Bilhin na natin lahat yan, hihi." Sabi nito saka umorder.

⚫⚫⚫

"Bitay ko na ba bukas?" Bungad ni Maxine ng ilapag namin ang mga nabili naming pagkain.

"Anmeron? Fiesta?" Dagdag naman ni Adrienne saka ininspeksyon yung mga binili namin.

"Tangina kayong dalawa, sarap ng buhay niyo." Sita ni Amethyst.

"Ganyan ang bohay ng gangstah..." bigla namang kanta ni Madison saka ginaya yung mga pose sa pinanuod niyang video nung isang araw.

"Tropa niyo ba yang breezy girl na yan huh," tanong ni Maxine at saka sumubo ng fries.

"Pakyu jebs." Sabi nito saka tumabi kay Adrienne.

"Di tayo talo." Hirit naman ni Maxine.

"Oy bigyan mo naman kami ng kwek-kwek, sinolo mo naman." Sabi ni Marceline.

"Penge din ako donut." Kundisyon ko dito saka iniabot yung isang stick ng kwek-kwek. Inabot naman sa akin ni Marceline yung box ng donut sa akin at kumuha.

"Guys oh, kuha kayo." Pag-alok nito sa kanila.

"Aleighn, ang sarap nung cupcakes na dinala mo. Pag-bake mo naman ako ng chocolate cake." Sabi pa ni Adrienne saka nilapang yung pizza.

"Tologugh? Nasarapan ka? Hihi. Sige, pag-bake kita sa susunod." Sagot naman ni Aleighn na busy sa pagkain ng binili niyang isaw.

"Omayshet!" Bulalas ni Madison.

"Bakit? Anmeron breezy girl?" Tanong ni Maxine na di naman natigil sa pagkain ng mojos.

"Ano va, di ako vreezy girl." Pagtatanggi nito.

"Soulja girl ka naman." Bara ni Amethyst.

"Lul, si Maxine yung soulja girl natin." Pagtatama mo rito.

"AHAHAHAHAHAHAHA sondalo oshet." Bira ni Aleighn.

"Tangina kayo. Tahimik akong kumakain dito." Sabi ni Maxine saka namakyu.

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Tinawanan lang namin siya.

"Oy, ubusin niyo na yung mga pagkain. Nagsasayang kayo samantalang yung ibang bata, gutom na gutom." Sita ni Amethyst.

"Ofo madame baby. Hihi. Pakyu." Sabi ni Madison at binadfinger pa si Amethyst saka nilapang yung manggang hilaw.

"Etong si Madison, puro finger eh no. Akala mo qt." Singgit ni Marceline.

"Hindi naman talaga ako qt kasi maganda ako. Hihi." Saad ni Madison saka ngumiti ng pangmanyak.

Kasabay ng pagtunong ng bell ay ang sabay sabay naming pagpakyu kay Madison.

[Depota, sabaw -_- Vote. Comment. Share.]

The Minboys ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon