[POV: Amethyst]Bagot na bagot na ako dito sa klase namin. Puro naman kasi, 'okay class'. Kapag nag-evaluate kami ng mga teachers at tinanong ako kung ano natutunan ko sa teacher na ito, sabihin ko, "Puro okay class ho." Bolsyet.
Alam ko na, para hindi ako mabagot, mantitrip ako. Si Madison na lang kaya pagtripan ko? AHAHAHAHAHAHA.
Nilingon ko si Madison na busy sa pagsusulat sa notebook niya. "Oy Madison."
Napatingin naman ito sa akin, "Bakit Amethyst?"
"Ganda mo." Sabi ko dito.
Tila ba nangisay si Madison sa kilig ng sabihan ko siya na maganda siya, "Nu va, maliit na bagay. Hihi." Tumawa pa to ng pang-haliparot. Sarap sana sungalngalin kaso mahal ko to kahit isa't kalahating bugok na itlog.
"Parang kagandahan mo."
"Kagandahan ko?"
"Oo. Maliit na bagay. Sa sobrang liit di na namin makita." Sabi ko at saka humagalpak.
"Miss Amethyst, what's funny?" Napatigil naman ako ng bigla akong tawagin ni sir.
"You and your kalbong ulo, sir." Bulong ko saka napahagikgik.
"Come again?"
"No, I won't come again." Muli kong bulong at natawa pa ulit.
"Miss Amethyst, I said, what is funny?" Bakas sa boses ni sir ang pagbibinata, jok. Bakas sa boses ni sir ang inis.
"Si Madison po kasi nahuli kong tulog." Sabi ko.
"SIR HINDI PO KO NATUTULOG! HALATA NAMAN SIGURO SA ITIM NG EYEBAGS KO DIBA?!" Pagtanggi ni Madison at pinandilatan pa si Sir. Nagtawanan naman ang buong klase.
"AHAHAHAHAHAHAHAHA MUMPANDA POTA." Hirit ni Aleighn. "Joke lang Pyutur Y. AHAHAHAHAHAHAHA."
"Sabi sa inyo, siya pinaka-exotic sa atin eh." Sabi ni Marceline.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA kung di naman kasi kayo gago," tanging nasabi ni Alexandria na di rin mapigil sa kakatawa.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA daig pa ata niyan yung mga gangstah sa labas ng bahay nila." Dagdag pa ni Adrienne.
"Depota. AHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ganyan ang bohay ng gangstah..." Sabi ni Maxine na nagpapapadyak pa dahil sa sobrang tawa.
"Tangina kayo." Pinandilatan kami ni Madison at pinakyu.
"Miss Madison, stand up." Utos ni Sir.
Tumayo naman si Madison, "PAKYU!"
Lalo naman kaming nagtawanan. "Minumura mo ba ako?"
"Hindi, sir. Minamahal kita. Jok." Hirit ni Madison. "Nalaglag po kasi yung cellphone ko, sir. Pasensya na po. Nadala lang po ako ng labis na pagkagulat." Paliwanag nito.
"Miss Madison, aware ka naman siguro na bawal magmura di ba?" Tanong ni Sir kay Madison na kasalukuyang nakatayo.
"Ibig sabihin po ba, bawal na din magmahal?"
"What? I don't understand."
"Tagalog na nga di pa maintindihan," bulong ko kay Marceline.
"Nahawa ata kay Madison." Sagot naman nito.
"Sir, I don't understanding. Stop me english. The nose of me is blood overflowing," sabi ni Madison at lalong nagtawanan ang klase. "Ehehe. Why are you laughing? My English is magaling. I'm very professioning."
Napasapo sa noo si Sir dahil sa mga kabugukang sinabi ni Madison, "Can you please sit down?"
"But you tell me to outstanding? Are you nuts, sir?" Sabi ni Madison saka umupo.
"Madison, ano yung nuts?" Singit ni Maxine.
"Mani, jebs."
"Sabihin mo kay sir, wala siyang nuts. Sa English." Utos nito.
"Sir," tawag ni Madison saka nagtaas ng kamay.
"Yes?"
"Sir, you got no nuts." Sabi nito saka nakipag-high five kay Maxine.
Bahagya namang kumunot ang noo ni sir sa sinabi ni Madison. Tinaas pa nito yung isang kilay. Para bang natatanga-ako-puta-look.
"Oy Madison, awat na. Tangina ka." Sabi ko at tatawa-tawa pa.
"Jakol ka muna. AHAHAHAHAHAHAHA." Sagot naman nito. Lihim ko siyang pinakyu pero tinawanan lang ako ng gago.
"Gago talaga to si Madison," saad ni Alexandria na kanina pa text ng text. "Hindi matigil."
"Kayo ba naman ipaglihi sa bugok na itlog." Sabi ni Marceline na kasalukuyan namang nagdu-doodle.
"Pinaglihi ka doon?" Tanong naman ni Aleighn.
"Si Madison." Sagot ni Adrienne.
Umiling-iling si Sir saka nagpatuloy sa pagsusulat ng lecture na daig pa ang script ng Please Be Careful With My Heart sa haba.
Naghaharutan na naman sina Maxine at Madison.
"Jebs ano ba. Tama na, hihi." Pagpipigil ni Madison kay Maxine.
"Wag ka magulo!" Impit na suway ni Maxine.
"Oy mga puta, ano ginagawa niyo?" Sita ko sa kanila.
"Kinukutuhan ko si Madison, ginawa ng base militar yung anit niya eh," sagot ni Maxine at biglang tiris.
"POTA NAMAN! MASAKET!" Napasigaw si Madison sa diin ng pagtiris ni Maxine.
"GAGO INGAY MO!" Binatukan ni Maxine si Madison. Napaubob pa tuloy sa armchair si Madison.
"Jebs, masakit na..."
"Di mo ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo..."
"Di ka kasi nagdala ng suyod," sagot ni Maxine.
"Tangina kayong dalawa," sabi ko saka humarap muli sa board.
"Alex, sino ba katext mo?" Tanong ko kay Alexandria.
"Si San Pedro. Pinapasundo ko na si sir." Isa din tong hinayupak na to eh.
Si Marceline naman ang sinubukan kong kulitin, "Marceline."
"Marceline qt." Pagtatama nito.
"Kasama ba yan sa pangalan mo sa birth certificate mo?"
"Papalagay ko kapag tumigil ka kakajakol."
"Pota, di nga ko nagjajakol."
Ano ba naman to sila. Di nga ko nagjajakol -_- Inosente nga ako sa mga bagay na ganyan. Ang hindi maniwala, salaksakan ko ng talong.
Nilingon ko si Aleighn, nagbabakasakaling makakakuha ako ng mationg sagot. "Aleighn, ano ginagawa mo?"
"Dinadasalan yung buddha sa harap, shh." Sagot nito saka pumikit ulit at nag-hmm. Napailing naman ako saka tinignan si Adrienne.
"Hi Ate Amethyst," nakangiting bati nito.
"Linisin mo muna ipin mo. Puno na ng chocolate." Sabi ko pa.
Pota bagot na bagot na ako dito. Ayaw ko naman na magsulat dahil yung kamay ko durog na dahil ngimay na ngimay ako. Ano bang matinong gawin? Kesa sa magjakol? Jok, inosente ako.
Patuloy pa din ang paghaharvest ni Maxine sa ulo ni Madison. Ganon rin naman si Alex at si Marceline. Busy sa kani-kanilang ginagawa. Si Aleighn naman, kina-career ang pagmomonghe. Si Adrienne, nilalanggam na dahil sa sobrang katamisan ng katawan.
"Knock knock," napatingin naman kaming magkakatropa kay Madison.
"Tangina ka kapag yan walang kwenta," banta ko dito.
"Hihi, dali na."
"Oh, who's there?" Sabay sabay naming tanong.
"Toilet."
"Toilet who?"
"Its TOILET to apologize. Its TOILET..."
Nagtaas ng kamay si Maxine, "Sir, can we go to the CR?"
"Why?"
"GAGAWIN HO NAMING ARINOLA SI MADISON!" Sabay sabay naming sagot.
[Vote. Comment. Share. AHAHAHAHAHAHA bulseyt.]