Carpe Diem

107K 2.5K 79
                                    

27

"Ate Ria!" sigaw noong mga batang binisita ko sa ampunan. Silang lahat ay sumugod sa aking direksyon at sabay sabay na niyakap ang aking binti. Yumuko ako at hinaplos ang bawat ulo noong mga bata.

"Nasospoil ang mga bata Leria." Natatawang sabi ni Iris. Tumawa lamang ako at binaba na ang mga plastic na dala ko. Sabay sabay na humiyaw ang mga bata sa dala kong bagong pasalubong.

Nawala ang pansin nila sa akin kaya nilapitan ko na lamang si Iris na tuwang tuwang nanunuod sa mga bata. Hindi ko na rin napigilan ang ngiti ko kapag nakikita ko ang pagiging sabik ng mga bata sa simpleng laruan na dinala ko.

Kinalabit ako ni Iris. "Tuwang tuwa na sila sa ganyan, kahit simpleng manila lang o laryang kotse ay masaya na sila." Aniya. Hindi ko napigilan ang pagtango.

"I can see that." Pag sangayon ko. Ang mga bata ay nagsimula ng maghabulan sa hardin habang pinaglalaruan ang mga binigay ko.

"Pero higit sa lahat, sumasaya sila kapag may bumibisita sa kanila. Alam mo na, para kasi sa mga bata, walang maliit o malaking regalo. Presensya mo lang ay higit na sa sapat."pagkekwento niya. Palihim ko siyang sinulyapan at pinanood si Iris.

Hindi ko napigilan ang pagtango. Maybe that is the good thing about being innocent. Simpleng bagay lang ay makakahanap ka na ng kaligayahan. Pero sa lahat ng napagdaanan ko, iisang bagay lang ang natutunan ko. That is, everytime your innocence wears thin, your heart will grow strong.

Noong naghapon na ay nagpaalam na ako sa mga bata. Gusto ko sanang tumulong para sa Bible Study na gaganapin pero kailangan ko pang mag ayos ng mga schedules ng mga talents. Maybe next time?

"Bye Ate Ria!" Koro ng mga bata. Kumaway lamang ako bago lumabas sa kanilang gate.

Pagkalabas ko ay hindi ko napigilan ang aking gulat. Sa harapan ng ampunan ay isang pulang Sedan ang nakaparada. Doon ay nakasandal si Nathaniel, ang dalawang kamay ay nakapasok sa kanyang jacket habang may suot suot na salamin.

Hindi iilang tao ang napapatigil habang nakatingin sa kanya. Kung nakikilala ba nila siya o dahil lang sa mukha siyang modelo ng sasakyan ay hindi ko alam.

Noong makita niya ako ay tumuwid siya ng tayo. Binuksan niya iyong passenger seat bago siya umikot at sumakay sa kabila. Tumawid naman ako at sumakay sa kanyang kotse.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko sa kanya habang isinusuot ang seatbelt. Umismid lamang siya bago tinanggal ang kanyang salamin. Nanatili siyang tahimik at hindi man lang ako tiningnan.

Ang suplado ni Falcon!

"Athan." Tawag ko ulit. Lumingon siya sa likuran para masigurong walang paparating na sasakyan. Ni hindi man lang talaga ako sinulyapan nitong taong yelo sa tabi ko.

Hindi ko napigilang ang pagkainis sa asta niya. Kung ayaw mo akong kausapin, eh di wag! Bahala ka!

Tahimik lamang ang byahe naming dalawa. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang buntong hininga niya. Pasimple ang pagsulyap niya sa akin bago siya iiling na lamang.

Pagkapula noong stoplight ay hindi na yata siya nakatiis. Hinampas niya iyong manibela at binigyan ako ng masamang tingin.

"Bakit hindi ko alam na pupunta ka sa ampunan?" Akusa niya. Inayos ko lamang ang buhok ko bago siya hinarap.

"So?"

"So?!" Gagad niya. "Umaalis ka ng hindi ko alam Leria Geneva? Hindi mo ba naisip kung paano ako nabaliw noong naabutan kong walang tao sa pad mo?! Kung hindi pa ako tinext ni Iris ay hindi ko mapa malalamang nakikipaglaro ka lang sa mga bata! You even have your fucking damn phone pero hindi mo man lang ako inabisuhan?" Galit na galit niyang sabi. Nagtitigan lamang kaming dalawa, walang kahit na sinong gustong maunang bumaba.

"Falcon, una sa lahat, wala akong sinabing magpapaalam ako sayo kung may pupuntahan man ako. Isa pa, iniwan ko ang cellphone ko sa bahay." Sagot ko. Napanguso na lamang ako at hindi na nagsalita. Isang malutong na mura ang sinabi ni Athan bago siya muling nagmaneho.

I left my phone on purpose. Ang araw na ito ay inialay ko para lamang sa mga bata. Kapag dinala ko ang cellphone ay palaging may magtatanong sa akin ng tungkol sa trabaho. Isa pa, iniiwasan ko ang mga group message na ipinapadala ni Augustine at Vincent. Kesyo mainit daw o kumakain sila ng durian. Like duh?! Ginawa nilang twitter ang text messaging. Mga sira ulo talaga.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Mukhang unti unti ng lumalamig ang kanyang ulo.

"Sa susunod, kung may pupuntahan ka, isama mo ako. I want to be there with you."aniya. Bahagya lamang akong natawa bago umiling.

"Seryoso?!" Pagkumpirma ko. Malamig lamang ang tingin na iginawad niya sa akin.

Ang gwapo mong magsuplado Nathaniel. Galitin kaya ulit kita?

Lihim akong napahagikhik. Galit na nga ang taong yelo Ria, susuhulan mo pa. Minsan talaga nakakahawa ang kaadikan ng mga AEGGIS.

Panay lamang ang kanyang pagnguso habang nagmamaneho. Kaya nga noong magawi na ang kotse sa lugar na may kakaunting tao ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Inalis ko ang aking seatbelt bago ako.kumandong sa kanya.

Gumewang ang kanyang pagmamaneho.

"Leria!" Sigaw niya. Bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa tumigil na iyon ng tuluyan.

"Ngayon ko lang nalaman.." sabi ko habang inaalis ang butones ng kanyang shirt. Napalunok si Athan at pinapanood ang daliri kong naglilikot.

"Leria, we are in public." Pagbabawal niya. Pero iba ang sinasabi ng pagdiin ng hawak niya sa aking beywang.

Damn it. Pakipot pa siya. Kunwari naman na ayaw niya pero gusto naman talaga niya.

"Clingy ka pala Nathaniel Falcon."pang aasar ko. Naningkit lamang ang mata niya bago kinabig ang aking leeg.

Noong magdikit ang aming labi ay napapikit na lamang ako. Kinagat kagat ni A ang ibabang parte ng aking bibig habang ang kamay niya ay kung saan saan na nakakarating.

"Athan.." pagpigil ko. Itinulak ko siya ng kaunti habang hinahanap iyong naririnig kong ring.

Dumukwang siya ng kaunti at binuksan ang compartment ng kotse. Doon ay rinig na rinig ko ang kantang, "This Guy's Inlove with you Pare". Tumaas lamang ang kilay ko habang si Nathaniel ay namula.

"Vincent?" Malamig niyang sabi. Natatawa pa rin ako dahil sa ringtone niya kaya itinaas niya ang kanyang palad at tinakpan ang aking mukha.

"Remind me later to kill you." Bulong niya bago pinatay ang tawag. Ibinato niya ang kanyang cellphone sa likod bago ako binalikan.

"What happened to Ethan?"

Ngumuso siya. "Nababaliw na naman. I hate it when my twin gets a broken heart. Ang sarap itapon ng kakambal ko kapag nagdadrama siya." Aniya. Natawa na lamang ako ng malakas bago yumakap sa kanya. Idiniin ko ang mukha ko sa kanyang leeg at lalong sumiksik sa kanya.

"I love you Ri." Bulong niya sa akin bago hinalikan ang aking noo. Tumango lamang ako at hindi na sumagot pa. Minsan lang ang pagkakataong mayakap ko si Athan. I should seize this moment.

_____________________

*pen<310

Taming The Cold Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon