Do Not

128K 3.1K 120
                                    

11

"Barrie!" sigaw ko pagkakita ko pa lamang sa kaibigan ko na nakatayo sa may bukana ng pintuan ng aking opisina. Agad niyang binuksan ang braso niya at sinalubong ang yakap ko.

"Hey." Nakangiti niyang sabi. Agad niyang ibinaba ang luggage niya sa may gilid at tinitigan ako.

"How are you?Kailan ka ba bumalik? How's Sue?" tuloy tuloy kong tanong. He just laughed at me at ginulo ang aking buhok. Napanguso ako sa ginawa niya pero tumawa lang ito ng malakas.

"Always eager for information Ria." Sabi niya sa kanyang accent na briton. Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya.

"How's my Dad?" tanong ko sa seryosong tono. Hinarap niya ako at ngumiti siya. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa ngiti niyang iyon. Hindi kaagad siya sumagot at umupo lamang sa sofa ko habang ako naman ay hindi na mapakali para sa balita.

"He's fine. Perfect actually I may say. I think after his therapy, he can finally walk. Your brothers are taking good care of him, don't worry. And he can move his hands now." Pagkekwento niya. Hindi ko napigilan ang luhang tumulo sa mata ko sa narinig. Agad ko naman iyong pinunasan at ngumiti.

"I'm glad to hear that." Anas ko. Tinitigan lamang niya ako at naghintay na may sabihin pa ako. Noong hindi ako nagsalita ay kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.

"It's been four years Ria. Why don't you try talking to your brothers again? They might let you see your Dad."

"You know that's not possible." Agad kong pagpigil sa sinasabi niya. I know my brothers. They hate me. They won't let me near my father again. Never.

I miss my Dad so much. Just the thought of him made my eyes wet with tears. Agad akong hinila ni Barrie at dinala sa tabi niya. Pumulupot ang braso niya sa gilid ko at niyakap ako ng mahigpit. HInagod niya ang likuran ko at hinintay akong tumahan.

"Everything will be fine dear." Bulong niya sa akin. Tumango lamang ako at tiningnan siya. Yumuko siya at marahang pinunasan ang mga luha ko. Nag-iwas ako ng mukha at lumayo sa kanya.

"Ria--"

"Bossing--"

Sabay kaming napatingin ni Barrie sa bumukas na pintuan. Doon ay nakita ko ang buong AEGGIS na nakatayo roon. Hawak hawak ni August ang pintuan habang ang lima ay nasa loob na at nakatangang nakatingin sa amin. Agad akong tumayo at sumunod naman si Barrie sa akin.

"Boyfriend mo?" masungit na tanong ni Iñigo. Naglakad siya palapit sa amin at sumunod sa kanya ang iba.

"Um, he's.."

"..Barrie Wellesley. Nice to see you again." Sagot ni Athan at agad na hinila ang braso ko. Pinagdikit niya kaming dalawa habang si Barrie ay nakatingin sa aming dalawa.

"Do I know you?" nagtataka ring tanong ng kaibigan ko. Tiningnan niya ako at nagkibit balikat lamang ako. Nilingon ko si Nathaniel na nakatiim ang bagang na nakatingin sa kanya. Lapat ang labi niya habang nagtatagis ang kanyang bagang kay Barrie.

"No. But I know you." Mariin nitong sabi. Hinawakan ni Nathaniel ang beywang ko at mas lalo pa akong inilapit sa kanya.

Napataas ang kilay ni Barrie sa inasta ni Athan. "I-I think I'm going. See you later dear." Paalam niya sa akin at kinuha na ang kanyang luggage. Noong mawala siya ay agad kong tinanggal ang mga braso nito sa beywang ko at hinarap ang buong AEGGIS.

"Why?" I asked no one in particular. Si Greg ang sumagot.

"It's Lana's birthday tomorrow. May party siya. Surprised actually." Aniya. Pinilig ko lang ang ulo ko at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "She doesn't have that many friends so, I was thinking if you can go. With us. Kung okay lang sayo. Para sa barkada na rin. Bonding time." Nakangiti niyang sabi. Natawa lamang ako at tinitigan siya.

Taming The Cold Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon