4
"ATHAN!" hiyaw ko habang tinutulak ang iba pang fans para makadaan ako. Palabas na sila ng airport at malapit na sa van nila. Nagawa kong makarating sa pinakaunahan kaya agad kong hinubad ang aking jacket at winagayway iyon.
"ATHAN!" sigaw ko ulit. Si Greg ang tumigil at nalaglag ang panga niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako at tinawag ulit si A. Kinalabit siya ni Greg kaya tumingin ito sa akin. Nanliit ang mata niya habang pinapanood akong sumisigaw ng pangalan niya.
Nakita ko ang pagguhit ng iritasyon sa gwapo niyang mukha ng makita ako. Ibinaba ko ang jacket na hawak ko at tumakbo palapit sa kanya. Hinarangan ako ng ilang guard nila pero pinakita ko ang ID ni Daddy.
"President's daughter." Simple ko lang sabi kaya hinayaan nila akong makadaan. Nangingiti akong lumapit kay Athan at tinitigan siya.
"What?" suplado niyang sabi. Inayos ko ang pigtails ko bago ko kinuha ang notebook ko at isang ballpen.
"Pa-autograph."
Tinitigan lang niya ako at kinuha niya ang notebook ko. Nagsulat siya roon at binigay sa akin iyon. Pagkatapos nun ay agad na siyang tumalikod at pumasok sa kanilang van. BInuksan ko ang notebook ko at natawa na lang sa isinulat niya.
'GO AWAY'
Napailing na lang ako at agad nagpara ng taxi para sumunod sa van nila. Kinapa ko ang bote ng pampatulog na binili ko sa isang drugstore noong isang araw. I checked their schedule already. Wala silang gig sa loob ng isang linggo. Chance ko na ito para magkalapit kaming dalawa.
Santong paspasan na ito. Para sa lovelife namin ni Athan.
Hinintay kong matapos ang gig nila. Tumuloy sila sa isang resort namin sa Bacolod bago sila lumabas ulit. Memoryado ko na ang routine nilang lima. Right after every gig, palagi silang pumupunta sa bar para mag unwind. Mamaya kapag lasing na si Athan, ilalagay ko na ang pampatulog sa kanyang inumin.
Napapahagikgik na lamang ako kapag naiisip kong makakasama ko siya sa loob ng isang buong weekends. Alam kong hindi sapat ang dalawang araw para mahulog siya sa akin, but it is a start. Kahit papaano ay magkakaroon kami ng koneksyon kapag nagkaroon kami ng ilang sandali na magkasama hindi ba?
Nagkagulo sa Wave noong isang araw. May kumalat na litrato si Athan habang hinahalikan iyong si Tori. Stanley is furious about the picture at nag-away sila ni Athan. Kaya ngayon ay medyo mainit ang paligid sa AEGIS. Parang ilang sandali lang ay mag-aaway na naman ang dalawa. Hindi ko naman kasi alam kay Athan eh. Nandito naman ako, bakit niya pa ipinipilit ang sarili kay Tori? Sa akin wala siyang kakumpitensya. Siya lang talaga.
Napasandal siya sa sofa doon sa may gilid. Napapikit siya habang hawak hawak pa rin ang kanyang baso ng alak niya. Agad kong kinontact si Georgina para matulungan ako sa plano ko. Habang hinihintay ko siya ay nilapitan ko si Athan at tumabi sa tapat niya. Wala ang ibang AEGIS kaya nasolo ko siya.
Tinitigan ko ang hulma ng mukha niya. Mula sa alon alon niyang buhok hanggang sa prominente niyang panga ay minemorya ko. Gumawi ang titig ko sa labi niya at napabuntong hininga na lamang. His smile is so enchanting. Nakita ko iyon kahapon. Yun nga lang ay para sa ibang babae iyon.
Dumilat siya ng kaunti at nakita ako. Bahagyang nanlaki ang mata niya bago siya pumikit ulit.
"Fuck. Talagang hanggang dito?" naiirita niyang sabi. Pumikit ulit siya kaya nagmadali na akong kinuha ang bote ng pampatulog. Binuhos ko iyon sa inumin niya bago ako nagsalita.
"Mag-isa ka lang?" tanong ko. Nanatili lang siyang nakapikit kaya akala ko ay hindi na niya ako sasagutin.
"May nakikita ka bang kasama ko?" malupit niyang sabi. Ngumiti lang ako at hindi pinansin ang mga salita niya. Napailing na lang siya at agad kinuha ang kanyang baso bago iyon inisang lagok lang.
BINABASA MO ANG
Taming The Cold Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only once in your life. Ireserba mo ito para sa taong karapat dapat sa kaunaunahan mo. Matuto kang maghin...