32
I woke up with no sign of Athan beside me. Si Stanley lamang ang naroon habang nagbabasa ng libro sa aking tabi.
"Stan." I called him. Ibinaba niya ang binabasa at hinarap ako.
"What do you need?" he asked. Inikot ko ang tingin ko sa kwarto. Where is Athan?
Pinilit kong umupo at mabilis akong inalalayan ni Stanley. Hinawakan niya ang aking siko noong makatayo na ako.
"Si Athan?" anas ko. Napanguso na lamang si Stanley habang napapakamot ng batok.
"Nasa labas."
"What is he doing there?"
Lumunok siya. "Your brother came. Pati ang Tito mo. Kinakausap nila si Nathaniel ngayon." Aniya. Bakas sa boses ni Stan ang pag-aalala noong sinabi niya iyon. KInagat ko ang labi ko habang ako rin ay sinalakay ng kaba. Mabilis ang ginawa kong paghawak sa tiyan ko at huminga ng malalim.
I cannot afford being stressed out. Hindi iyon makakabuti kay Caius. I should relax. Leria, you should relax.
"Hey, Athan will kill me if something happens to you. Humiga ka na lang ulit Ri." Utos ni Stanley. I shook my head at hiniling na samahan niya ako para lumabas at hanapin si Athan.
Noong nakarating kami sa canteen ng ospital ay doon namin nakita si Athan kasama sina Kuya Glenn at si Uncle. Nagmamadali akong lumapit sa kanila habang si Athan ay nakayuko lamang sa kanyang kape.
"Kuya." Tawag ko sa kanila. Mabilis akong nilingon ng aking kapatid, ang mata niya ay lumibot sa suot kong hospital gown. Noong tiningnan ko si Nathaniel ay pulang pula ang mata niya, mukhang kagagaling lamang sa pag iyak.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hininga.
"Kuya, anong ginagawa ninyo dito?" tanong ko. Ngumisi lamang si Kuya at tumayo. Tiningnan ko si Athan bago hinabol ang aking kapatid. Noong nasa may parking lot na kami ay hinawakan ko ang kanyang braso.
"Whad did you tell him?" kinakabahan ko ng sabi. Kinuha ni Kuya ang susi ng kanyang kotse bago iyon pinatunog.
"The truth, Ria." Aniya. Nanginig ako sa narinig habang si Kuya ay nakatitig lamang sa akin.
"What?"
"You will not marry him." Madiin niyang sabi. HInarap ako ni Kuya Glenn bago siya umiling.
"I am disappointed Ria. Inuulit mo na naman ang ginawa mo noon." Bakas sa boses niya ang galit sa akin. He is angry I could almost taste his hatred.
"Anong sinabi mo sa kanya?" naiiyak ko ng sabi. Tumawa lamang si Kuya bago niya ikiniling ang kaniyang ulo.
"Nothing of importance Leria. Sinabi ko lang na nagtangka kang magpakamatay noong iniwan ka niya. Na namatay si Georgina noong pinigilan ka niyang tumalon sa tulay. Na namatay ang anak ninyong dalawa at buntis ka bago ang aksidente. That was just nothing Leria." Pagpapaliwanag niya. Nasapo ko ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya.
Paano niya nalaman iyon? Wala akong ibang pinagsabihan ng totoo. Walang nakaaalam ng nangyari? How did he—
Sa tinagal tagal ng panahon na dapat ay naintindihan ko iyon, noong malaman ko ang totoo ay para akong sinagasaan.
"You made him leave me. Ikay yun hindi ba? Was it you Glenn?" tanong ko. Ngisi lamang ang naging sagot ni Kuya.
"You made him leave me!" sigaw ko na. Nilapitan ko siya at hinampas ng aking braso noong hinawakan niya ako ng mariin.
"Kung hindi ko ginawa iyon ay hindi ka titigil Leria. Had you seen yourself then huh? Masyado kang nalunod sa lalaking iyon! I stopped you from losing yourself completely!" sigaw niyang pabalik. Tuluyan ng tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya.
Noong hindi na ako nagsalita ay bumitaw na siya sa akin. Huminga lamang ng malalim si Kuya bago ako tinalikuran at pumasok sa kanyang kotse.
-------------------------
Pagkabalik ko sa canteen ay wala na roon sina Athan. Umakyat na lamang akong muli at pumasok sa aking kwarto. Pagkarating ko doon ay nakita ko si Athan na nakaupo lamang sa kama.
Hindi ko magawang pumasok sa kwarto noong makita ko na siya. Nakayuko lamang si Athan at parang malalim ang iniisip.
Ngayong alam na niya ay hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. The truth that I have been trying to keep is now revealed. Siguradong iiwanan na niya ako niyan.
"A-athan.." tawag ko sa kanya. Tumingala siya sa akin bago huminga ng malalim. Humakbang ako ng kaunti at lumapit na sa kanya. Tumabi ako kay Athan at hinintay siyang magsalita.
"S-si Kuya—"
"Why?" iyon ang sinabi niya. Pinutol niya ang salita ko at tinanong iyon sa akin.
"Anong why?" kinakabahan kong tanong. Kinagat ko na ang labi ko at hinintay ang sasabihin niya. I can feel it. Pakiramdam ko ay mauulit na naman ang nangyari sa amin noon. Iiwanan na niya ako. This time, he will be willing. He will leave me.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari sayo?" basag ang boses niyang sabi. Tumulo na ang luha niya habang nakatingin sa akin. Pinunasan niya iyon bago siya napailing na lamang.
"I just thought I broke your heart Leria, I never imagined I destroyed your whole soul." Pumipiyok niyang sabi. Tuluyan na siyang humagulgol habang hindi makatingin sa akin.
"Athan—"
"I am useless." Aniya. Mabilis akong umiling at lumapit para aluhin siya.
"Don't say that." Anas ko. Tiningnan niya ako, ang mata ay punon gpuno ng luha.
"I'm sorry Leria. Dapat ay iniwasan na kita. Dapat lumayo na ako sayo noon. Hindi ka na sana nahirapan ng dahil sa akin. Tama ang kuya mo, masasaktan ka lang sa akin. Ang daming nawala sayo. Sinayang ko lahat Leria. Even our child. I threw them all away. I am such a useless guy. They are right Leria. Wala akong kwenta." He lamented. Tuloy tuloy ang agos ng luha niya habang hindi ako matingnan.
"Mahal kita." Sabi ko. Bigla niya akong nilingon at panibagong pagpatak na naman ng luha niya ang nangyari.
"So do i. So do I Leria. Mahal din kita." Sagot niya. Tumango ako at nilapitan siya. Niyakap ko siyang mahigpit bago napapikit.
I can feel him shaking. Kung dahil ba sa takot, pagsisisi o galit ay hindi ako sigurado. All I know is that he is in pain. He is experiencing my pain.
"Mahal kita. Mahal mo ako. Nathaniel, sapat na yun." Sabi ko. Humikbi siya at niyakap lamang ako lalo.
---------------------
*pen<310
BINABASA MO ANG
Taming The Cold Boy (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionAEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only once in your life. Ireserba mo ito para sa taong karapat dapat sa kaunaunahan mo. Matuto kang maghin...