Like Kindergarten

98.4K 2.5K 281
                                    

23

How can something so beautiful feel so painful now? It's been weeks, I don't know, magmula noong nangyari ang insidente sa rooftop. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nasabi nga ni Nathaniel iyon sa akin. I know there is something wrong, he is hiding something, I can feel it. Kilala ko ang pagkatao niya.

Isang buwan na pero hindi pa rin ako nagsasalita. Ilang beses na akong kinatok ni Daddy pero hindi ako nagkwento. Wala akong gustong pagsabihan. Pero kahit ganon ay alam kong may isang tao rito sa bahay na nakakaalam ng nangyari.

Mahihinang katok ang nagpabangon sa akin. Noong tumayo ako ay si Ate ang sumalubong sa akin. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Do you want to eat?" masuyo niyang sabi. Umiling lamang ako at hindi sumagot.

"Ri, isang buwan na mula nung—"

"Hindi ako nagugutom Georgina." Mahina kong sabi. Huminga lamang ng malalim si Ate. Itinaas niya ang kumot ko at pumasok roon. Sunod kong naramdaman ay ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.

Doon na tuluyang pumatak ang luha ko na pilit kong pinigilan sa loob ng isang buwan. Si Georgina ay mahigpit ang hawak sa akin ay hinayaan akong umiyak lamang. Ang sakit lang kasi eh, kahit ayaw kong maniwala sa lahat ng sinabi ni Athan, parte ko pa rin ang nakumbinsi na talaga ngang mahal niya si Tori. And that nagging part makes me so weak. Ano bang kulang sa akin? why can't he love me the way he loves Victoria? Kaya ko namang baguhin ang sarili ko. Kaya kong palitan ang pagkatao ko.

Why am I not enough?

"May mali ba sa akin Ate?" tanong ko rito. Umupo si Georgina at tiningnan ako. Pinunasan niya ang luha niya bago umiling.

"Wala Leria. Nagmahal ka lang at walang mali doon." Pag aalo niya. Suminghot ako habang si Georgina ay patuloy lang sa pag aayos sa sarili ko.

"Masakit talaga sa una, pero lilipas din yan. Marami pang lalaki sa paligid Ria, hindi siya kawalan. Hindi kawalan si Athan okay? Huwag mo ng ipilit ang sarili mo dahil ibang babae ang minamahal niya, hindi ikaw. Tanggapin mo na lang yun at kalimutan siya." Aniya. Ang boses niya ay pumipiyok habang kinakausap ako.

Tahimik lamang kaming humiga roon. Maya maya lang ay narinig ko na ang pamilyar na tono ng twinkle twinkle. She used to sang that to me noong nasa kindergarten pa ako. Napangiti ako sa ginawa niya kaya mabilis akong tumingala ngunit noong iniangat ko ang ulo ko ay bahagya akong nahilo. Pumikit ako ng mariin, ang ilalim ng tiyan ko ay parang binubungkal.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ate sa akin. Tumango lamang ako at hindi na nagsalita pang muli.

"Kung gusto mong kumain, nasa baba lang ako ha? Ipaghahanda kita." Malambing niyang sabi. nilingon ko siya at tumango.

"Love you Sis." Malambing niyang sabi sa akin. Tumango lamang ako at hindi na gumalaw sa kama.

'Say something I'm giving up on you

And I'll be the one if you want me too

Anywhere I would have followed you

Say something I'm giving up on you'

I never knew pain can be this intense. Kaya pala sinasabi ng mga broken hearted na mahapdi ang masaktan. But I know I'm not only broken, I am shattered. Nawala na lahat ng iniingatan ko dahil isinuko ko na iyon sa lalaking may iba namang mahal. I was to childish to even believe that I have the power to melt an ice.

Tumayo ako sa kama, sa simpleng galaw ay ramdam ko ang kakatwang paglindol ng paligid ko. I heaved a breath at nagsimulang magbihis. Noong bumaba ako ay nakita kong tulog si Georgina sa sofa. Wala rin ang mga katulong kaya nagmamadali kong kinuha ang sasakyan ko.

Taming The Cold Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon