Unexpected Relationship •1•

37 2 0
                                    


"Stop it! Tama na! Tama na sabi e, Joshua ano ba itigil nyo na sabi e. Please tigilan nyo na si Miguel susunod na ako sa gusto mo babalik na ko sayo! Wag nyo lang syang saktan!" yan ang huli kong narinig na sigaw ni Daniela bago ako mawalhan ng malay.

*Flashback*

Hinihintay ko sa labas ng classroom nila si Daniela Girlfriend ko mag iisang buwan palang simula nung naging kami. Sobrang mahal ko sya at masaya ako lalo na nung nalaman ko na mahal nya din ako.

"Oh? Bakit may pasa ka na naman sa mukha mo?!" sabi nya na may halong galit at pag aalala.

"Wala lang to" sagot ko.

"Anong wala lang e ayan nga oh kulay berde at ube na tapos sasabihin mo wala? Diba sabi ko lumayo ka sa gulo pinag usapan na natin to diba?" sabi nya habang nakatalikod sa akin.

"Lumalayo naman ako e, pero gulo ang kusang lumalapit sa akin" paliwanag ko habang sinusuyo sya eto na naman ako naghahanap na naman ng irarason sa kanya para lang mapagtakpan yung pasa sa mukha ko.

Araw araw iniisip ko na kung ano yung irarason ko sa kanya pag napapasubo ako sa gulo. Ayaw nya kasing nadadawit ako sa awayan at pagiging basag ulo dahil yun ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng ex-boyfriend nyang si Joshua.

Isang taon na din silang wala ni Joshua bago maging kami ni Daniela, nagkipagbreak sya kay Joshua dahil nalaman nyang kasali si Joshua sa Fraternity at madalas nakikipag away kaya pinilit ni Daniela na umalis na sa Frat si Joshua pero hindi sya pumayag kaya kahit mahal nya si Joshua ay napilitan syang makipaghiwalay dito. Ilang beses syang binabalikan ni Joshua pero hindi sya pumayag.

Madami kaming similarities ni Joshua katulad nalang ng parehas kaming galing sa broken family, pareho kami ng ugali at medyo pareho daw kami ng hilig sabi ni Daniela kaya siguro hindi sya nahirapan na mahalin ako.

Nasa isang eskwelahan lang kaming tatlo kaya hindi malabo na makita kami ni Joshua hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Joshua kapag nakikita nya kami ni Daniela basta ang gusto ko lang makaiwas sa gulo at mailayo ang girlfriend ko sa kanya dahil natatakot din ako na baka marealize ni Daniela na mahal nya pa si Joshua at bigla nya akong iwan sa ere.

•bgsh•

Bigla ko nalang naramdaman na nakahiga na ako sa simento sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa akin. Tama nga si Joshua nga ang may lagagawan na naman neto, nang makita kong kasama nya pa sila Eugene, Ken, Enrico at Paulo na kamyembro nya din sa Frat. Maya maya pa ay itinayo ako at hinawakan sa magkabilang braso.

"Hanggang kelan ka ba magmamatigas? Diba sabi ko makipagbreak ka na kay Daniela?!" sigaw sakin ni Joshua na may kasamang duro sa mukha ko hindi ko sya sinasagot para makaiwas ako sa away at di na lumaki pa yung gulo.

"Ano? Bakit ayaw mong sumagot, alam ko na mahal pa ako ni Daniela kaya kapag nakipagbreak ka sa kanya babalik sya sa akin" •sabay suntok na naman sa mukha ko• eto na naman sya iniisip na mahal padin sya kahit sya nalang ang nagmamahal.

"Wala ka man lang bang sasabihin?! Ano hindi mo man lang ba sasabihin na hihiwalayan mo na sya?! Sabihin mo na! Kung ayaw mong matapos ang lahat dito!" •Suntok na naman sa pisngi ko medyo manhid na ata ako kaya wala na akong naramdaman na sakit•

"Par tama na yan may paparating na prof tara sibat na" sabi ni Paulo.

"Hindi pa tayo tapos!" Yan ang huli nyang sinabi sabay alis na parang walang nangyari.

At ako eto pumutok na naman ata yung labi ko kaya tinakpan ko ng panyo at nakayuko nung nakita kong may paparating na prof. Sanay na ako na sa loob ng isang linggo binabawian ako ni Joshua para sakin senyales lang yun na hindi nya matanggap na wala na sila at girlfriend ko na si Daniela.

Maya maya pa ay pumunta ako sa clinic para manghingi ng gamot at yelo para sa natamo ko.

"Ikaw na naman Miguel? Kelan ka pa naging basag ulo?" sabi ni Ginger naging kaibigan ko sa clinic dahil napapadalas nga ang pagpunta ko doon.

"Hindi nga ako ang basag ulo nadadamay lang ako..." sabi ko habang dinadampi yung yelo sa labi ko.

"Bakit kasi ayaw mong sabihin kay Daniela ang totoo para hindi mo na tinatago yang mga pasa mo sa katawan" sabi ni Edward na kaibigan ko sya lang ang pinagsabihan ko tungkol dito.

"Sabi ko naman sayo ayokong madamay pa lalo si Daniela dito baka lalo lang lumaki yung gulo atsaka natatakot din ako na baka iwan nya din ako kasi napapadalas nadin yung mga bangas ko baka magtaka sya at akalain na nakikipag basag ulo na nga din ako" paliwanag ko.

"Kelan mo naman planong sabihin yang ginagawa sayo nila Joshua, kapag malala na kapag umabot ka na sa ospital sa sobrang bubog sayo ng mga kaibigan nya?" dagdag ni Edward.

"Magsasawa din yan" sabi ko.

Lumabas na ako ng clinic para hintayin si Daniela sa labas ng room nila at para ihatid pauwi sa kanila. Parang may mali hindi man lang nya ako iniimik ano bang problema wala naman akong ginagawa sa kanya. Habang naglalakad kami malapit na sa bahay nila ay tinanong ko na talaga sya kung ano bang problema.

"Teka nga bakit ba ganto hindi mo man lang ako iniimik ano na naman bang nagawa ko?" -

"Wala" - Daniela

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Unexpected RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon