chapter 21.5

182 8 0
                                    

Wilma

Sobra talaga ang tae na ito.. Iniwan ko lang sandali ngayon may kangitian na! Plus pa ang hawak sa kamay ha,
At itong babae na ito.. May pabulong bulong pa talaga!

Nakuuu..

"Ehem!"nag fake cough ako nang nasa likod na ako ni vanillah..
"Finally.. Natabunan ka ba ng tray at ngayon ka lang?!"salubong ang kilay na sabi nya sakin.. Grabe.. Balak nya ba akong sungitan sa harap ng babaeng ito..
"Pasensya na kamahalan.. Marami kasing nauna, hinintay ko pa po ang turn ko.."nag bow pa ako sa harap nya para mas effective.."tsk! Whatever..asan ang food ko?"nakatingin na sya ngayon sa laman ng tray na hawak ko parin..

Oo nga pala gutom na pala ang taeng ito..

Pero hindi ako sa kanya nagwoworry ha.. Kundi sa mga dragon nya sa tyan.

"Ano yan?"turo nya sa mga ulam na nilalapag ko sa harap nya..
"Igado, dinakdakan, at dinuguan.."sabi ko sa kanya,
"Dinuguan??"ulit nya sakin"oo.. Saan ka ba planetang galing at hindi mo alam?"nakataas ang kilay ko na sabi sa kanya
"Alam kong dinuguan yan.. Pero bakit yan?!"irritated na sabi nya sakin.. Ano bang masama dito? Masarap naman sya diba??

Depende kasi yan sa kumakain..
"Tsk! Parehas kayo.. Maarte.."

"Eh di wag mong kainin.."naka pout kong sinabi sa kanya.. Tsk!ano bang problema nya sa dinuguan??

Hindi ko na sya hinarap at ang halo-halo na nasa harap ko ang pinagdiskitahan ko,nang maramdaman ko na lang na may kumakalabit sakin..si tae pala
"Ano?!"yung tono na naghahamon ng suntukan sa kanto.. Yun ang ginamit ko sa kanya.. Pero para bang balewala lang yun sa kanya.. Haiyyz.. Di talaga ako malakas sa impaktong ito eh..-_-
"Haluin mo din yung akin"sabi nya sa tono namang nag uutos

Bakit di mo ipahalo dian sa babaeng katapatan mo

"Ayoko nga.. Ikaw maghalo ng sayo.."pero ang babae kinuha nya yung nahalo ko ng halo-halo
"Ano ba.. Akin yan!"special pa naman yung halo-halo ko.. Pinalagyan ko yun ng extra scoop ng leche flan eh.. May vanilla ice cream pa yun
"Yan na ang iyo.. Ayaw mong haluin ang sakin eh.."kainis naman, ano bang problema nya
"Ito na! Hahaluin ko na! Basta wag mong babawasan yang akin!

"Penge ako ha.."sabi nya sakin,"ayoko! Wag mong babawasan yan"banta ko sa kanya habang ang atensyon ko eh nasa hinahalo ko

"Mmm...masarap nga puppy.."what the! Binawasan nya pa din!
"Sabi ko wag mong babawasan diba?!oh! Ito na"inilagay ko sa harap nya yung hinalo ko at kinuha ko yung akin na inagaw nya,kinuha naman nya,

"Bakit kulang sa creaminess tong akin?"tumingin sya sakin at tinaasan na naman ako ng kilay.

Ang totoo kasi dapat sa kanya ang halo halo ko.. Kaya lang, nabwisit ako sa kanya, wala pa akong trenta minutos na nawawala ayan at may kangitian na sya.. May hawakan pang nalalaman?? Eh di sya na!

"Hey..are you still here with me?!"mahahalata mo na naiirita na sya.. Hilatsa palang ng fece.. Wagi na
"Are you still here with me mukha mo!imagination mo lang yan.. Parehas lang ang lasa nyan noh!"Hindi ko na sya pinansin at sunod sunod na ang ginawa kong pagsubo

Nang may narinig akong tumatawa ng mahina.. Yun bang pigil na wag mapalakas.. Ang pangit sa tenga.. Para lang syang, kabayong humahalinghing,

Sarap sapakan ng baso..

At itong vanillah na ito, ngiting ngiti talaga.. Sutukin ko kaya bibig nya, para mabasag mga ngipin nya.. Ewan ko na lang kung makakangiti pa sya.. Wahaha!

"Oi bes! Dito lang pala kita makikita eh.. Paupo ha.."si Anne pala.. Grabe.. Bubuka ko palang bibig ko eh ayan na sya at nakaupo na sa harapan ko..

"Anne?!couz ikaw ba yan?!OMG!"eh di sya na..
Kanina si tae.. Ngayon naman si An-An.. Ano ba ako ngayon dito? Extra?
Nagyakap pa yung bestie ko at itong tumawag na couz.. Malay ko ba kung ano ang pangalan nya.. Kasi naman eh.. Hindi man lang naisip na ipakilala sakin nitong kasama ko ang babaeng ito sakin,nakakatampo..-.-

------

Buti na lang talaga at naalala ng dalawa na ipakilala sakin itong babae sakin bago pa kami lumabas ng building.. At buti na lang talaga naalala pa nila ako..

Naglalakad na kami..wala akong idea kung san kami papunta ngayon eh.. Basta nasunod lang kami ni Anne sa dalawa bale si Cris at vanillah, ako at si Anne

"Bes.. Kawawa naman yang dalawa sa unahan baka bigla na lang yan tumumba..sa sama ng tingin mo sa dalawa.. Walang wala ang itak ng lolo ko

"Asan ba yang itak ng lolo mo na yan?"tanong ko sa kanya na para lang bang nagtatanong ng weather
"Bakit?"ang loka tinignan ako na parang curious talaga,"gagamitin ko kasi sana sayo."statement lang yan.. Yung bang parang nagrereport lang ng weather forecast, Hindi ko sya tinignan nung sinabi ko yun sa kanya,"grabe ang effect ng selos sayo bes.. Pati ako na sarili mong kaibigan slash bestfriend slash kapatid handa mong gilitan ng leeg?!"naghihinampong sagot nya sakin.. Bilang sagot sa kadramahan nya.. Huminto ako saglit sa paglalakad at humarap sa kanya.. Hinawakan ko magkabilang balikat nya at pinisil.."aray bes! Masakit ha!"nakalabi nyang sinabi sakin.. Na nakapagpalingon naman sa dalawa na nasa unahan lang namin..

"Bestie.. Pag di ka tumigil.. Gigilitan talaga kita.. And fyi.. Hindi ko alam ang.. Ano nga yun?selos?? Ni hindi ko nga yun naririnig? Sayo palang.. Nakakain ba yun?"bulong ko sa kanya.. Inakbayan ko na sya at hatak ko sya..

"Okay lang kayo?"tanong ni Cris, nagpalipat lipat naman ang tingin ni Vanillah samin ni Anne..

"Oo naman.. OKs lang kami.. Ito kasing couz mo.. Nakikipagkulitan..di ba best?"hinarap ko si Anne at pinandilatan.. Yung pagkakaakbay ko na sa kanya ngayon eh pasakal na..

"Wag kayo dito sa street magkulitan.. Baka makagasgas kayo ng sasakyan dyan.. Makakapagbayad pa kayo."si tae
Kami pa talaga ang makakagasgas ng sasakyan? Ayos talaga utak ng babaeng ito eh..

Tinignan ko lang ng masama si vanillah, at ang mahadera nakipagtitigan lang sakin..-,-
Ako na din unang umiwas ng tingin, tinignan ko si Anne at nginitian sabay bitaw sa leeg nya

"Tsk!"narinig kong may sinasabi pa si vanillah eh.. Hindi ko lang masyadong maintindihan gawa ng may space din kasi mga pagitan namin,

Hindi ko talaga alam bakit sumama ang araw ko ngayon, lalo sumama ng nakita kong hinampas ni Cris ang balikat ni vanillah at si vanillah naman tumawa lang at UMAKBAY kay Cris!siete!! Ang sarap nilang hilahin para magkahiwalay, yung isa sarap ihagis sa kanal at yung isa ipasagasa sa ten wheeler truck! T.T

"Bes wala lang yang nakikita mo.. Chill lang baka kung ano magawa mo sa dalawa eh.."boysit talaga minsan tong best friend ko na ito eh.."ano bang napapansin mo sakin na di ko pansin sa sarili ko ha! Kanina ka pa.. Malapit ka ng buminggo.. Promise.."bulong ko ulit sa kanya.. Nakahawak na ako sa braso nya.. Pasensya best.. Nanggigigil lang kasi ako ngayon at braso mo ang pinakamalapit sakin..

>:[ -ako

T_T - Anne

--------
Sorry po kung masyadong tumatagal ang story na ito.. Sorry po..

******

Thank you poeh for reading..^_^

The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon