chapter 35

104 5 1
                                    

Kanina pa ako paikot ikot dito sa bayan pero di ko parin makita kahit anino ng hinahanap ko.

Bakit ko nga ba kasi hinahanap pa ih babalik naman yun sa bahay, pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko nangingibabaw parin talaga yung pagkainis ko.

Naiinis ako dahil hindi ko sila makita.

Naiinis ako dahil kung ano ano ang tumatakbo sa utak ko.

Naiinis ako dahil sobrang nagseselos ako!

Kahit sabihin ko pa ng ilang beses sa sarili ko na wala akong karapatan, magselos

Pero tinamaan kasi ako ng sobra, bwisit naman kasi bakit ba di ko agad nalaman na ganito ang magiging pakiramdam kapag hindi ka umilag kay kupido?

Ngayon may kupido pa akong nalalaman.

Ngayon ko lang nalaman na may tendency pala ako na magselos ng sobra sobra.

Para akong nauupos na kandila, umupo na lang ako sa isang mga bench na nasa gilid ng puno dito sa gitna ng pamilihan.

Iniikot ko parin ang paningin sa paligid baka sakali na mamataan ko na sila.

What if niyaya niya si Cris na pumunta sa hotel na tinutuluyan nya?
Sila lang dalawa.

What if aminin ni Cris na may gusto sya kay Vanillah?

At kaya di ako mabigyan ng chance dahil si Cris talaga ang gusto nya?

What if mag kiss sila?

"Aahhhhh!ayoko na!" -then I realise na nasa pampubliko nga pala akong lugar.

Bwisit talagang utak ..

Pahamak ..

Selos na selos ka na lahat kaso wala kang magawa.

"What are you doing here?waiting for someone puppy?" -mabilis pa kay flash na lumingon ako sa likuran ko. Nakilala ba naman kasi sya agad ng puso ko. Corny pero ganun talaga ih,

Naglaho lahat ng inis ko para sakanya. Ganun lang kabilis.

"Day dreaming in a public place ..Tsk!"

"Narinig ko yun!" -sagot ko agad sakanya.

"Anong magagawa ko?masilayan lang kita nawawala na ako sa reality." Wala ako sa tyempo pero di bale na, dahil nakikita ko naman na effective ih, nagba blush lang naman sya.

"Crazy." -Sabi nya sakin at umiwas ng tingin. Ang sarap lang kurutin ng mga pisnge nya at halikan ito pagkatapos dahil sa sobrang kakyutan nya ngayon.

"Crazy for you." -banat ko pa.

Nakakaloka ang pagrerecharge ng energy ko. Kahit ako nagugulat sa mga lumalabas sa bibig ko, nasa public place pa kami nito partida.

"Diyan ka na nga!" -akma na syang tatalikod at magwawalk out ng bigla ko syang hawakan sa kamay nya.

"Hep!sama mo ko!" -I gave her my cutest smile ng sinabi ko yun sakanya.

"No. May kasama ako." -plain na tanggi nya sakin.

It hurts you know.

Bakit ba hindi pa ako nasasanay?

Sa araw araw na lang, hindi matatapos ang isang buong maghapon na lagi nya akong nirereject.

Ako lang naman si makulit ih,

Ako lang naman itong masipag mag push.

Ipush ang sarili sakanya.

"O-Okay.. sige na..puntahan mo na yung kasama mo na sinasabi mo,,dito muna ako." - sobrang nakakadrain ng energy ang disappointment na nararamdaman ko ngayon. Kung kanina super energised ako nung masilayan ko sya,ngayon ganun din kabilis yung pagka drain ng energy ko.. Parang cellphone lang😅😢

----

Hindi parin maalis yung ngiti ko sa labi ko,

Eh kese nemen ehh..

Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami dito sa bayan. At walang makakasira ng mood ko ngayon kahit pa kasama parin namin si Cris.

"Ellie, next time kung okay lang sayo pwede mo kong samahan ulit? Sa San Fernando may kailangan kasi akong bilhin dun na wala dito satin." -Cris

Authomatic na napalingon ako sa dalawa,

'Wag kang papayag..please wag kang papayag.'

Pigil ang hininga ko habang hinihintay ang isasagot nya. Hindi ko na namalayan na humigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay nya,
Blangko ang mukha nya ng tignan nya ako at pagkatapos sa kamay namin na magkahawak. Bawat reaksyon ng mukha nya pilit kong tinitignan, hindi ko inaalis ang tingin ko sakanya. Hoping na mabasa nya yung disgusto ko na pumayag syang sumama kay Cris sa San Fernando.

"I'll think about it." -maiksing sagot nya.

"Okay. Text mo ko pag napagisipan mo." -sa sobrang pagkakangiti nya kitang kita na pati gums nya.😒

'SorNa po'

Hinatid lang namin sa sakayan ng tricycle si Cris at nagpaalam na din kami agad sakanya.

"Stop humming puppy, your making my head ache." -binigyan nya ako ng mabilis na lingon. Yung tingin na naboboring

"San tayo pupunta?" -Tanong ko na lang. Wala ring saysay kung pahahabain ko pa. Worst baka iwanan ako nito dito magisa.

"Sa hotel." -maiksing sagot nya sakin.

"Anong gagawin natin dun?" -Wala lang,mukhang trip nya ang isang sagot isang tanong ih.

"Mangangarolling." -yung sagot nya na parang isang ordinaryong gawain lang ang gusto nyang gawin.

"Seryoso?!" -nagkamali ba ako ng pagkakakilala sakanya? Hindi kaya takas sa mental tong si Vanillah?

Isang pitik sa noo ang nagpabalik sa wisyo ko.

"Masakit yun ha!." -reklamo ko habang hinihimas ng libre kong kamay ang noo kong sinaktan nya.

"Slow." -yan lang ang words nya. Ang haba grabe..



















****

Thank you ng marami sa mga nagbabasa parin nito at sa mga magbabasa😊

And sorry dahil sobrang natengga ito ng napakatagal na panahon..

Thanks for reading 😘😘😘

The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon