chapter 18:

187 10 1
                                    

Wilma

Pagtapos namin mag breakfast nag patulong akong magligpit ng pinagkanan..

OK lang naman kay Maru..

Pero hindi kay Ellah..

Hindi nya nga nagalaw ang pagkain na nilagay ko sa harap nya eh, tahimik lang din sya kanina habang itong si Maru panay ang kwento,

Pagtapos nyang ubusin ang kape nyaw nag excuse na sya samin na papasok na sa loob ng bahay..

Hirap lang talagang espelengin ng babaeng yun eh..

Nung sang araw, napaka friendly nya..

Kagabi.. Super fragile nya..

One moment.. Clingy..

May time din na super mean.. Then after..

Hai Ewan!

Pinauna ko ng pinapasok si Maru sa bahay para dalhin na nya sa kitchen yung mga punagkanan..

Pagpasok ko, nakitat ko si Ellah na nakaupo sia may sofa at salubong ang kilay na nakatingin sakin
"Problema nito.."naisip ko na lang

**flashback **

Tumigil na sa pagtawa ang babaeng ito,

Nakatingin sya sakin at nakangiti..

"Here"tinatapik nya yung bakanteng pwesto na nasa tabi nya..

"Gusto mo kong tumabi sayo?"

"I guess? Maliban na lang kung may iba ka pang kasama at yun ang patatabihin ko sakin at ikaw.. Tumayo ka na lang dian"

"Ang dami mong sinasabi.."balik ko sa kanya habang lumalapit ako sa tabi nya

"Ang dami mong arte.."tugon naman nya sakin..

"Here.. Since gusto mong samahan ako.. Dapat uminom ka din.."nagbukas sya ng dalawang bote ng San Mig. At nilagay sa tapat ko ang isa.

Lumipas na yata ang 347 years samin na walang umiimik, feeling ko eh panis na laway ko eh,

Thanks na lang talaga sa iniinom ko..

Ito namang katabi ko, nakatulala lang sa monitor ng tv..

"Pahiram nga ng song book, at hindi gagana yang videoke kung tititigan mo lang.."

Alam kong lumingon sya sakin kasi naman ramdam ko na naman yung titig nya sakin,na para bang may six sense ako pag dating sa kanya

"Ito na lang! Para medyo masaya.."sabi ko sa kanya at tumayo na ako para pindutin yung song

"Seryoso ka dito sa Napili mo?"nakatingin sya sakin na para bang taga planet Pluto ako..-_-

"Oo.."simpleng sabi ko na lang sa kanya.. Sa totoo lang di ko alam kung kaya ko syang kantahin eh, pero dahil gusto kong maging light ang atmosphere dito sa loob, pipilitin ko na din.. Ang title ng song... Humanap ka ng panget..

Natapos ko din sa wakas ang kanta! Woah!!

"Yeah! That was nice!"sigaw ng kasama ko.. Napangiti ako sa sarili ko kasi kahit buwis buhay ang ginawa kong pagkanta worth it naman kasi napangiti ko sya.. Bonus pa ang tawa nya at pagsabay sabay sakin sa pag kanta

"Pawis ka na oh.. Here.."medyo napaatras ako sa ginawa nyang pagpunas sa pawis ko na nasa leeg ko.. Kasi naman palad lang nya ang ginamit nya..

Parang nakuryente yung mga dulo ng daliri ko..

"Kanta ka ulit."

"Hoi! Abusado lang? Ikaw naman ang kumanta"ayoko ng kumanta, nakakapagod.

"Ayoko."simpleng sabi lang nya at diretsong nilagok ang natitirang alak na nasa harapan nya

Habang nainom sya ako naman nakatingin sa leeg nya at pinapanood na gumalaw ang lalamunan nya..

"Ehem!"

Narinig ko na lang na nag ubo sya, pabigla kong dinampot yung alak ko at diretso ding ininom yun..

Ano bang nangyayari.. Naaatract na naman ba ako sa babae??

"Madali kang mahihilo pag pinilit mong ubusin yan ng isang lagukan lang.."tumayo yata lahat ng balahibo ko sa ginawa nyang pagbulong sakin,

Anak ng butete naman oh.. Bakit ba ang lakas agad ng effect nya sakin! Bwisit na senses na ito..

Hindi ko tuloy maiwasang uminom ulit.. This time uubusin ko na talaga ang laman ng bote na hawak ko

"Hahaha! Sensitive.."

Narinig kong sinabi nya..

"May sinasabi ka??"

Pero umiling lang sya sakin, nakapagbukas na pala sya ng isa pang bote

"May sinabi ka eh.."pilit ko sa kanya

"Ano bang sinabi ko na narinig mo?"humarap na sya sakin at tinitigan ako sa mga mata ko

Ewan ko kung san ako nakahugot ng lakas ng loob na makipag titigan din sa kanya..

"Ang unang kumurap... Talo.. May parusa.."

Sabi nya sakin habang nakatitig sa mata ko.. Napasulyap ako sa labi nya.. Bakit parang nangaakit ang ngiti nya ngaun.. I can't help it.. Napakurap ako

"Gotcha! Talo ka.. At ang talo.. May parusa..."bulong nya sa tenga ko.. Yung pakiramdam na nakuryente ka, plus yung feeling na nagsasammer salt yung tyan ko.. Ene be.. >\\\

After nun tuloy tuloy na sya ulit sia pag inom, one thing I knew.. Lasing na sya.. Kung ano ano na kasi sinasabi nya.. Eh did ko naman maunawaan.. Kasi lagi napuputol ng tawa nya..

"Oooppss! Hikk!yung parusa mo.."nagulat ako at hindi agad nakareact.. Kasi naman tinulak nya ako pahiga sia couch at dumagan sakin.. Hindi ako makareact.. Basra nakatitig lang ako sia kanya at sya sakin.. Funny pero I find her more beautiful ngaun, namumungay kasi yung mga mata nya at yung ngiti nya, parang nilaan lang para sakin.. He he.. Wag ng kontra.. Sia yun ang feeling ko eh..

"Kiss me.."narinig kong sinabi nya pero ayaw pang mag process sa utak ko..tinitigan ko yung labi nya.. Tempting..

Parang may sariling utak yung kamay ko, humawak na lang kasi basta sia batok ng babaeng ito eh.. Dahan dahan ko syang nilalapit sakin..

Nang bigla na lang...

Bumagsak yung mukha nya sa leeg ko..-_-

Siete.. Yun na eh..

***
Thank you poh.. For reading.. ^^


The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon