chapter 22:

203 7 0
                                    

Wilma

Buysit talaga! Grrr!

Bakit ba kasi ako napapayag na sumama sa kanila.. Ang hirap kaya ng sitwasyon ko, Hindi ko naman maintindihan.. Naiinis ako kapag napapadako ako ng tingin sa dalawa, parang feeling ko naghihiwa ako ng sibuyas dahil sa hapdi ng mata ko.. Pag naman sinulyapan nya ako at ang cold ng stare nya na para bang hindi nya ako kilala.. Nahihirapan akong huminga.. Parang may malaking bayabas sa lalamunan ko na nakabara

Dapat talaga wala lang ito eh..

Dapat talaga humindi ako nung tinanong ako ni Anne kung gusto kong sumama eh.. Sabi nga nya pwede namang humindi eh, pero ako ito.. Umoo parin..

"Baka mabasag yang hawak mong baso,sobra kang makahawak eh.."bulong ni Anne.

"Anne.. Panoh mo ba malalaman na sobrang attractive ka sa isang tao"tanong ko sa kanya habang nilalaro ko ang shot glass ko sa kamay

Ayoko sanang magtanong.. Kaya lang hirap na akong huminga eh.. Hindi ko masabi kung sinusumpong lang ako ng pagiging selfish ko.. O nagseselos na ako.. Hindi ko din alam kong yung attraction ko sa kanya noon ay parehas lang ngayon.. Baka lumala pa nga ngayon.

Bakit kasi ang landi landi nya! She kiss me not just once.. Sige kasalanan ko na ito, dapat talaga hindi ko na sya binantayan nung gabing nagpapakalasing sya at parang batang inagawan ng kendi.. Dapat talaga umuwi na ako agad right after na mahatid ko na ang order nya, para di ko nararamdaman itong nararamdaman ko ngayon..


"Inumin mo na yan best, pampakalma.."para akong masunuring anak ngayon.. Sinulyapan ko ulit ang dalawa..


Nasalubong ko ang mata ni vanillah, nakatingin sya sakin..


Kanina pa kaya nya ako tinitignan.. Bakit kaya? Wala sa sarili kong nalagok ko ang alak na binigay sakin ni Anne.. Napangiwi naman ako sa sobrang pait eh,hindi ko malaman bakit nung sya ang kasama kong uminom,hindi naman ako nakaramdam o nakalasa ng pait..ngayon feeling ko nahihilo ako at ang pait ng panlasa ko ngayon..Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya..natatakot ako baka pag inalis ko ang tingin ko sa kanya,kahit saglit lang..baka sa susunod na sulyap ko maglupasay na ako dito,nakakahiya sa mga relatives ni Anne..


  kita ko nang magsalubong ang mga kilay nya, Ano na naman kaya problema nya..bakit ba everytime na lang na tumitingin sya sa gawi namin ni Anne lagi na lang masama ang tingin nya sakin?ako nga dapat ang topakin diba ..may isang cris lang na dumating nakalimutan na nya ako na kasama nya,


ang sarap lang nyang balatan at pigaan ng kalamansi,at ibabad sa asin at ibilad..saka ibabaon sa lupa..ang labo nya..


i hate her..


pero di ko naman maalis ang tingin ko sa kanila..


"Kung nakakamatay talaga ang titig.. Kanina pa nakahandusay si vanillah at yang si pinsan.. Promise.."tinignan ko nga si Anne ng masama,
"Ano bang sinasabi mo?"pabulong ko ding sinabi sa kanya.."wala.. Sabi ko tagay mo na"at binigyan nya ako ng isang smile.. Yung ngiting nakakaloko..


"ako na ulit?"garabe nakaikot na pala ng hindi ko napapansin..


"yung sagot ko pala sa tanong mo Wilma.."ano daw?sagot nya sa tanong ko?may tinanong ba ako?bakit di ko tanda?


The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon