chapter 26

108 5 0
                                    


Ellah

Nakakapagsisi kung bakit pa ako pumayag na sumama magtanim sakanila.

After nito Hindi na talaga ako magsasayang ng kanin

Sa sobrang nahihirapan ako nahuhuli na ako sa pagtutusok ng Palay iadd mo pa na putik ang pinagtataniman namin.
Buti na lang may sumigaw.

Yes!kakain na

Nakakagutom na nakakapagod ..

Binitawan ko na tong nga Palay na hawak ko at lumakad na para umahon at sumunod na sa mga na una na kasama namin ng mapansin kong nasa gitna parin ng taniman si Wilma,

'Tsk!day dreaming again puppy?'

Ilang minuto ko pa sya tinitigan na nakatingala lang sa ulap at ang dalawang kamay nya ay nakahawak sa may balakang nya habang kumikembot

'Halatang nangangawit ang balakang ng puppy na'to ..palibhasa matanda na tsk!'

Narinig ko nang sumigaw yung kaibigan nitong si puppy at dun lang sya kumilos.

Halata sa mukha nya na aburido na sya sa pag lalakad dahil bawat hakbang nya lumulubog ang paa nya sa tubigan na may putik.
Nang malapit na sya sakin inalok ko na syang tulungan na umahon,pakiramdam ko kasi, any minute ay isusumpa na nya ang pagtatanim dito.

****

Itinuro kami ni Anne, sa isang ilog na nasa likod lang ng bahay na kasalukuyang pinupwestuhan ng mga kasama namin na nagtatanim,
Medyo matarik ang pababa papunta dun kaya umuna na akong bumaba at tinawag ang pansin ni Wilma para bumaba na din at maalalayan na lang.

Wala naman kasi sa hinagap ko na lampa sya.

'Hey puppy come on,stop daydreaming.'

Pero tinitigan lang nya ako ng masama.

'Sinong nag di daydreaming?'

Aba ang tuta pinandilatan ako.

'Yung katabi mo,'

'Huh?'

Wala sa loob nya na lumingon sa left side nya. Pero ang andun lang naman ay isang puno.
Then sa right side nya,pero walang andun.

Ang hirap pala mag pigil ng tawa pag dating sa babae na'to. Habang tinitignan ko ang hitsura nya.

Ibinalik nya ang tingin sa left side at Hindi pa yata nakuntento,tumingala pa sya sa puno  at walang kaabog abog na tumalon.
On instinct maybe mabilis na iniunat ko ang dalawang kamay ko at patakbong pumwesto sa lugar na sa tingin ko na babagsakan nya.

*****
Wilma

Peste ang lakas nya manakot.
Yung pagkakasabi nya na 'Yung katabi mo.'
Ewan ba, yung tone kasi nya flat lang at seryoso add mo pa na biglang umihip yung hangin na nakapag patayo ng balahibo ko at sa takot ko walang pinairal na utak basta na lang ako tumalon.

..'aaahhhh'

'Shit!you stupid puppy!'

Mahina lang ang pagkakasabi nya nun. Pero sapat naman ang lakas nun para marinig ko.
Nagpantig ang mga tenga ko,

Shit na nga na stupid pa,

At ano ang tawag nya sakin?

Tumatagingting na ...'puppy'

Tiningala ko sya at handa na akong gyerahin sya pero pagtingala ko bigla kong nalunok ang dila ko.

Sobrang lapit ng mga mukha namin na konting galaw lang nya ay mahahalikan na nya ako.

Dun ko na lang napansin ang ayos namin,

Nakahiga sya sa batuhan at nasa ibabaw nya ako,hawak ang dibdib nya at ang kamay naman nya at nakapaikot sa bewang ko.

Yung pakiramdam na bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib mo,nanunuyo ang lalamunan,at parang may kung ano sa tummy mo na naglulumikot.

'What are you thinking?!bakit tumalon ka na lang ng ganun ganun ha!'

Nakatingin lang ako sa mga labi nya. Bakit slow motion yata ang bawat buka ng bibig nya? Amoy mint ang hininga nya at mainit ang bawat buga nito,napapikit ako para injoyin yun.

Pag dilat ko automatic na napa tingin naman ako sa mga mata nya.

Nakakunot ang noo nya pero Hindi man nakabawas yun sa pagtambol ng dibdib ko.
Ang mata nya na parang laging binabasa ang nasasaloob mo at iniisip.
Ang mata nya na pagtumitig sayo na parang hinuhubaran ka.

'Ang halay na ng utak mo Wilma'

'Nakikinig ka ba?!pano na lang pag Hindi ako ang kasama mo,malamang na basag na yang mga tuhod mo at braso Hindi pa ba sapat  yung pagkakabugbog dian sa pwet mo!'

....pwet mo'

Ano daw? Yung pwet ko?

Wala sa loob na napatingin ako sa likod ko.

Nakapalibot ang isang kamay nya sa bewang ko at ang isa naman at nasa ...

Pwetan ko ..

The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon