Chapter 14

245 9 5
                                    

Wilma

Anak ng butete naman oh.. Anong oras na ba?! Hindi parin ako dinadalaw ni antok..Lahat yata ng pwedeng pwesto ginawa ko na.. Tumagilid paharap sa kanan.. O kaya sa kaliwa.. Tas pag hindi parin.. Paharap naman sa kisame.. Ayaw parin.. Dadapa naman ako.. Andian na ipapatong ko yung isang binti ko sa sandalan ng sofang hinihigaan ko ngaun...

Wwwaaaahhhh!! Asan ka na bang antok ka.. Bakit wala ka pa?!

Padabog akong umupo at nagindian seat na lang at nangalumbaba..

Ilang minuto din akong nakatunganga lang.. Nakapag decide na ako dun ako matutulog sa kwarto ko.. Keber kung andun sya sa kama ko natutulog.. Hindi ko naman sya pagsasamantalahan noh.. Babaeng Filipina parin naman ako..may konting hinhin pa naman ako sa katawan ko..

Tumayo na ako at hinablot ko na lang ang kumot ko at unan at dumeretso sa kwarto..

****

Nakatayo na ako dito sa gilid ng kama ko.. Pano ako hihiga nito eh sinakop na nya buong kama ko..-_-

Nakadapa sya at yung dalawang kamay nya naman nakaunat..

Huminga muna ako ng malalim bago ako yumuko sa kanya at inisod sya patagilid sa kabilang side..Pumwesto na ako sa kama.. Nakaharap ako sa kisame,hindi ko matiis na hindi sya lingunin, tinitigan ko ang mukha nya.. Ewan ba.. Bakit napatingin ako sa labi nya.. Naramdaman ko na lang na nagiinit yung mukha ko.. Pati yata tenga ko nagiinit din.. Binalik ko ang tingin ko sa kisame.. Wala pa yatang minuto binalik ko ulit yung paningin ko sa kanya..

Flashback

"Anong ginagawa mo dito?!"

Nagulat ako sa gawi ng pagsasalita nya sakin.. Malamang na magalit sya kasi nakita ko sya na ganito yung hitsura nya.. Hilam lang naman yung mata nya sa luha.."a-ano kasi...aahh.. Ba-baka kasi ubos na yung iniinom mo?"stammer lang ang peg??"ou ubos na nga.. So?"marunong pala syang magtaray.. Bakit ang cute sa paningin ko ng gesture nya? Nakataas ang kilay nya habang nakatingin sakin.. May sinasabi sya pero wala naman ako maintindihan

"Hoi! Ano na?!"

"h-ha?"

Pinandilatan nya ako ng mata,hala! Praning na ako.. Mas naging cute sya sa paningin ko..-_-

"Sabi ko ikuha mo pa ako ng anim.. No make it twelve para di ka na bumalik dito."

Grabe lang.. Ang taray..bossy lang ang peg?!"ok.."

****

"Mariz twelve bottle pa daw ng San Mig"sabi ko sa kanya pagkatapat ko agad sa counter

"Twelve talaga?!"

Pinipigilan ko ang mapatawa, pano ba naman ang epic ng fes..

"Ang lakas nya namang maginom.."napapailing na lang sya habang kumukuha sya sa ref.. Tinulungan ko na din sya.. Naglagay ako ng maraming ice cubes sa dalawang bucket at dun ko sinalansan lahat yung nilabas nya..

"At tsaka pala mani.."kumuha ako ng isang balot nung mani at binuhos sa plato.. Masarap sana yung sinangag sa bawang..tas may sili.. Hindi ganitong naka repack.

The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon