chapter 34

65 3 0
                                    


Maaga akong nagising kahit madaling araw na akong nakatulog.

Sabihin na natin na seryoso ako sa mga sinabi ko sakanya at ipapakita ko yun through words and action.

Kung malalaman lang ng bestfriend ko 'tong binabalak ko malamang matatawa na lang yun sakin,akalain ko ba na sa babae ako tatamaan ng ganitong kagrabe.

Babae ako at babae din ang gusto ko,pero mas babae ako sa pananamit at pagkilos compare sakanya pero ito ako ngayon nagiisip ng pwedeng lutuin para sa breakfast namin para lang magpaimpress😅

Dahil sa nalulugaw ang utak ko, nagtoast na lang ako ng slicebread at nagprito ng itlog. Nagtimpla na rin ako ng kape para samin dalawa.
Mabilisan ang ginawa kong dahil gusto kong ako ang unang makikita ng mata nya pagdilat nya.
Muntik ko pa makalimutan ang apple 😅

Sabi nga diba, an apple a day keeps the doctor away 😁

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, yung kama agad ang hinagilap ng mata ko at hindi naman ako nadissapoint dahil nandun parin sya at mahimbing na natutulog.

Inilapag ko ng dahan-dahan ang tray na dala ko sa bedside table at umupo sa kama sa tabi nya,
Ang sarap lang ng tulog nya.

Kahit tumatama na yung sinag ng araw sa katawan nya, wala paring effect. May pagka tulog mantika din pala sya.

Pinagmasdan ko ang mukha nya, medyo nakakunot na ang noo nya at may naririnig na akong mahinang ungol galing sakanya.

Umaga na pero nananaginip parin sya ng masama.

Dahan dahan kong niyugyog ang balikat nya at bumulong sa tenga nya para gisingin sya. Hindi naman ako nabigo dahil kumilos ang kamay nya at kinuha ang kamay ko na nasa balikat nya at hinawakan ito ng mahigpit.

"Don't go." -bulong lang yung sinabi nya pero rinig na rinig ko yung sinabi nya at ang mga lamang loob ko naman ay nagsimula na namang magtatalon.

Lahat ng pagpipigil sa katawan ko inilabas ko na para lang hindi sya yakapin at halikan. Pero yung smile ko sa labi, na glue na yata at hindi ko na maitago.

"Gising na,nagdala ako ng breakfast natin dito," -mahinang sabi ko na lang.

Tinitigan ko ang mukha nya at ang dahan dahan na pagdilat ng mata nya. Nahulog na naman ang puso ko sa hindi ko na magbilang na beses.

Yung mapupungay na mata nya na sakin nakatingin. Nalulusaw na naman ang kanina lang na sama ng loob para sakanya. Isang titig lang na ganito,limot na ako paano pa kaya kung isang ngiti nya?

Baka pumayag na akong magpakuha kay San pedro.

"Good morning." -with my cutest smile na bati ko sakanya.

Pero ang babae isang tipid na smile at tango lang ang binigay sakin at

"Morning."

Hindi ko na lang didibdibin yan sa ngayon, pasasaan ba at mapapaamo ko din sya ng tuluyan. 😏

Think positive lang..

"Pinagtoast kita para sa breakfast, kagagaling mo lang kaya kailangan kumain ka."

"Your don't have to this wilma." -iling na sabi nya sakin.

Ouch!masakit yun.

"But I want to." -equal din yung sinagot ko sakanya na may pag iling din. Napapa English tuloy ako ng wala sa oras.

Tinitigan nya ako na para bang may pilit syang inaabot sa kaloob looban ko.

"I'm serious when I said that I like you last night." -this is it ulit pansit.

The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon