chapter 33

60 3 0
                                    


Wilma

Hindi talaga ako mapakali ih,
Times two na nya akong hinalikan at sa loob lang ng isang gabi yun ha.

May meaning ba yung mga halik nya na yun?

Does it mean gusto rin nya ako?

Well.. Action speaks louder than words nga diba?

Okay lang ba mag assume ako?

"Tsk!masisiraan ako ng bait nito!"

Humiga na lang ako sa kama at humarap sa pader binalot ko din ang sarili ko ng kumot kahit medyo maalinsangan ngayon.

Pakiramdam ko nababaliw na talaga ako ih,hindi ko maintindihan ang sarili ko..
May part sakin na gustong gustong sumigaw dahil sa saya na nararamdaman ko at dahil yun sakanya. May part din sakin na natatakot,

what if kung lahat ng ito mawala?

what if kung assumera lang pala talaga ako at wala naman talagang feelings para sakin si Vanillah?

What if ...

Na stop ang what if ko ng maramdaman ko na hindi na ako nagiisa sa kwarto.

Ipinikit ko ng madiin ang mata ko at pinigilan ko ang paghinga ko ng maramdaman ko na umupo sya sa kabilang gilid ng kama.

'Putiks bakit ba kailangan kong magpigil ng hininga?!'

Naibuga ko ng malakas ang hangin na pinipigilan ko at dahil dun narinig ko din ang mahinang pagtawa nya.

"It's okay to breathe, you know..don't worry.. mmm..if it's about the kiss -"

Hindi parin ako humaharap sakanya kahit pa alam ko na alam nya na gising ako.

Bakit pakiramdam ko sumasakit ang dibdib ko,para akong tinutusok ng karayom ng paulit ulit?

Bakit may pakiramdam akong ayoko marinig ang susunod pa na mga sasabihin nya?

Hindi pa man,kahit nakapikit ako nararamdaman ko parin ang paghapti ng mata ko.

"Wag kang magsorry about sa kiss na nangyare,kiss lang naman yun ..hindi big deal sakin yun,tulog ka na. Itutuloy ko lang yung pag gamit ko sana ng cr." Putol ko sa ano pa mang sasabihin nya.

Tama na muna siguro yung isang rejection sa isang gabi,

Hindi ako masokista,well ..slaight lang naman..

Diretso na akong lumabas ng kwarto at nagtuloy sa loob ng cr,

Mahapdi masyado ang mata ko kailangan ko maghilamos.

Yung paghahapdi ng lalamunan?madadaan ba sa mouthwash?

Pero paano ako mag ma mouthwash kung yung isipan ko takot na baka mawala yung pakiramdam na nakalapat parin ang labi nya sakin?

Masarap sa pakiramdam  pero masakit at nakakaiyak pala itong pinasok ko ..

****

Nang feeling ko okay na ako,normal na ulit ako, lumabas na ako ng cr at bumalik sa kwarto namin ni vanillah.

Dahan dahan ang ginawa kong paghiga sa tabi nya at naglagay my space sa pagitan namin.
Patagilid akong humiga paharap sakanya.

Mukha syang natutulog na anghel.

"Yang mga kilay mo na laging nakataas at magkasalubong pag nakikita ako ng mga mata mo,bakit maganda parin sa paningin ko?" Bulong ko

"Sana lang someday makita ko ang mga mata mo in another way,yung hindi malungkot at seryoso,kelan mo kaya papakita sakin yung genuine smile mo? Parang napakamahal ng ngiti mo ih,kelan kaya yan magiging libre? Sana pag dumating yung time na yun ako ang reason ng lahat."

Pinikit ko na din ang mata ko at humarap sa kisame.

Praying na magkakarun ng katugon ang pagsintang pururot ko na'to.

****





Thanks for reading😘😘


Pasensorry sa maiksing update😟

The TRAVELLER(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon