CHAPTER 2

1.4K 55 6
                                    

“YOU’RE LATE!”

Bungad sa akin ni Mama Lu nang makababa ako sa taxi na sinakyan ko papunta sa trabaho ko. It’s already nine in the evening. Kanina pa sana ako nandito sa trabaho ko kung hindi lang nagkaroon ng emergency sa bahay. Nilalagnat kasi ang bunso naming kapatid, tapos may importanteng lakad ang isang kapatid ko dahil sa thesis nito, kaya hindi agad ako nakaalis sa bahay kasi ayokong iwanan ang kapatid ko ng mag-isa lang.

“I’m sorry, Mama Lu,” sabi ko sa manager ko.

Inirapan lamang ako nito, at kinuha ang kamay ko para hilahin na ako papasok sa Diamond Club.

“Nainip na kakahintay sa ’yo ang customer mo, kaya hayon, nilayasan na kami! Mananagot talaga ako nito kay Madam Deborah kapag malaman niyang may customer tayong hindi nag-enjoy ngayong gabi.”

“Ako na lang po ang magpapaliwanag kay Madam Deb. Wala kasing maiiwan sa kapatid ko na may lagnat, e.”

Bumuntong hininga ito. “Mabuti sana kung good mood ngayon ang madam mo kasi walang problema doon.”

Napabuntong hininga na lamang din ako dahil sa sinabi nito. Mabait naman si Madam Deborah. At sa lahat ng dancer nito sa DC, isa rin ako sa paborito nito, kaya minsan nadadaan ko sa lambing kapag nagagalit ito. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan nito, pero minsan kasi kailangan kong gawin iyon para mas malaki ang sahod na ibigay nito sa akin. Para saan pa at nagtatrabaho ako sa club nito? Siyempre, para kumita ng malaking pera, hindi ba?

When we entered the Diamond Club, the melodious music playing immediately greeted us and I saw my two co-dancers dancing on the stage. Dahil exclusive nga ang club na ito sa mga taong mapera, hindi ito ganoon ka-crowded. Sakto lang ang dami ng tao na pumupunta gabi-gabi. Halos lahat ng nagpupunta rito ay mga businessman, may edad man o bata pa. Hindi rin maingay kagaya sa ibang club. Kapag may sasayaw na sa stage, lahat ng tao ay tahimik lamang na nanonood habang ini-enjoy ang mamahaling alak nila. And after the performance, saka pipili ang customer kung sino ang gusto nilang i-table. Pero ako, madalas hindi na kasali sa pinagpipilian ng mga customer na mai-table dahil hindi pa man nagsisimula ang performance ko sa stage, I already have customers, and it depends on my manager who he chooses to be my customer.

“Late ka, Solana,” wika ni Candy, isa sa mga kasamahan kong dancer na naging close friend ko na rin.

“Medyo nagkaroon lang ng problema,” sabi ko nang tuluyan na kaming makapasok ni Mama Lu sa dressing room namin. “Tapos na kayo?” tanong ko na ang tinitukoy ko ay ang perfromance nila sa labas.

“Oo, katatapos lang. And, guess what?” ani nito, at biglang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi, at nagsimulang hubarin ang suot nitong bra kahit nakaharap pa sa akin.

“What?” tanong ko, at umupo na rin sa silya na nasa tapat ng vanity table upang magsimula na ring mag-ayos ng sarili ko.

“May customer akong bigatin ngayong gabi. Oh! I’m hoping na malaki ang tip na makuha ko ngayon!”

“Galingan mo lang sa performance mo. I’m sure malaki ang ibibigay sa ’yong tip.”

“I will. Kailangan ko kasi ng malaking pera ngayon kasi may kailangan na naman akong bayaran next week,” sabi pa nito habang tinatapos na ang pagbibihis nito. “Sige at mauuna na ako sa ’yo. Kita na lang tayo mamaya, okay?”

“Take care and don’t forget the protection later, okay?”

May inilabas naman itong maliit na sachet mula sa hand bag nito at ipinakita sa akin. “I’m always ready, amiga.” Kumindat pa ito, saka naglakad palapit sa akin. Hinalikan ako nito sa pisngi. “Bye! See you later!”

PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon