“SOLANA!”
Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig lamang ako ng ilang segundo kay Millie nang mag-umpisa na itong maglakad palapit sa akin. Mayamaya, naramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata.
“M-Millie?” bahagya pang pumiyok ang boses ko.
Oh, God! After four years ay ngayon ko na lamang ulit nakita ang best friend ko. I missed her so much. Throughout the times of being apart and unable to connect, my best friend never left my thoughts. Millie is like a sister to me, so when I left without telling her why, I knew I hurt her too.
“Oh, my God!” Napatutop pa ito sa bibig nang nasa harapan ko na ito.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. “Millie,” pabulong na sambit ko.
Nakita ko naman ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi nito maging ang pamumula at panunubig ng mga mata nito. I can also see in her eyes how happy she is now that we have met again.
“Oh, bes!” Bigla ako nitong niyakap.
I closed my eyes tightly when I felt Millie’s tight hug around me. Hindi pa man tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang nangyayari ngayon, gumanti na rin ako sa mahigpit na yakap nito sa akin habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko.
“Oh, I missed you, Millie.”
“Ano ba ang nangyari sa ’yo? Bakit bigla
. . . bigla kang nawala noon?” tanong nito, saka unti-unting lumayo sa akin.Malungkot naman akong ngumiti at pinunasan ang mga luha ko. “Puwede ba tayong mag-usap?” sa halip ay tanong ko rito.
“I missed you, Solana.”
Imbes na babalik na ako sa penthouse dahil gusto kong lumayo muna kay Kash dahil sa nangyari kanina sa beach, inaya ko si Millie na magtungo sa dalampasigan para doon kami makapag-usap nang maayos. Sa bandang dulo ng beach, kung saan walang masiyadong tao, roon kami nagtungo at pumuwesto. Magkatabi kaming umupo sa buhangin.
“Four years, Solana. Where have you been? Bakit bigla kang nawala?” malungkot na tanong sa akin ni Millie.
I let out a deep sigh to control my emotion before telling Millie about what happened before.
“I’m sorry, Millie. I know . . . nasaktan kita nang bigla akong umalis at hindi man lang nagpaalam sa ’yo.”
“Sobra, Solana,” wika nito. “At sobra din akong nalungkot. Wala kasi akong maisip na puwedeng maging dahilan mo para bigla kang maglaho na parang bula. I mean, kung ’yong tungkol sa nangyari noon . . . ’yong kumalat ang pictures mo sa buong school ang dahilan—”
“Hindi ’yon ang dahilan ko, Millie,” sabi ko para putulin ang pagsasalita nito.
Nangunot naman ang noo nito. Nagtatanong ang mga mata nitong tumitig sa akin.
“So, what’s the reason to your sudden disappearance?”
Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga at nag-iwas ng tingin dito. Itinuon ko sa madilim na karagatan ang aking paningin. Ilang segundo ang pinalipas ko bago muling nagsalita. “It’s about Rufo,” sabi ko. “Nang araw na nalaman kong may nagpakalat ng picture ko sa buong school, I don’t know what to do that time. Kailangan ko si Rufo sa tabi ko nang mga panahong iyon pero nalaman kong nasa Mindoro pala siya dahil nagkaroon ng problema ang kumpanya niya roon. And then I received pictures, Millie. Kasama niya si Rhea sa iisang kuwarto sa hotel sa Mindoro. And I knew something happened between the two of them. Sobra akong nasaktan dahil sa pictures na ’yon. I called him pero hindi naman siya sumasagot sa mga tawag at text messages ko. Dahil gusto kong malaman kung totoo ba ang nakita ko sa pictures na ’yon na sigurado akong si Rhea ang nagpadala sa akin, I called Ciri para itanong sa kaniya kung saan sa Mindoro naroon ang daddy niya. At nang pumunta ako roon . . . nadatnan ko nga si Rhea sa kuwarto ni Rufo. Magkasama sila.” Hindi ko namalayan na tuloy-tuloy na naman palang umaagos ang mga luha ko. I couldn’t stop myself from sobbing as I remembered those moments that caused so much pain in my heart. “Nasaktan ako nang husto, Millie.”
BINABASA MO ANG
PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2
Romance"Since the night I saw you in that place, I know you are the one for me. So since then, I promised myself to love and protect you. I will cherish you for the rest of our lives. Thank you so much for coming into my life, Solana." Breadwinner, tumayon...