HIDING MY EX-PROFESSOR'S DAUGHTER: CHAPTER 70

378 16 3
                                    

I WAS wearing a black two-piece bikini and I layered with a white see-through cardigan. Ang buhok ko naman ay ipinusod ko. While Croia, she chose pink swim wear.

“Natutulog po si Bacon, mommy. Hindi po natin siya isasama?” tanong sa akin ng anak ko.

Sinulyapan ko naman si Bacon na nakahiga sa carpet sa may paanan ng sofa. “Huwag na lang, anak. Hayaan na muna natin siya rito. Baka napagod yata siya kanina nang maglakad-lakad kayo ni Dada sa beach,” sabi ko.

“Okay po,” sabi na lamang nito, at humarap sa akin matapos kong itirentas ang buhok nito. “Thank you, mommy.”

Ngumiti ako at hinalikan ito sa pisngi. At mayamaya bumukas naman ang pinto at pumasok si Kash.

“Are you ready?” tanong nito sa aming mag-ina.

Kaagad namang lumapit si Croia kay Kash, at humawak sa kamay nito. “Dada, wala po akong salva-vida,” sabi nito.

Oh, yeah! I forgot to bring it earlier when I was rushing to put our clothes in the luggage.

Yumuko naman si Kash at binuhat ang anak ko. “Oh, that’s okay, darling. I’m here and I’ll just teach you how to swim. Do you like it?”

“Really po?” lumawak ang ngiti sa mga labi ng anak ko. Halatang bigla itong na-excite dahil sa sinabi ni Kash.

“Uh-huh!” Tumango pa ito.

“Did you hear that po, mommy? Tuturuan po ako ni Dada na lumangoy!”

Ngumiti naman ako, saka tumayo na sa puwesto ko at naglakad na rin palapit sa kanilang dalawa. “So, let’s go na para makapag-swimming lesson na kayong dalawa,” sabi ko. Hinawakan ko sa braso si Kash upang bahagya ko itong itulak palabas ng pinto.

Hapon naman na ngayon kaya hindi na mainit ang sikat ng araw. Kaninang bandang tanghali, kinukulit ako ni Croia na lumabas at mamasyal sa beach, pero dahil tinatamad ako kanina, si Kash na ang sumama sa anak ko, at kasama rin nila si Bacon na bumaba sa beach.

Nang makalabas kami sa penthouse, nagdiretso agad kami sa elevator. Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa. Ang daldal din kasi ng anak ko. At mabuti na lamang hindi naiinis o nagsasawa si Kash na kausapin at sagutin ang anak ko kaya natutuwa rin ako. Kahit hindi man sila totoong mag-ama, but with the bonding they always do when he has free time to be with my daughter, feeling ko talaga kumpleto ang buhay ng anak ko.

Oh, sometimes I can’t help but ask myself . . . how would our life have been if her daddy was with us? Will Rufo be a good father to Croia? What would be his reaction if he finds out that we have a child? When I think about those questions, I can’t help but feel sadness, pain, and regret. Kung sana kasi ay hindi nagkaroon ng malaking problema noon, hindi naman ako aalis at iiwan si Rufo nang hindi kami nakakapag-usap nang maayos.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere, at kaagad na ipinilig ang ulo ko bago pa kung saan na naman mapunta ang mga iniisip ko ngayon.

Matagal nang nangyari ang mga nangyari noon. It’s been four years. Even if I regret what happened before, there is nothing I can do and I can’t turn back the time. All I need to do right now is take care of my daughter and make her feel how much I love her even though she is not with her daddy and I will do everything for her.

“Are you okay?”

Bigla akong napalingon kay Kash nang marinig ko ang boses nito. Sa lalim na naman ng iniisip ko ngayon, hindi ko na napansin na nakasakay na pala kami sa elevator. Kaming tatlo lang ang lulan niyon.

Ngumiti naman ako kay Kash, saka bahagyang bumuntong hininga. “Yeah, I’m fine,” sagot ko. “May naisip lang ako bigla.” Tiningnan ko ang anak ko na nakatitig din sa akin. I gave her a sweet smile and gently squeeze her chin.

PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon