CHAPTER 43

568 14 2
                                    

THE next morning, akala ko ay makikita ko pa ulit ang Rhea na ’yon, pero mabuti na lamang at hindi na. Umalis na rin yata agad ang babaeng ’yon dito sa isla. Nako, kung nagkataon na magkikita pa kami ngayon dito, ewan ko na lamang kung ano pa ang magagawa ko sa kaniya!

Nakangiting bumuntong hininga ako at naglakad palapit kay Ciri. Nakadapang nakahiga ito sa telang nakalatag sa buhangin habang sina Millie at Cathy ay nasa dagat na naman. Si Rufo ay nasa cottage pa namin, at si Gabby naman, ewan ko kung nasaan ang babaeng iyon. Kanina pa raw ito umalis sa cottage nila.

“Hi, Ciri!” bati ko rito nang umupo ako sa tabi nito.

“Solana!” Kumilos naman ito agad. Mula sa pagkakadapa ay umupo na rin ito. Nakasuot pa ito ng ray-ban shades. “Where is dad?”

“Nasa cottage pa. Pero papunta na rin siya rito,” sagot ko.

“Solana, can I ask you something?”

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang tingnan ko ulit ito. “Oo naman. Ano ba ’yon?” tanong ko.

Saglit itong bumuntong hininga, saka itinaas sa ulo nito ang shades at seryosong tumitig sa akin. “Rhea talked to me earlier,” sabi nito.

My face became serious as I stared at her. I didn’t speak, instead I waited for her to speak again.

“She told me na sinaktan mo raw siya.”

Napabuntong hininga na rin ako nang malalim, saka nag-iwas saglit ng tingin kay Ciri. “Nagsumbong pala siya sa ’yo,” sabi ko.

“So, it’s true? Sinaktan mo nga siya?”

Muli akong tumingin dito. “Yeah,” sagot ko. “Pero ginawa ko lang naman ’yon sa kaniya dahil bigla akong nagalit nang halikan niya ang daddy mo, Ciri.”

“What?” kunot ang noo at gulat na tanong nito.

“Kagabi, nang dumating tayo sa restaurant at wala roon ang daddy mo, hindi ba’t hinanap ko siya? At nakita ko siyang kausap si Rhea. At nang makita ako ni Rhea na palapit na sa kanila, bigla niyang hinalikan si Rufo. Of course, nagalit ako bigla at hindi ko napigilan ang sarili ko na saktan siya,” pagpapaliwanag ko.

“She deserved it.”

Napatitig ako lalo sa mukha ni Ciri. Ano raw? So, does that mean she’s not mad at me because of what she found out? I mean, Ciri doesn’t like Rhea any way.

“Nagsumbong siya sa akin kanina. And as I expected . . . she lied to me again. She said that she was not doing anything wrong pero bigla mo raw siyang inaway. Oh, that woman can’t be trusted!”

“Iyon ang sinabi niya sa ’yo?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango naman ito. “Yeah. And . . .  sinisiraan ka pa niya sa akin.”

“Bruha talaga ang babaeng ’yon! Nako! Mabuti nga at pasalamat siya na iyon lang ang ginawa ko sa kaniya kagabi. Dahil kung hindi ako inawat ng daddy mo . . . baka naibaon ko siya sa buhangin.”

Natawa naman si Ciri sa mga sinabi ko. “Let’s not talk about her na nga. Masisira pa ang araw natin dahil sa kaniya,” wika nito, saka kaagad na tumayo. “Come. Sa dagat na tayo.”

Wala na rin akong nagawa kung ’di ang tumayo sa puwesto ko, saka magkaagapay kami ni Ciri na sumulong sa dagat para puntahan sina Millie at Cathy.

Naging masaya at magaan ang bakasyon namin sa Isla Ildefonso. Apat na araw lang, pero sulit na sulit naman ang bonding namin lalo na kami ni Ciri. Ngayong nagkaroon na kami ng time na makapag-bonding, kahit papaano ay may mga nalaman ako tungkol dito at ganoon din naman ito sa akin. Mas lalong gumaan pa ang pakiramdam ko sa anak ni Rufo. Mukhang wala na nga akong magiging problema kay Ciri. Ang mommy na lamang niya ang kailangang kong problemahin.

PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon