HIDING MY EX-PROFESSOE'S DAUGHTER: CHAPTER 95

279 6 6
                                    

“WHERE is your daddy now, Ciri? Bakit hindi na lang siya ang sumundo sa amin ni Croia dito?” tanong ko. Nakayakap sa braso ko si Ciri habang hawak ko naman sa kamay si Croia. Nasa pasilyo na kami ngayon ng building na pag-aari ng asawa ko. Croia requested me earlier na puntahan daw namin ang daddy niya sa trabaho dahil nami-miss niya raw ito kahit ilang oras pa lang naman silang hindi nagkikita ng ama niya. At dahil wala naman akong gagawin sa bahay, sinamahan ko na nga ang anak ko na magpunta rito. Nang dumating naman kami sa office ni Rufo, wala siya. Ang sabi ng secretary niya, may saglit na meeting daw siya sa labas, kaya umalis siya kanina. Maghihintay na lang sana kami ni Croia sa office niya, pero dumating naman si Ciri. Ang sabi nito ay tinawagan daw ito ng daddy niya at ipinapasundo kami ni Croia para sabay na kaming mag-lunch sa labas.

“Dad still has an important meeting, so he called me earlier and he said I need to pick you up here.”

“Come on, mommy! I’m excited to see daddy.”

Natawa ako. “Ikaw talaga! Tatlong oras pa lang na hindi kayo nagkikita ng daddy mo, miss mo agad siya?”

Humagikhik ito nang tumingala sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa kay Ciri. Nang makalabas kami sa building, naroon na ang driver nito at naghihintay sa amin.

“Ate Ciri,” ani Croia, at may ibinulong sa ate niya.

“Shhh! It’s a secret, baby.”

Nangunot ang noo ko habang nakatingin ako sa kanilang dalawa na nagbubulungan. Mmm. Parang may something sa kanilang dalawa.

Mayamaya ay naghagikhikan silang mag-ate.

“Okay. Just . . . keep quiet, okay?”

Tinakpan naman ni Croia ang bibig habang humagahikhik pa rin.

“May secret pala kayong dalawa,” sabi ko.

“Huh?” anang Ciri. Lumingon ito sa akin pati si Croia.

“I’m sorry, mommy, but we should be the only ones who know about our secret.”

Kunwari ay pinanliitan ko sila ng mga mata habang ipinapagpalipat-lipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Magsasalita pa sana ako, pero tumunog naman ang cell phone ko. Kaagad ko iyong kinuha sa bag ko. At nang makita kong si Rufo ang tumatawag sa akin, sinagot ko agad ang kaniyang tawag.

“Hello, babe!”

“Where are you, wife?”

“Um, nasa biyahe kami ngayon. Kasama ko na sina Ciri at Croia. Ang sabi ng anak mo, ipinasundo mo kami sa office mo.”

“Yeah. I’m sorry, wife, I’m just busy right now. I still have a meeting, but just come here so we can have lunch together, okay? I have to finish my meeting first. Ciri knows where I am now.”

“Alright, babe.”

“Okay. I love you, wife.”

“I love you, too. Bye!”

Hindi nagtagal ay ipinarada naman ng driver ni Ciri ang sasakyan sa tapat ng isang building. Nangunot pa ang noo ko nang makita kong nasa City Hall kami ngayon.

“What are we doing here, Ciri?” nagtatakang tanong ko.

“Dad is inside. He is having a meeting with the Mayor. Let’s just go inside at puntahan na lang natin siya roon. Saglit na lang naman at tapos na ang meeting niya, e!”

Wala akong nagawa kung ’di ang bumaba na rin sa kotse nang bumaba na sila ni Croia.

“Let’s go, mom.”

PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon